chapter fifteen: levelling part four

517 11 0
                                    

Freedom

.
.

Fire POV

Hinimatay si angel. Agad naman syang sinugod sa clinic kasama si angelo. Tama nga si scarlet. May relasyon na nga ang dalawa. Katulad ko may connection na din sila. At may infinite symbol.

Nag sorry ang emcee.

" saksihan naman natin ang laban ng pinakamalakas sa royals. Si prince fire ang prince ng fire element. " sabi ng emcee. Tumayo na ko at tsaka pumunta sa arena. Lumitaw na ang mga kalaban ko kaya nag handa na ko. Nilagyan na ng shield ang battle field.

" let the battle begin" sigaw ng emcee.

Hindi ko na ito patatagalin pa. Tinira ko sila ng fire bomb ng sunod sunod. Halos kalahati ng kalaban ang namatay. Tinira nila ako ng water spikes. Sunod sunod. Hindi lahat kya kong iwasan kaya nagagalusan ako. Nag palabas ako ng fire sword sa kamay ko. Iwinasiwas ko yon sa kanila. Gumawa sila ng water sword. Espadahan na ang labanan. Marami akong nakukuhang hiwa. Habang nakikipag laban ako nakita ko si sappy na umalis. Puro dugo ang suot nyang damit. Shit! What happened to her?!

Nawala ang focus ko sa laban kaya nakatamo ako ng sak sak sa bandang tagiliran. Kitang kita ko kung paano na paluhod si scarlet sa sakit ng mga sugat nya. San nya ba nakuha ang mga yun? Nagfocus ako sa mga kalaban ko. Mamaya ko na sya pupuntahan. Kelangan ko ng matapos to. Nag palabas ako ng fire works. Sasabog iyon sa taas at bawat matamaan ng abo ng fireworks ay nagiging abo din. Naging abo ang mga robits pero may isa pa ring nakaligtas.

" times up! Woah you got ninety nine congratulations prince fire" sabi ng emcee. Nagtungo ako sa mga healers para magamot. Hindi ako pwedeng pumunta kay scarlet ng ganito ako kahina. Baka hindi pa ko nakakarating eh patay na ko.

" prince fire eto na po ang I'd nyo" iniabot sakin ng babae ang I'd ko. Kinuha ko iyon at tsaka lumakad paalis. Nakita ko si scarlet na pumasok. Walang dugo, sugat o galos sa katawan nya. Teka, kanina lang eh hinang hina na sya. Pero kung titingnan mo sya ngayon parang walang nangyari.

" hoy, bakit ka tulala jan? " nabalik ako sa ulirat nung magsalita sya. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

" anong nangyari sayo kanina? Bakit puro sugat ka? " kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nya.

" anong sinasabi mo jan fire eh wala namang nangyari saken kanina ah. Pinapanood pa nga kita kanina eh" nagtataka nyang tanong sakin.

Kung ganun hindi sya ang babaeng yon. Pero alam ko. Ramdam ko na sya yun eh. May tinatago ba sya samen?

" ah wala yon. Baka namalikmata lang ako. " sabi ko nalang.

Bumalik na ko sa upuan ko. Tumabi sakin si scarlet. Kanina kasi si angel ang katabi ko. Pero dahil nasa clinic sya ngayon kaya bakante ang upuan nya.

" nga pala fire wag mong hahayaang halikan ka ng princess, sabi sakin ni angelo hindi daw totoo ang sinabi nya sakin. Kelangan daw na sabihin mo sa princess na hindi mo sya mahal para matanggal ang koneksyon nyo. " sabi nya. Bakit ba pakiramdam ko hindi totoo ang sinasabi nya? Ano bang tinatago nya sa amin.

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

Dug dug dug dug. Eto nanaman ang puso ko. Haist sana makita ko na ang princess para maputol ko na agad ang koneksyon namin ng sa ganon, malaya na kong mahalin sya.

Sana mag karoon na ko ng freedom.

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now