chapter thirty one: anger

513 15 0
                                    

How could she

.
.

Aeron POV

Nagteleport kami papunta sa kinaroroonan ng kalaban. Nagulat kami. Ang dami nila. Halos limang daan ang mga black magic user.

Sinugod nila kami. Kami naman ay nagkahiwa hiwalay. Ginamit ko ang water sword ko. Iwinasiwas ko yun sa kanila. Ganun din ang ginawa nila angel, angelo, jerald(asawa ni serra). Samantalang bow and arrow naman ang kay jerra(anak nila jerald at serra). Hindi iyon pangkaraniwang arrow. Magiging abo ang matatamaan ng arrow na iyon. Sina ren at lizzy naman ay kunai at dagger. Expert sila sa long range.

Paulit ulit kong sinaksak ang mga kalaban. Sa puso ko sila sinasaksak. Kaya agad silang natutumba at nawawalan na ng buhay. Nagiging abo sila pag namamatay. Marami rami na rin ang natatalo naming kalaban. Kokonti na lang sila. Ginamit namin ang powers namin.

Gumawa ako ng water blades at pinatama sa natitira ko pang kalaban. Si ren naman ay Nagpakawala ng kidlat mula sa kalangitan. Si lizzy tinanggalan ng hangin ang natitira nya pang kalaban. Si angelo ikinulong sa light ball ang kalaban. Ganun din ang ginawa ni serra. Si angel ginawang bato ang kalaban. Isa iyon sa kapangyarihan ng earth. Si jerald naman ay ginamit ang super speed at sinaksak ang kalaban. Si jerra naman ay ubos na ang kalaban. Magaling para sa isang bata. At si rai--

" nasan si raina?! " sigaw ko.

" hindi mo sya kasama? Kanina ko pa syang hindi nakikita" sabi ni lizzy. Kinabahan agad ako. Baka kung mapano na sya.

" hinahanap nyo ba sya? " isang tinig ng lalaki ang narinig ko. Lumingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Napakuyom ako ng kamao ko.

" bitiwan mo sya! " seryosong sabi ko. Hawak nya si raina gamit ang kanang kamay nya samantalang ang kaliwa naman ay may hawak  na espada at nakatutok sa leeg nya. Takot ang makikita kong ekspresyon ni raina.

" bibitawan ko lang sya kung magpapakita ang princess sa akin" nakangisi nyang sabi.

Nagpupumiglas lang si raina.

" hindi sya magpapakita sayo" matigas na sabi ni lizzy.

" kung ganon papatayin ko ang babaeng to" akmang gigilitin na nya ang leeg ni raina ng may marinig kaming malamig na tinig sa likuran namin.

" looking for someone? " malamig na tanong nya. Kasama nya si fire.

" so ikaw pala ang princess. Hahaha. Pano ka naging queen of all e mukha ka lang namang mahina." panlalait nya kay sappy.

Galit na galit na kami. Hawak nya si raina at nilait nya pa ang kaibigan namin. Naging hursh man kami sa kanya kaibigan pa rin namin sya.

" bawiin mo ang sinabi mo" seryosong sabi ni angel.

" bakit ko babawiin? Totoo naman yun" sabi ng lalaki.

" pakawalan mo sya!" utos ko sa lalaki.

" papakawalan ko lang sya kung sasama ang princess sakin. " sabi nya habang nakangisi.

" at kung hindi ako sumama anong gagawin mo? " malamig na tanong ni scarlet.

" papatayin ko ang kaibigan mo. " sabi nya habang nakangising pang demonyo.

" nagpapatawa ka ba? Anong kaibigan ang sinasabi mo? Wala akong kaibigan. " napatingin kaming lahat kay sappy. Gulat kaming lahat. Paano nya nagagawang sabihin yan kung nasa panganib na ang buhay ni raina.

Naiintindihan namin na galit sya sa amin dahil sa nangyari. Hindi namin sya masisisi.

" sappy" umiyak si raina. Shit! Ayaw na ayaw kong nakikita syang umiiyak.

" wag mo kong dinadaan sa ganyan princess. Sasama ko o papatayin ko sya. " banta nya. Diniinan nya ang pag dikit ng patalim ng espada nya sa leeg ni raina. Umagos don ang dugo. Kita kong nasaktan sya. Napakuyom ako ng palad ko.

" go on" walang ganang sabi ni sappy.

Bakit?! Bakit nya hahayaang mamatay si raina. May pinagsamahan naman sila kahit papaano.

Halo halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ko kung paano ginilitan ng lalaki sa leeg si raina.

" akala ko malambot ang puso mo. Pero katulad ka lang pala namin. Wala ka ring puso. " sabi ng lalaki.

" tanga ka rin eh no? Paano ako mabubuhay kung wala akong puso?" pamimilosopo nya. Ngayon pa nya naisipan na mamilosopo. Pinatay ng lalaking yan ang mahal ko.

" ginagalit mo talaga akong babae ka! " galit na sigaw ng lalaki. Sumugod sya sa kinaroroonan ni sappy at akmang sasaksakin sya ng finreeze nya ito at sinaksak gamit ang dagger. Naging abo na ang lalaki.

Ramdam ko pa rin ang galit sa kanya. At kita ko rin na galit din ang iba.

How could she?!

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now