chapter twenty: dark princess

549 13 0
                                    

Goodbye scarlet

.
.

Fire POV

Umalis na si scarlet. Hindi naman namin sya nakitang lumabas pero alam naming umalis na sya. Siguro nagteleport.

Hindi maalis ang galit, lungkot at sakit sa pakiramdam ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanina ko pa ito nararamdaman nung may mangyaring eksena dito sa kusina. Hindi akin ang pakiramdam na ito. Alam ko. Pero parang hindi rin yun kay serra.

Speaking of serra. Nandito sya ngayon sa tabi ko. At nakakapit sakin bagay na kinaiinisan ko. Marahas akong tumayo dahilan para mapakalas sya ng pagkakahawak sakin.

" fire bakit ka naman tumayo? " reklamo nya.

" pwede ba. Tigil tigilan mo ko. Lumayo ka nga sakin. " inis na sabi ko.

" pero fire. Di ba ako naman ang mapapang asawa mo? Bakit mo ko pinapalayo sayo. " maluha luha nyang sabi.

" pwede ba serra? Hindi kita mahal. Yun ang dahilan kung bakit ako nalayo sayo. Sana naman maintindihan mo yon. " sabi ko. Ang haba. Nakakahingal.

" kung hindi mo ako mahal, ibig sabihin may mahal ka ng iba. Sino ang babaeng yon? Ha? " naiyak na sya. Napasabunot ako sa buhok ko. Akala ko ba pagnasabi ko ng hindi ko sya mahal ay mawawala na ang koneksyon namin. Bakit naramdaman ko pa rin ang connection na yan.

" tumigil ka na serra. Layuan mo na ako. At tigilan mo na rin ang pagkapit mo sa akin na parang toko. Tss" sabi ko. Nakaka stress ang babaeng to.

" hindi kita titigilan fire hanggat hindi ka napapasakin. Kung kailangan kong patayin ang babaeng mahal mo. Gagawin ko. Para wala nang aagaw sayo. " matigas nyang sabi. Nagalit ako. Napakadesperada nya.

" subukan mo lang na saktan ang mahal ko. Mamamatay ka sa mga kamay ko. Tandaan mo yan" galit na sigaw ko.

" so inamin mo rin na may mahal ka nga. Mas malakas ako sayo fire tandaan mo yan. Ako ang queen of all. Kaya hindi mo ko pwedeng saktan. " sabi nya. Nagpalabas sya ng dark ball sa kamay nya. Itinira nya yon sakin pero bago pa ko matamaan. May babaeng nakacloak na puti ang biglang lumitaw at itineleport ako sa enchanted garden. Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka mask sya.

" mag ingat ka fire. " sabi ng babae. Bakit parang pamilyar ang boses nya. Parang kaboses sya ni scarlet.

" scarlet ikaw ba yan? " tanong ko. Tinanggal nya ang kanyang mask at bumungad sakin ang mukha ni scarlet. Seryoso sya.

" bakit? Bakit mo ko iniligtas? " tanong ko. Diba dapat galit sya sakin kasi nagtono ako kanina na parang galit sa kanya dahil sa ginawa nya kay serra. Hindi naman ako galit sa kanya. Nadala lang ako ng nararamdaman kong galit dahil sa connection ko sa princess.

" hindi ako galit sayo kung yan ang iniisip mo. Iniligtas kita dahil nakaramdam ako na nasa panganib ka" sabi nya. Seryoso ang mukha nya. Hindi ko tuloy alam kung nag aalala sya sakin o hindi.

Ang light magic user ay may kakayahang makaramdam kung nasa panganib ang taong malapit sa kanya. Madali nya ring malalaman kung sino ang dark magic user.

" fire, mag ingat ka sa kanya. Wag mong hayaan na malagay ka sa panganib please. " pagmamakaawa nya. Ngayon ko lang nakita ang ganyan nyang ekspresyon.

" makakaasa ka" sabi ko.

" aasahan ko yan fire. Sa ngayon hindi nyo na muna ako makikita. " sabi nya. Nagpapaalam ba sya?

" bakit? Saan ka pupunta? " takang tanong ko. Ayaw kong umalis sya. Nakaramdam ako ng lungkot.

" kailangan ko lang mag pahupa ng galit. Sa pagbalik ko wag ka sanang mabibigla. Ang princess na kasama nyo ay tunay na prinsesa pero hindi sya ang queen of all. Princess sya ng dark kingdom kaya mag ingat ka sa kanya. " sabi nya habang nagkangiti ng malungkot.

" pano mo naman nalaman?" tanong ko.

" i have my ways fire. Totoo ang sinabi ko sayo nung nandito tayo. Yun lang ang tanging paraan para maputol ang connection nyo ng princess. " sabi nya. Bakit tila malungkot sya habang sinasabi nya yun. Pakiramdam ko may hindi sya sinasabi sakin.

Ngumiti sya ng mapait. Alam kong may tinatago sya at yun ang aalamin ko.

" paalam" sabi nya at biglang naglaho.

Goodbye scarlet. Hanggang sa muli.

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now