chapter thirty six: goddess of moon

426 14 0
                                    

GODDESS OF MOON

.
.

Sappy POV

Natawa ako sa naging reaksyon nila.

" anong gagawin natin sa itlog na yan sappy? " takang tanong ni aeron.

" hindi lang ito basta bastang itlog. Isa itong magical egg. " sabi ko. Kumunot naman ang kanilang noo.

" paanong naging magical ang mga itlog na yan? " napatampal na lang ako sa noo ko. Hindi pala nila alam ang ibig sabihin ng magical egg. Naturingang royals eh. Tss.

' calm down scarlet' sabi ni fire sa isip ko.

Okay. Okay.

" guys, ang itlog na ito ay naglalaman ng pet nyo. Kailangan nyo sila sa gaganaping  bloody war" paliwanag ko.

" pets? " tanong ni lizzy.

" yeah" binigyan ko sila ng tig iisa. Kinuha nila ito.

Ang mga itlog na kulay puti ay nagkakulay. Ang kay fire ay red, ang kay angel ay brown, ang kay kuya, ay mas pumuti pa, ang kay aeron ay dark blue, ang kay raina ay blue, ang kay ren ay yellow, ang kay lizzy ay green, kay serra ay black, kay jerald ay bloody red, blood manipulator kasi sya. At ang huli ay kay jerra na kulay violet, isa syang poison manipulator.

Ang akin? Halo halo ang kulay.

Manghang mangha sila sa nakita nila. Unti unting nag kacrack ang itlog na hawak nila at pagkatapos ay tuluyan na itong nabasag.

Ang laman ng itlog ay mga fairies. Maliit lang sila at may pakpak. Ang kulay ay depende sa powers nila.

" wow" manghang sabi ni angel.

" ang ganda " sabi naman ni serra.

" mommy i love it" s abi naman ni jerra.

" its all yours" sabi ko naman. Lalo silang natuwa.

Ang tungkulin ng fairies ay ang bigyan sila ng lakas sa oras ng pangangailangan.

" thanks" sabay nilang sabi.

Ngumiti lang ako sa kanila.

" guys sa oras ng digmaan, sana magtagumpay tayong lahat. " sabi ko.

Tumango lang sila at tsaka ngumiti.

" im sure we can. " determinadong sabi ni ren.

" fighting" sigaw namin lahat.

* fast forward *

Ngayon na ang araw ng kinakatakutan ng lahat. Ngayon na magaganap ang bloody war.

Nasa kanya kanya na silang pwesto. Handa na kami. Handa na ang lahat. Sana pagkatapos nito maging maayos na ang lahat.

Taimtim akong nagmamasid sa paligid. Nakikiramdam sa kanilang pagdating. Unti unti ng nagdidilim.

' sa paglitaw ng pulang buwan

Magaganap ang digmaan,

Marami ang mamatay.

Ngunit

Isa ang magsasakripisyo para sa kabutihan ng lahat,

Marami ang magdurusa sa kanyang pag kawala

Ngunit sya ay...

...'

Isang propesiya nanaman. Alam ko na ang pinapahiwatig nito. Alam ko na rin ang kahihinatnan ng lahat.

Maya maya pay tuluyan ng kinain ng kadiliman ang liwanag. Unti unti ng lumilitaw ang bloody moon. Hudyat na mag uumpisa na ang bloody war. Lahat ay nagsipwesto na. Nagsihanda na ang lahat.

Ngayon na.

Nararamdaman ko na ang mga kalaban.

Sa tuluyang paglitaw ng pulang buwan.

Naramdaman ko na ang lakas na dumadaloy sa aking katawan. Unti unti akong umangat. Nakakasilaw na pulang ilaw ang bumalot sa aking katawan. Nang humupa ito ay lahat sila ay nagulat ng ako ay nag iba ng kasuotan. Maging ang kulay ko ay lalong pumuti. Ang buhok kong blonde ay naging kulay pula. Ang labi koy lalong naging kulay pula. Ang kasuotan ko namay sandong pula na hanggang dibdib lang at short na pula na maikli. May kapa rin akong pula. At ang kasuotang pam paa ko ay kulay pula na boots na hanggang tuhod ko. Mataas ang heels mga five inches.

Lahat ay namangha sa nakita nila. Dahil ako. Ako ang tinutukoy sa isa pang propesiya.

' kasabay ng paglitaw ng pulang buwan ang paglitaw ng goddess of moon. Sya ang magiging susi para sa tagumpay'

* sya r-rin ang g-goddess of moon*

Lahat sila ay gulat na gulat kaya hindi nila namalayan ang pagdating ng kalaban.

BOOOOOOOOMMMMMM

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now