chapter thirty four: loughtrip

514 14 0
                                    

Burst into laughter

.
.

Ren POV

Ganyan talaga ang buhay. Minsan magkakamali ka, makakagawa ka ng kasalanan, makakapagbitaw ka ng masasakit na salita. May masasaktan ka.

Pero parte lang yun ng buhay. Dahil pagkatapos ng sakit. Papalit din ang saya. Tulad ngayon, masaya na kami. Bumalik na sya. Nagkaayos na kami.

Kung magkamali matutong humingi ng tawad. Kung naagrabyado ka? Matutong magpakumbaba. Hindi naman kasi nadadaan sa galit ang lahat. Dahil ang galit, ang galit ang nagpapalala ng sitwasyon. Maanong mag usap ng maayos upang magkaintindihan. Maraming paraan para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

Wag dapat sasayangin ang oras. Malay mo, pagdating ng panahon, tsaka mo marealize na dapat sana maayos lang kayo at wala sanang gulo. Tsaka ka mag sisisi kapag huli na ang lahat.

" ang lalim ng iniisip natin jan ah. Tingnan mo ang lalim ng hukay. " bungad ni sappy.

Tiningnan ko ang tinuro nya at talagang nanlaki ang mata ko at napaawang ang labi ko. Seriously?! Ganyan talaga kalalim?!

May hukay sa lupa at siguro mga 100meters ang lalim.

" hahahahahahahaha" tawa nya. Nagtaka naman ako. Nababaliw na ba sya.

" hoy anong nangyayari jan? " tanong ni lizzy na kararating lang. Nanlaki ang mata nya ng makita yung hukay.

" sinong may gawa nyan?!" sigaw nya. Lalong lumakas ang tawa ni sappy.

Hala! Baliw na ata sya!

" guys tulong, si fire nababaliw na ata. " sigaw ni aeron  na papalapit sa amin. Kasama nya si raina, angel, fire na tumatawa, serra, jerald, jerra, at angelo.

Nang makalapit sila samin. Agad naman nanlaki ang kanilang mga mata. Yung hukay ang una nilang nakita.

" anong nangyari dito?! " sigaw ni jerald.

Napatingin naman sila kay sappy na kanina pang tumatawa. Natulo na nga ang luha nya sa sobrang saya. Tears of joy ganun?

" hala! Nababaliw na ata silang dalawa. " sabi ni angel. Tawa kasi ng tawa yung dalawa at talagang pareho silang natulo na ang luha kakatawa.

First time lang namin na makita sila na ganyan kasaya.

Tinitigan nalang namin sila at hinintay kung kelan sila titigil. Lumipas ang tatlong minuto at tumigil na rin sila.

Pinahiran nilang dalawa ang luha nila.

" hay salamat naman at tumigil na rin kayo" sabi ni raina.

Huminga sila ng malaim. Take note. Sabay sila.

" sappy naman pinagmukha mo kong baliw(╯3╰)" reklamo ni fire.

" sornaman! Si ren kasi eh" hala talagang nasisi pa ko.

" si ren ba talaga ang dahilan ng saya mo" ay ang loko.nagselos.

" hoy wag ka nga. " saway nya.

Na oop na kami.

" ah guys, mind to tell us what happened here" sabi ni serra. Kagroup na namin sila. Ibig sabihin royals na rin sila.

Si jerrald kasi ay animal manipulation. Sya ang prince. At si jerra naman ay poison princess. At si angelo ang prince of light.

" okay okay, *sigh* nakita ko kasi na tulala si ren kaya nilapitan ko sya. Alam kong malalim ang pag iisip nya kaya gumawa ako ng malalim na hukay ng hindi nya namamalayan. At tsaka pfft~ ko sya pfft~ " nagpipigil sya ng tawa.  Ahh. Sya pala ang may gawa nito. Nice. Naloko talaga ako. Pout.

" sinabi ko sa kanya na ang lalim ng iniisip nya at itinuro ko yung hukay sa kanya. " nung una hindi nila nagets. Pero unti unti rin silang natawa. Hala. Baliw na din sila.

" bakit ba kayo natawa? " nakapout kong sabi. Bakit ba e sa na oop ako dine eh.

Lalong lumakas ang tawa nila.

" grabe ka ren. Seriously?! Hindi mo nagets? " natatawang sabi ni lizzy.

Umiling lang ako.

" niloko ka nya at nag pauto ka naman" sabi ni jerra. Ay ang talas ng bibig ng batang ito. Napaisip ako. At tsaka unti unting nag sink in sakin ang lahat. Ay ang slow ko talaga.

Nag patuloy lang ang tawanan at ako naman ay nakikitawa na lang din. Ang saya ng barkada eh. Sana ganito na lang kami palagi.

My World ( Queen Of All )Where stories live. Discover now