chapter thirty seven: bloody war part one

385 10 0
                                    

There's a blood everywhere

.
.

Sappy POV

Nagulat ang lahat ng marinig ang malakas na pagsabog. Lahat sila ay naalerto. Sinummon ko na ang Dalawang Guardian ko. Ganun din ang ginawa ni fire. Sinugod na kame ng kalaban. Nag summon ako ng daggers at inihagis sa kanila. Si fire naman ay fire bow, isa itong pana na pag hinila ay nagkakaroon ng arrow na may nakakalason na apoy sa dulo.

Mabilis lang namin na natatalo ang mga lumalapit sa aming kalaban.

Nakaramdam ako ng malakas na aura. Masamang aura.

' i guess his here' sabi ko sa isip ko. Napangisi na lamang ako.

Agad akong umikot at tinira ang lalaking nasa likod ko ng poison dagger. Isang dagger na kapag natamaan ka, unti unting matutunaw at papasok sayo ang lason. Nakaiwas naman sya pero hindi ang nasa likod nya. Agad itong namatay. Limang segundo lang kasi tumatagal ang poison dagger.

" tss. Stupid. Sa tingin mo ba ganun mo lang ako kadaling mapapatay? Ha? Goddess of moon or should i say queen of all. " nakangisi nyang sabi.

Ngumisi lang ako sa kanya. Nakita ko naman ang pag kairita nya. Agad nya akong tinira ng dark ball. Pero nakaiwas lgang ako.

" papatayin kita princess sapphire" sigaw nya.

Ren POV

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog agad naman kaming naalerto. May sumugod na mga black magic user sa akin. Sinummon ko ang guardian at protektor ko. Tumulong sila sa akin. May lumabas na mga magic dolls. Hindi ka pwedeng tumingin sa mata nila dahil dahil mahihypnotized ka. Nakukuha rin nila ang lakas mo.

Pumunta sa akin ang dalawa. Malaki sila ng tatlong beses sa tao. Gumagamit sila ng dark magic. Ang totoo mababait sila pero dahil nasa ilalim sila ng kapangyarihan ng dark king kailangan namin silang kalabanin.

Pinagbabato nila ako ng dark blades. Marami yun kaya nadadaplisan ako.

" arghh" daing ko. Agad akong gumawa ng lightning balls at lightning blades sa magkabila kong kamay.

Itinira ko yun sa kanila at tumama naman iyon sa kanila. Kaya agad silang namatay. Agad naman akong umalis sa pwesto ko at tumulong sa iba.

Lizzy POV

May mga magic dolls na dumating. Sinugod ako ng tatlo. Hindi ko sila matatanggalan ng hangin dahil hindi naman sila humihinga. Pero nakakaramdam sila. Tumira ako ng air blades. Nakaiwas yung dalawa pero yung isa ang natamaan namatay agad iyon.

Nagsummon ako ng dagger. Isinummon ko na rin ang gurdian at protektor ko. Inutusan ko silang tulungan ang iba.

Habang nasa ere ang mga dagger ko. Sinugod ako ng isang MD (magic doll) pinatama ko sa kanya ang kalahati ng dagger ko. At pinatama ko naman sa isa pa ang kalahati. Namatay agad sila. Tumingin ako sa paligid. Puro dugo ang nakikita ko. Bangkay ng tao. Patay na katawan ng mga magic doll. Pati na rin ang mga pagod na pagod kong mga kasama.

'sana matapos na ang paghihirap ng lahat. Sana magtagumpay kami sa laban na ito' sabi ko sa isip ko at agad na tumungo sa iba pa. Para tulungan sila sa kanilang laban.

My World ( Queen Of All )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz