Chapter 4 : { The gift and the Ally }

115K 4.6K 2.3K
                                    

4.

The Gift and the Ally

 

It feels weird to be wearing this checkered skirt and vested uniform again. But its much weirder seeing myself with long hair. Simula noon parating maiksi ang buhok ko, ewan ko ba pero every summer my dad forces me to cut it short kaya nakakapanibago ‘to sakin. Kinuha ko na lamang ang gunting na nasa bedside table ko at sinumulang gupitin ang buhok ko.

“Kendra dali n----“ Napa-nganga si Tate nang makita niyang ginugupit ko ang buhok ko.

“Don’t just stand there, tingnan mo kung pantay ba ang pagkakagupit ko”  Biro ko sa kanya.

“What the hell are you doing Kendra! Sayang yung buhok mo!”

“Im not used to my long hair. Baka magalit ang daddy kapag nadatnan niyang mahaba ang buhok ko”

“Don’t you find it weird na gusto parati ng daddy mong maiksi ang buhok mo?” Nakangiwi niyang sambit kayat napasinghal na lamang ako. My dad’s not weird. He just disciplines us well.

------

Redwood High. Wow I never thought I would say this, but I really missed school. Hangga't sa hindi pa nakakabalik si Daddy at hindi pa nasasagot ang mga katanungan ko, sisikapin kong mamuhay ng normal. Im going to get my life back.

Iilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko sa school grounds ay napansin ko nang nakatingin sa akin ang lahat. May dumi ba ang mukha ko? May tagos ba ako?

"Kinakabahan ka?" Tanong ni Tate habang nakakapit sa braso ko. 

"Pinagtitinginan ako ng lahat ng tao dito. Siyempre kinakabahan" Nakakainis, ang sarap tusukin ng mga mata nila. Hindi naman ako sikat para titigan nila ng ganito.

“Mahal kong tate!” Biglang may sumigaw kaya sabay kaming lumingon ni Kendra. Define gross? Tate and his oh so manly boyfriend, Joey. Parang kahapon lang abot langit ang galit ni Tate at joey sa isa’t-isa. Parang kahapon lang pinagchichismisan namin ang kabaklaan ni Joey. Oh Jusko! Anong nangyari sa mundo?!

“Joeybabes!” Sigaw din ni Tate at magkasabay silang tumakbo patungo sa direksyon ng isa’t-isa gaya ng sa pelikula. Oh God I think im going to throw up.

Maa-out of place lamang ako sa kanila kaya naisipan kong magpunta na lamang ulit sa locker ko.

Naglalakad ako malapit sa hilera ng mga locker nang bigla na lamang bumukas ang pintuan na nasa unahan ko kaya muntik akong bumangga dito. “What the hell?!” Napasigaw ako’t sinipa ang pintuan ng locker upang maisara ito ngunit may narinig akong sumigaw. Nagulat ako nang may lumabas mula sa mismong loob ng locker.  Hindi na ako nagtaka pa, may kalakihan ang mga lockers namin at magmula pa noon ay may kilala na akong mahilig tumambay sa loob nito,  Si Ziggy.

“Kendra Villegas.” Mabagal siyang pumalakpak habang nakangisi. “Long time no see. Napasarap ang tulog?”

Weird. The last time I saw him, he was very shy and reserved. Ano kayang nangyari at ang dating Nerd naging mayabang na?

“Ziggy, I guess you’re no longer a nerd now” Biro ko.

“Hearthrob na ako ngayon at pinipilahan na ng mga babae. Date tayo?” Isinandal niya ang braso niya sa locker at bahagyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nagulat ako nang bigla na lamang lumutang ang mga salitang ibinigkas niya at gaya nang nakaraang araw ay kulay pula ito. Dali-dali kong kinusot ang mga mata ko. Ano ba talagang nangyayari sa akin?!

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon