Chapter 5 : { Strangers }

105K 4.7K 1.6K
                                    

5.

Strangers

"Kendra nandiyan ka lang pala! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap!" Nagulat ako nang bigla kong narinig ang boses ni Tate mula sa likuran ko. 

Walang ano-anoy bigla na lamang kinuha ni Webster ang bag niya mula sa mesa at tumayo. "Nice meeting you Kendra. Siguraduhin mo lang na maibabalik mo ang libro ko bukas" Nakangiti at kalmado niyang sambit bilang palusot at agad na umalis. Infareness magaling siyang mag-alibi.

"What was that?" Tanong ni Tate nang makalabas na si Webb sa caefeteria. 

"What was what?" Tanong ko rin pabalik habang pilit na ngumingiti. Dali-dali kong itinago ang papel sa bulsa ko at nagmaang-maangan.

Biglang napangiti si Tate. Tipong nanunukso.

"What? Nanghiram kang kaya ako ng libro!" Giit ko.

"Kendra ah! Kababalik mo lang may boylet ka na ulit, pero mabuti narin yun para makalimutan mo na si Nico." 

Oo nga pala si Nico. 

"Bakit ko naman kailangang kalimutan si Nico? Buhay pa siya diba?"

Nawala ang ngiti ni Tate at muling kumapit sa braso ko. "Tara na nga, late na tuloy ako dahil sayo" Biro niya. "Siya nga pala Ken, wag kang masyadong makikipag-usap dun kay Webb ah? Delikado yun eh"

Hindi ko maiwasang magduda sa kinikilos ni Tate. I love her but somehow pakiramdam ko talaga may tinatago siya sa akin. "He looks harmless" Depensa ko.

"Kasali siya sa gang. He is far from harmless you should stay away from him." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Tate, kung tutuusin hindi siya nagsisinungaling kasi walang lumilitaw na salita sa ibabaw ng ulo niya. "Siya nga pala may sinabi ba sayo si Ziggy o yung webb na kakaiba?" Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.  

"A-anong kakaiba?" Pag-lilihis ko sa tanong.

Ngumiti lamang si Tate at napailing-iling. Tate whats going on. Please stop creeping me out.

Naglalakad kami ni Tate patungo sa magiging classroom ko nang may maaninag akong pamilyar na mukha na makakasalubong namin. Muling bumilis ang tibok ng puso ko ngunit ngayoy hindi na sa kaba kundi sa tuwa na.

"Nico!" Hindi ko mapigilang mapasigaw at kumaway sa kanya ngunit nagulat ako nang mapansing hindi siya nag-iisa. Agad na nawala ang ngiti ko nang makitang may babae siyang kasama at ang masaklap, magkahawak sila ng kamay.

Ako dapat ang ka-holding hands niya....

"Oh my God! Kendra tara na!" Hinila ako ni Tate upang lumihis ng dinadaanan pero huli na kasi napatingin na sa direksyon ko si Nico at ang babaeng kasama niya.

Humigpit ang hawak sa akin ni Tate. Ngayon alam ko na kung bakit hindi nagk-kwento si Tate tungkol kay Nico. Nakahanap na pala siya ng iba.

Sa totoo lang gusto kong umiyak kaso naubusan na ata ako ng luha. Nakakatawa, sa dami ng pinagdaanan ko matapos ako magising ay naging immune na yata ako sa sakit. Akala ko nandiyan parin si Nico para sa akin kaso nagbago na rin pala siya. Ipinagpalit na niya ako. Hindi ako nalulungkot, galit ako.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon