Chapter 11 : { The Suspects }

95.7K 4.3K 2.6K
                                    

11.

The Suspects

Kendra's Point of View

Pumasok ako sa school na para bang walang nangyari. Pansamantala kong kinalimutan ang lahat ng sakit at pagdadalamhati ko dahil tama si Webb, madami pang misteryong tinatago ang buong lungsod. Labis parin akong nasasaktan sa nalaman ko pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asang inosente ang daddy. Gustong-gusto kong siyang makita at makausap pero hindi pa ngayon ang tamang panahon dahil kailangan ko munang alamin ang lahat. Kung inosente nga si Daddy kailangan makahanap din ako ng proweba.

"Lalim iniisip natin ah?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Tobi. Di ko namalayang nakatulala pala ako dito sa terrace ng school. Ilang taon ko siyang di nakita pero wala parin siyang pinagbago, naka-ngisi parin kahit wala namang matinong dahilan.

"Mahiya ka naman sa pangalan mo Hesus! Magtino ka nga!" Biro ko sa kanya.

"You cant tame wild grass bitch!" Sigaw pa niya sabay ipit ng magkabilang kamay sa kili-kili niya. Signature pose ng ungas. "By the way your brother is one goody too pussy. Come on! No porn or any unrated shit? Bakla ba yung kapatid mo?"

Agad nakunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Tobi what are you talking about?"

"Your brother's fucked up phone! Im fixi-----" Dali-dali kong tinakpan ang bibig niya kaso nagulat ako nang bigla niyang dinilaan ang kamay ko kaya agad ko siyang binatukan.

"Nakakadiri ka!" Dali-dali kong pinahid sa uniform niya kamay kong may laway niya. Yuck kadiri ang lalakeng to!

"Arte mo! Di mo ba alam na banal ang laway ko?!" Giit niya kayat binaliwala ko na lamang ito.

"Tobi sikreto lang natin ang tungkol sa cellphone na yan! Wag mong ipagsasabi sa iba!" Bulong ko sa kanya. Langya di ba siya sinabihan ni Webb na mapapahamak kami pag nakaalam tungkol dito?!

Ngumisi lang si Tobi at inakbayan ako, "Secrets will get you killed Kendra. Pati narin ang baril, kutsilyo, granada, rabis, lason, sabon at kung ano-ano pa."

"And your point is?"  Napangiwi na lamang ako sabay kamot ng ulo ko. Minsan talaga nakakabobo siyang kausap. 

"Im not afraid to die. Lahat ng tao namamatay, una-unahan lang yan. Eh ano ngayon kung tinutulungan ko kayo ni Webb? Hindi ako takot gaya ng iba. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil hindi ako magpapabayad." Nawala ang ngiting-nakakaloko ni Tobi at napalitan ito mationg ngiti. First time ko siyang nakitang ngumiti ng matino, yung walang halong bahid ng kung ano-anong kagaguhan.

"Thank you for helping Tobi but it will be a bigger help too kung isi-sikreto mo ang lahat kasi kung may mangyayaring masama sayo dahil tinutulungan mo kami, hindi kakayanin ng konsensya ko." Giit ko.

"Okay fine. But if I find porn in your brother's phone i'm downloading it." Napabuntong-hininga siya't hinithit ang electric cigarette niya. Wow umasenso. "By the way ganda ng girlfriend ng kuya mo. Single na siya ngayon diba? Taga-saan siya?"

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon