Chapter 6 : { Home }

113K 4.6K 2.5K
                                    

6.

Home

"Since last week, tatlong residente dito sa Redwood ang natagpuang patay. Kapwa pinagsasaksak at tinanggalan ng talukap sa mga mata," Lumapit si Webb sa kanyang white board kaya't sumunod ako sa kanya. Mayroong tatlong litrato dito at kung ano-anong impormasyong nakasulat sa paligid na mahirap intindihin. Weird talaga nitong si Webb.

"Ok so ano namang kinalaman ko diyan?" I dont want to be rude pero nagtataka lang ako kung bakit umabot dito ang usapan namin. I felt bad for him since his father died.

Kinuha ni Webb ang isa sa mga litratong nakadikit sa whiteboard at inabot ito sa akin. Kung tutuusin mukhang pamilyar sa akin ang matandang babae. "Ang matandang yan ay organizer ng perya kung saan kayo nabaril ng daddy ko," Inabot niya sa akin ang dalawa pang litrato ng babae at lalaking medyo may edad na. "Yang dalawang yan naman ay nag-tatrabaho sila sa mga stalls doon. Naroon silang tatlo nang gabing yun"

Kinilabutan ako kayat inilipag ko na lamang sa mesa ang mga litrato.

"So ibig sabihin, ang taong bumaril sa amin three years ago ang siyang pumapatay ngayon? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" Gusto kong malaman kung sino ang bumaril sa akin ngunit sa sobrang bigat ng pinagdadaanan ko noong nakaraang mga araw ay nakaligtaan kong magtanong tungkol dito sa kahit kanino. "Pero teka, paano kung pagnanakaw lang pala ang motibong killer at coincidence lang ang lahat?"

"Sa tingin ko sinasadya ng salarin na pagmukhaing pagnanakaw ang crime scene" May punto nga naman siya. Kung ako din ang killer, yan din ang gagawin ko para malihis ang atensyon ng mga pulis.

"Okay so let me get this straight," Napahawak ako sa bewang ko't maigi siyang tiningnan sa mga mata. "You want to solve the murders because you think related ang killer sa pagkamatay ng daddy mo?"

"Precisely" He smirked then nodded.

Gosh, this guy is cute when he smirks. 

"Hey Webb, hindi naman sa nagpapaka-nega ako but youre just a teenager like me. We cant solve murders."

Napailing siya at bigla na lamang pinitik ang noo ko. "Nonsense. Solving mysteries doesnt require old age. It requires an open-perspective and keen observation. Wanna bet on that?" He leaned closer to me kayat napalunok na lamang ako. I tried to hide my nervousness by giving out a smirk too.

"Confident. Impressive" Pasimple akong humakbang paatras. I hate this weird guy. Though I have to admit, he's pretty hot and cute at the same time.

"In order to solve these murders I need you to gather information for me. Sa lahat ng tao dito, sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong at mapagkakatiwalaan ko dahil maging ikaw ay pinaglilihiman ng buong lungod ng Redwood. Help me solve these murders, I'll help you find your dad too."

Tumango ako. Kung tama nga ang hinala niyang connected ang patayan ngayon sa nangyari sa akin three years ago, eh matutulungan rin niya akong maghiganti sa taong 'yun.

"Wait.. Paano ako makakasigurong mapagkakatiwalaan kita at di mo ako ipapahamak?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"You already trusted me by going here kahit na kanina pa lang tayo nagkakilala," Napatingin siya sa wristwatch niya "We need to get back to school bago pa nila mapansing wala ka"

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon