Chapter 13 : { The List }

89.4K 4.1K 1.1K
                                    

13.

The List

Kendra’s Point of View

 

 

Its weekend. Usually kapag ganitong walang pasok ay matagal akong nagigising kaso 5am pa lang ay gising na ako. Hindi nga ata ako nakatulog dahil sa dami ng mga iniisip ko. Paulit-ulit akong binabagabag ng nakita ko kagabi, kitang-kita ko mismo ang daddy na bumabaril sa amin pero bakit ganun, madami parin akong hindi maintindihan sa mga nangyari.

Sumilip ako mula sa bintana, papasikat pa lang ang araw at parang napakalamig sa labas pero nakikita ko na si Ziggy na ipinapasyal ang mga aso niya. Naisipan kong bumaba na lamang at manood ng tv. Nakakalungkot, mag-isa nalang talaga ako ngayon.

“Isang guro ang natagpuang patay sa isang liblib na bahagi ng kakahuyan kaninang hatinggabi. Wasak ang bungo nito at pinaniniwalaang makailang ulit na pinukpok ng isang matigas na bagay ang ulo nito. Kasalukuyan ngayong pinaghahanap ang mga estudyanteng hinihinalang huling nakasama ng guro bago ito mamatay upang hingan ito ng mga impormasyong makatutulong sa pagdakip ng salaring kumitil sa buhay ng kawawang guro.”

Napapikit na lamang ako sa narinig. Naulit na naman at wala kaming nagawa.

Pero bakit ganun ang mga sinabi ni  Tobi bago pinatay si Sir Gary?

Bigla kong naalalang politician nga pala ang daddy ni Tobi, at kung tama ang pagkakaalala ko, minsan ring nakapagtrabaho si Daddy sa isa sa mga projects niya--This must be the link that we are looking for!

Pinatay ko ang TV at agad siyang tinawagan.

          - - - - -

"Do you think what happened to Sir Gary was connected?" Tanong ko kay Webb.

Gaya ng nakagawian, sikreto akong nakipagkita kay Webb sa tulay, malayo sa mga tao at kabahayan--malayo sa mga taong hindi ko dapat pagkatiwalaan.

"Hatinggabi siya pinatay pero hindi siya tinanggalan ng mga mata o dila. Winasak lang ang mukha niya pero pakiramdam ko konektado parin. Maaaring nagmadali ang killer sa pagpatay dahil marami tayo sa gubat kagabi." Napabuntong hininga si Webb at sumandal sa railings ng tulay.

"Webb there's something you need to know about Tobi, I think he knows something." 

"Ano yun?"

“Kagabi nang buhay pa si Sir Gary may sinabi siyang kakaiba dito. Webb, parang alam ni Tobi na si Sir Gary ang susunod na mamamatay.”

“Then I guess, we have to ask him our self….” Itinuro ni Webb ang nasa likuran ko kaya agad akong napalingon. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang isang motorsiklong palapit sa kinaroroonan namin.

“Stay behind me.”  Wika ni Webb kaya agad ko itong sinunod.

Huminto ang motorsiklo ni Tobi sa harapan namin. Nakangiwi siya habang tinatanggal ang helmet niya na para bang may iniindang sakit. Bahagya akong napaatras, palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon