Chapter 19 : { The Demented Ones }

89.8K 4K 2.8K
                                    

19.

The Demented Ones

Third Person’s Point of View

 

 

“Tobias, Knock-knock.” Sambit ng matabang lalaking humahagikgik. Mistula itong wala sa sarili habang may lumalabas pang usok mula sa kanyang bibig. Saglit siyang naghintay sa magiging tugon ng kaibigan ngunit bigo siya.

“Hoy Knock-knock!” Muli nitong sambit sabay tapon kay Tobi ng isang upos ng sigarilyo.

“Nandito na ang litsonero Barney.” Hindi natinag si Tobi na nakahiga lamang sa sahig at nakatitig sa kisame. Ginawa nitong unan ang kaliwang kamay samantalang ang kanan naman ay nakahawak sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga ito at saglit na napapikit.

Napangiwi si Barney at muli na lamang sininghot ang usok na nagmumula sa isang malaking tube.

“Pakshet, wala ka ba talagang balak na humithit?” Sambit ni Barney sa pagitan ng kanyang pag-ubo at iniabot ang tube sa kaibigang tila ba kanina pa napakalalim ng iniisip.

“No.” Muling napabuntong-hininga si Tobi at napatitig sa dingding.

Dahil sa sinabi ni Tobi ay nanlaki ang singkit na mga mata ni Barney. Hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng kaibigang gaya niya’y nakahiligan na ang paghithit ng mga illegal at bawal na gamot.

“Seryoso? Teka Hesus Tobias ikaw ba talaga yan?” Nauutal na sambit ni Barney na tila ba binalikan na ng katinuan dahil sa matinding gulat.

“Shut up Barney. I’m thinking.” Mahina at walang emosyong sambit ni Tobi kaya lalong napaubo si Barney na tila ba nabilaukan ng usok sa narinig.

Huminga ng malalim si Barney habang sapo ang dibdib. Matagal bago siya muling nakapagsalita.

“Let me get this straight! Inayawan mo si magic smoke tapos ngayon nag-iisip ka?! Tobi sino ang nagpatino sayo? Sino ang salarin?! Sino ang babaeng nagpatino sayo?!” Mangiyak-ngiyak na sambit ni Barney habang sapo parin ang dibdib.

Unti-unting kumurba ang isang ngiti sa mukha ni Tobi, “Priscilla Dela Vega.”

“Tunog maganda ah! Ano maganda ba? Sexy ba?” Aligagang sambit ni Barney at dali-daling umupo sa tabi ni Tobi na tila ba sabik na sabik makibalita.

“Sobrang ganda niya.” Mahinang sambit ni Tobi habang nakatitig parin sa kisame. Hindi na nito maitago ang saya nang rumehistro sa isipan niya ang naiinis na mukha ng dalaga.

“Ayieee! Ano matalino ba?” Nakabungisngis na sambit ni Barney na tila ba kinikilig.

“Sobrang ganda niya pre.” Sagot ni Tobi kaya nakunot ang noo ni Barney.

“Mabait ba?” Muling tanong ni Barney kaya saglit na nawala ang ngiti sa mukha ni Tobi at napaisip.

“Nasabi ko na bang sobrang ganda niya?” Muling sambit ni Tobi kaya napahawak na lamang si Barney sa kanyang magkabilang sentido at napabuntong-hinga.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon