Chapter 20 : { Mental Breaker }

84K 3.7K 1.3K
                                    

20.

Mental Breaker

Third Person’s Point of View

3 PM

 “’She’s in a pool of mess but she’s okay. Wag kang mag-alala, maibabalik ko rin siya sa inyo.” Mahinang sambit ni Webb sa hawak na cellphone. Maya’t-maya siyang napapalinga sa paligid na tila ba sinisiguradong walang ibang nakakarinig sa kanya.

 “Yung pinapa-research ko sayo tungkol sa JJ na ‘yun, ano na? May nalaman ka ba?” Tanong pa ni Webb at taimtim na pinakinggan ang naging sagot ng kausap sa kabilang linya. Maya-maya pa ay tuluyan siyang napangisi sa narinig.

“Sinasabi ko na nga ba. Sige salamat. Konting tiis at magkikita rin—“ Nang makita ni Webb na papalapit na sa kinauupuan niya sina Tate at Joey ay dali-dali na niyang ibinaba ang telepono at umakto na tila ba walang nangyari.

“Webb, buti nalang at pumayag kang tumulong.” Bago umupo si Tate ay tiningnan niya muna ang mga tao sa loob ng coffee shop na tila ba kinikilatis ang mga ito.

 “’Wag kang mag-alala, sinigurado akong hindi tayo masusundan ng mga gwardya mo.” Paninigurado ni Joey sa kasintahan kaya napangiti na lamang ito at tuluyan nang napaupo.

“Naniniwala kayong inosente si Kendra?” Tanong ni Webb  sa dalawa at ininom ang kapeng nasa harapan.

“Kendra might be sick but she’s no psychopath. I know my bestfriend and I know what my uncle is capable of.” Giit ni Tate at napahawak na lamang ng mahigpit sa kamay ni Joey.

“Ikaw naniniwala ka ring inosente si Kendra diba? Bakit?” Tanong pa ni Joey kay Webb.

“I have my reasons.” Tipid na sagot ni Webb.

“What reasons?” Giit pa ni Tate.

Napabuntong hininga si Webb, “Look, walang kahit na anong mental asylum or institute dito sa Redwood. May ideya ba kayo saan dinala ng mga ugok na ‘yun si Kendra?” Pag-iiba nito ng usapan kaya kapwa nagkatinginan sina Tate at Joey na walang kaide-ideya.

"Crestview Mental Institute, Room 502." Nagulat silang lahat nang bigla na lamang sumulpot sa harapan nila si Libby at kasunod nito ay si Ziggy.

"Walang nakasunod sa atin? Galing mo talaga." Sarcastic na sambit ni Tate kaya napabuntong-hininga na lamang si Joey at inirapan ang kasintahan.

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong naman ni Webb kay Libby at tumango ito.

"Dad's busy preparing for tonight's centennial ball. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makuha ang email sa kanya ng institute na pinagdalhan kay Kendra." Giit ni Libby na namumugto parin ang mga mata.

 “Whats the plan?” Tanong ni Ziggy habang pinupunasan ang suot na salamin. Namamaga parin ang mga mata niya sa kakaiyak kaya naman hindi nila maiwasang mag-alala sa kanya.

“Ziggy okay lang naman kung hindi ka na tutulong. Asikasuhin mo muna ang burol nila, maiintindihan ka ni Kendra.” Pagmamalasakit ni Tate ngunit umiling lamang si Ziggy.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon