Chapter 22 : { The painful truth }

79K 3.8K 964
                                    

22.

The Painful Truth

Kendra

 

"Tate sandali!" Napasigaw kaming lahat nang dali-daling lumabas si Tate mula sa van at nagtatakbo papasok sa police station kaya agad namin siyang sinundan.

Hindi biro ang layo ng pinanggalingan namin papunta dito sa Redwood kaya halos hatinggabi na nang dumating kami. Walang pagsildan ang kaba naming lahat. Hindi namin alam kung ano ang nangyari kay Libby at Ziggy pero nakatanggap si Tate ng tawag mula secretary ng uncle niya at pinapapunta kaming lahat dito--lalong-lalo na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero malakas ang kutob kong masama ito.

"Shit shit shit." Mahinang sambit ni Webb habang nakatingin sa cellphone niya. Tumabi si Joey kay Webb at nakisilip sa cellphone, gulat na gulat ako nang bigla na lamang sumuka si Joey.

"Anong nangyayari?" Nagtaka na talaga ako kaya nakisilip narin ako.

Pakiramdam koy bumaligtad ang sikmura ko nang makita si Libby na nakalublob sa isang bathtub, umiiyak ito at duguan. Dumudugo ang leeg niya dahil sa makapal na barbed wire na nakapulupot dito. Kitang-kita ko ang paghagulgol niya habang nangingisay na para bang kinukuryente.

She's being tortured live somewhere and there's nothing we can do about it. God knows how much pain Libby and her family's going through right now.

"Kendra!" 

Napatingin ako sa hindi kalayuan at nakita ko si Ziggy na duguan ang mukha. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kendra sorry! Ang lampa-lampa ko! Hindi ko siya na-protektahan!" Iyak ng iyak si Ziggy kaya niyakap ko nalang din siya pabalik.

"Ziggy anong nangyari sa inyo?! Nasaan si Libby?" Aligaga kong tanong sa kanya.

"Guys sorry! Nasa parking lot lang kami ni Libby,kami lang ang nandoon kaya nagulat ako nang biglang may sumugod sa amin na isang lalaking nakabonet. Kinuha niya si Libby! Sinubukan kong tulungan siya pero hinataw niya ako ng tubo!" Mautal-utal na sambit ni Ziggy habang humahangos.

Shit. Hindi to kasalanan ni Ziggy. Kasalanan ko 'to, kung hindi sana ako nila tinulungan, hindi sana magkakaganito ang lahat.

"Kendra! Kendra!" Nagulat ako nang makita ko si Mayor Aragon na umiiyak kaya agad akong napabitaw kay Ziggy at humarap sa kanya.

Napansin kong ang lahat ng tao dito sa police station ay nakatitig na pala sa akin. Maging ang mga pulis, natahimik at parang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

"Teka! I didnt do any of this kung pagbibintangan mo na naman ako! Kasama ko sina Tate!" Bago pa man niya ako pagbintangan ay agad na akong nangatwiran. Napalingon ako kay Webb na nasa likuran ko at hinawakan niya ang kamay ko na para bang sinasabi sa aking magiging maayos ang lahat.

"Kendra, patawarin mo ako sa lahat-lahat. Spare my daughter, she didnt do anything!" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang lumuhod sa harapan ko si Mayor Aragon habang humahagulgol na para bang nagmamakaawa.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon