Epilogue

103K 5.5K 5.2K
  • Dedicated kay All awesome readers!
                                    

Epilogue.

Third Person's point of view.

"Kamusta ka na? Sana masaya ka kahit papaano." 

Inilapag ni Webb ang mga bulaklak. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot nang maalala ang mga nangyari limang buwan na ang nakakaraan. Wala siyang nagawa nang malaglag sa bangin ang sasakyang lulan nila Kendra at Joey.

"You like my sister don't you?" Tanong ng isang binatang lulan ng isang wheel chair.

"Shut up asshole." Pabirong sambit ni Webb at umupo na lamang sa tabi nito.

"Anong klaseng tao ang kapatid ko?" Tanong ulit ng nakababatang kapatid ni Kendra.

Napangiti si Webb nang maalala ang nakaraan, "She's a strong person. Pinagpipilitan niyang mahina siya pero ang totoo, matapang siya kasi nakayanan niya ang mga matinding pinagdaanan niya. Your sister's one of a kind Javi." Kwento nito sa kapatid ni Kendra na si Javi.

Napansin ni Javi ang lungkot sa mukha ni Webb kaya tinapik niya ang balikat nito.

"You said it yourself Webster, My sister's strong. She'll wake up eventually. Nakayanan niyang magising matapos ma-comatose ng three years. Siguro naman kakayanin niya rin 'to ngayon." Nakangiting sambit ni Javi habang pinagmamasdan si Kendra na walang malay sa kama. Maraming mga aparato ang nakakabit sa kanya na siyang tumutulong sa kanya upang mabuhay.

"Tao po!" Bigla na lamang sumigaw mula sa labas kaya agad na tumayo si Webb at binuksan ang pinto ng kwarto ni kendra.

Bumungad sa kanya ang nagtatawanang sina Tobi at Priscilla na kanina pa pala nagkukulitan.

"Kayo na naman?" Kunot-noong sambit ni Webb.

"Nakaka-intimidate na ba talaga ang kagwapuhan ko?" Taas-noong sambit ni Tobi habang hinihimas ang baba niya.

"Kagwapuhan? Excuse me, di hamak naman na mas pogi si Webb sayo! Ang panget mo kaya!" Giit ni Priscilla habang nakangiwi kaya agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Tobi.

"Break na tayo." Walang emosyong sambit ni Tobi kaya tumawa na lamang si Priscilla.

"Kelan ba naging tayo? Asa ka namang magiging tayo!" Sarcastic na sambit ni Priscilla habang nakangiti ng nakakaloko kaya naman agad na napasimangot si Tobi.

"Magsama kayo ni Webb! Kami nalang ni Kendra!" Pagmamaktol ni Tobi at walang ano-ano'y bigla na lamang patalon na umupo sa kama ni Kendra. 

"Tobi umalis ka nga diyan! Baka may masagi kang kable!" Bulyaw ni Webb. Hihilahin na sana niya si Tobi palayo nang bigla na lamang tumunog ang isa mga machine. Napakatinis ng tunog na ito kaya naman agad silang nataranta. 

"Anak ng Dalandan sorry!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Tobi nang makitang natanggal nga niya ang manipis na hose nakakabit sa loob ng bibig ni Kendra.

"Gago ibalik mo!" Natatarantang sigaw ni Webb na nanlalaki ang mga mata.

"Ibalik mo!" Tili pa ni Priscilla.

The Midnight MurdersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon