1. Mundo sa ilalim ng tubig

4.7K 155 10
                                    

Sereia

Sa kailaliman ng pusod ng karagatan, may isang barkong lumubog ilang libong taon na ang nakararaan. Puno ito ng lumot at kalawang. Ang ibang parte nito ay pira-piraso na. Nagsisilbi na itong tirahan ng mga isda sa ilalim ng karagatan.

Ngunit sa loob nito ay makikita mo ang mga korales na parang sumasayaw dahil sa agos ng tubig. Mga maliliit na isda na tila ba ay naglalaro ng habulan sa paligid nito.

Nagmistula itong makulay na hardin na puro korales at iba pang uri ng mga tubig-halaman na nakatanim dito. Idagdag mo pa ang mga isda na iba't-iba ang mga hugis, kulay at laki.

May isang malaking butas sa gilid ng barko na para bang lagusan patungo sa ibang mundo.

Eto ang Sereia. Kakaiba man pakinggan ngunit ito ay isang kaharian para sa mga sireno't-sirena na nangangailangan ng tirahan at sapat na kaalaman tungkol sa karagatan at pati na sa mundo ng mga mortal.

May matataas na tore na gawa sa pinatigas na putik na mula sa ilalim na dagat. Mukha itong isang magandang palasyo na napaliligiran ng mga makukulay korales at espongha. Malaki at malawak ang palasyong ito. Kusang nagliliwanag ang mga makukulay na bato sa paligid ng palasyo. Ito ang nagbibigay gabay sa kanila dahil sa madilim na kapaligiran nito.

May mga kanya-kanya ring tirahan ang mga engkantong tubig na naninirahan dito.

May mga sireno at sirenang nag-uusap sa pasilyo ng palasyo. May mga lumalangoy at mga naglalaro.

Walang araw o kaya naman ay gabi sa lugar na ito. Kusa mismong nararamdaman ng mga nilalang dito ang oras.

Sila rin ay may iba't-ibang abilidad at talento. Ang iba ay kayang kontrolin ang tubig, ay iba ang kayang gawing yelo ang tubig, at kung anu-ano pa. Kaya rin nilang magbalat-kayo o invisible upang makatakas sa anumang panganib.

Ang kanilang paraan ng pakikipag-usap ay ang pagbabasa ng isip o telepathy.

Ang kulay ng kanilang mata ay nagbabago batay sa kanilang mga emosyon.

Ang emosyon nila ay base sa kanilang kulay ng mata.
Tulad ng pula, ito ay nagsasaad ng galit, pagkamuhi o kaya naman ay pagka-inis. Ang asul ay pagiging malungkot, masaya ay kulay lila, dilaw ay pagkaselos o pagka-inggit, at ang kulay ng bahaghari ay nagsasabi na sila ay umiibig.

Marami pang ibang hiwaga ang tinataglay ng mga taga-Sereian. Lalung-lalo na ang kanilang kaharian. Mistula itong napakalaking siyudad na itinayo sa ilalim mismo ng dagat. Ang malalaking bakod na yari sa bato na pumapalibot sa buong Sereia ay ang nagpo-protekta sa kanila laban sa kanilang mga kaaway.

Ang namumuno sa kahariang ito ay si Haring Maranon. Siya ay may kulay matingkad na asul na buntot, may itim na buhok at may magandang pangangatawan.

At siya ay may kulay kayumanggi (brown) na mata. Isa sa mga alamat ng Sereia na ang mga sirena o sirenong nagtataglay ng dugong bughaw ay sya lang magkakaroon ng kulay kayumangging mata na kagaya ng sa hari.

May suot syang maharlikang korona na gawa sa ginto at may simbolong bituin ito sa gitna na parang nabaklas ang nakadikit na diyamante dito. Matagal na itong nawawala at di na natagpuan pa.

Ang simbolong ito ay nagtataglay ng walang hanggang kapangyarihan na kayang kontrolin ang buong karagatan. Marami na ang nais kumuha nito sa kanya. Kaya't matagal nang ito ay ibinigay sa isa sa mga mortal sa mundo ng mga tao. Upang ito ay maging ligtas at hindi na makuha pa.

Masaya na sya sapagkat naging matagumpay ang kanyang pangarap na makagpatayo ng isang napakagandang palasyo para sa mga kagaya nyang engkantong dagat.

Naging inspirasyon nya ang mga nilalang na mula sa mundo ng mga mortal. Dahil minsan na syang nanirahan doon at umiibig sa isang dalagang nakilala nya.

Isang beses lamang sila maaaring umibig dahil mamamatay sila at magiging abo sa ilalim ng dagat kapag umibig sila ng higit sa isa. Kayang hanggang ngayon ay hindi parin nya makalimutan ang babaeng mortal na iyon.

Masaya na sya sa buhay na meron sya ngayon. Kasama ang kanyang anak-anakan na si Sarafin.

Ngunit dumating ang panahon na sya ay nanghina at tumatanda na. Kailangan nya ang simbolo upang maging malakas muli.

Nasaan na kaya ang nawawalang simbolo ng Sereia?

⭐⭐⭐

Sa nagtatanong kung bakit ganitong uri ng storya ang napili kong isulat? Well since kindergarten fascinated na talaga ako sa mga mermaids.

Ang una kong nakilalang mermaid ay si Ariel from the Disney's The Little Mermaid. Kabisado ko nga lahat ng kanta sa buong series nun ee. Mula Ariel's beginning hanggang Part 3. Nung nagka-anak na si Ariel.

Trivia: Si Princess Ariel ang kaisa-isang princess ng Disney na unang nagkaroon ng anak. Her name is Melody. Pinanganak syang tao kasi nasa anyong tao si Ariel nung ipinanganak nya si Melody.

At the same time, sya rin daw yung pinaka-pathetic kasi pinagpalit nya yung boses nya para sa mga paa. Para lang makasama yung prince charming nya. Hahaha! Pathetic nga. Pero kahit na, kahit anong talino ng tao, pagdating sa pag-ibig nagiging tanga at mahina. Am I right?

Nung bata nga ako, lagi akong nagwi-wish na sana maging mermaid ako. Pweh! Ang baliw ko 'no?

SHARE KO LANG 😘😏

Pero this lately March 2017, sa musical theater play namin sa school. Nilagay nila ako sa role ni Ariel. Fantasy ang main genre. Ako din ang script writter, dami kong grades 'no? Char! Haha, ang saya lang. Kahit one day natupad din yung wish ko. Hehe, nagpasadya talaga yung nanay ko para sa costume ko. 👅😂

Naniniwala man kayo o hindi sa mga mermaids, okay lang.

Pero para sa'kin, totoo sila. Hehe!

95% ng buong karagatan ay hindi pa nadidiskubre. Kaya for me? THEY ARE FREAKING REAL.

Hahaha, lawakan lang natin ang ating imahinasyon. 😏💯🔥

Hopia like it guys! Sige na, lalayas na ako.
Don't forget to vote and comment! ✌🌟

SereiaWhere stories live. Discover now