17. Powers

1.8K 59 0
                                    

Ameshire's POV

"Kambaaaaaaaaal!" Hiyaw ni Mil sabay karipas ng takbo palapit sa akin.

Nasa labas kasi ako ng resthouse, naka-upo lang sa may mini garden.

"Bakit?"

"May good news ako sayo!" Wika nya habang excited na excited.

"A-Anong good news?" At napatayo ako.

"Ikaw ang napiling maging official endoser ng Mermaid scents! Sa 20 model participants, ikaw ang may pinaka magandang photo shoot."

"T-Talaga?" Hindi makapaniwalang sagot ko.

"Oo kambal! At alam mo ba? Magkakaroon ka ng kontrata ng mahigit three years sa Mermaid Scents. Officially employee kana rin! Pirma mo nalang ang kailangan sa kontrata."

Natigilan ako.

Three years? Pwede na akong makapag-ipon ng pera nun! Pwede ko na ring buhayin ang sarili ko.

Pero paano ang sikreto ko? Paano ang Sereia? Anong gagawin ko?! Ang hirap naman ng may dalawang buhay. Argh!

"Oh, di ka ba masaya?" Tanong ni Mil.

"Ah, eh..." Nauutal kong sabi.

"Bakit Kambal?" Tanong nya.

Haist! Ano ba! Ano bang gagawin ko?! Gusto kong sabihin sa kanya na isang akong sirena! Pero hindi ko alam kung paano.

"K-Kasi... kasi... kasi ano..."

"Ano?! Anong meron kambal?"

"Can I tell you a secret?" At hininaan ko ang boses ko.

"Okay sige, ano yun?"

"Tara, pumasok muna tayo sa loob." At hinila ko sya papasok sa loob ng bahay.

"Teka, gaano ba kalala yang secret mo at kailangan pa nating pumasok dito?"

"Basta," at tumungo ako sa kwarto ko sabay kuha ng isang kulay asul na bath towel.

"Oh? Ano yan? Maliligo ka? Yun na yun?" Pagtataka nya.

"Shunga! Hindi!" At napatawa ako.

Naglakad pa kami at tumungo kami sa likod bahay kung saan may tatlong pool. 3feet, 6feet, at may 8feet. Minsan lang ito gamitin kapag merong mga pool party si Tiya Madet.

SereiaWhere stories live. Discover now