12. Ulan at Luha

1.9K 68 0
                                    

Ameshire's POV

"Kambaaaaaaaal!" Hiyaw ni Mil patungo sa'kin at saka ako sinunggaban ng yakap.

Sobrang higpit ng yakap nya.

"Te-Teka... Hin...di ako makahi...nga..." Saad ko dahil sakal na sakal na ako sa yakap nya.

"Ay churee! Hahaha!" At bumitaw naman ito.

"Teka Mil, ano ang dahilan at nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, hehehehe! Na-miss lang kita." Wika nya at saka umupo sa tabi ko. May dala sya mga apple at ibinigay nya yun sa'kin.

Nasa loob kami ng resthouse ni Tiya Madet. Well, ewan ko ba kung bakit wala silang mag-ina ngayon at naiwan na naman akong mag-isa rito.

"Hahaha, so kumusta naman ang swimming lessons mo with fafa Monrex?" Malanding sabi nito sabay pungay pa ng mga mata.

Gusto ko tuloy matawa dahil sa ginawa nya.

"Ah, ayun ba?" Sandali akong napatigil at inalala ang mga nangyari kahapon.

Oh right. He finally found out my secret.

"Bakit nanahimik ka? May nangyari sa inyo ano?!" wika nito sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"BALIW! WALA!" At saka ko sya binatukan ng todo-todo. "May nangyari kaagad? Seriously?! Utak talaga nito!"

"ARAY NAMAN KAMBAL! Alam kong mas maganda ako sayo pero sana wag ka namang ganyan! Ikaw kaya ang jombagin ko?" Reklamo nito.

Tinawanan ko lang sya.

"Wag mo akong tawanan kambal, baka akala mo hindi ko alam ah!" At tumitig ito ng direstso sa'kin.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

"A-Anong hindi mo alam?" I started to panic.

Naningkit ang mga mata nyang with fake long eye lashes.

"Na..." Panimula nya.

Parang nagtatambol ang puso ko dahil sa sobrang kaba.

"Na a-alin?" Tumulo bigla ang pawis ko sa noo.

Feeling ko may sound effect na pa-suspense bago sya magsalita.

"Na may gusto ka kay fafa Monrex! Ikaw ha! Ayiiiiiieh! Obvious kaya girl!" Kantyaw nito.

SereiaWhere stories live. Discover now