16. Traydor sa Sereia

1.8K 60 2
                                    

Sarafin's POV

Kanina pa ako tumatawag sa telepono ni Waylen pero hindi sya matawagan. Nag-aalala ako dahil baka may nangyari na sa kanya.

"WAYLEN! WAYLEN!" Sigaw ko malapit sa dalampasigan.

Ang loko-lokong yun! Iniwan ako sa hotel! Hmph! Humanda sya sa akin kapag nakabalik kami sa Sereia.

"WAYLEN!" sigaw kong muli. Ngunit walang sumasagot.

Nang may makita akong isang lalaking mortal na tumatakbo palapit sa akin. Malayo palang ay alam ko na kung sino ito.

Si Monrex.

May kakayahan kaming mga Sereian na makakita mula sa malayo. Taktika ito upang makakita kami ng maayos sa ilalim ng tubig. Lalo na kung madilim.

Nang makalapit sya sa akin, kahit hingal na hingal ay agad syang nagsalita.

"Nakita mo ba si Ameshire?"

"Nakita mo ba si Waylen?"

Sabay naming sambit. At tumawa kaming pareho.

"Pareho pala tayong may hinahanap," at ngumiti sya.

"Teka, bakit lumalalim ang pisngi mo kapag ngumingiti ka? Natusok ba yan ng isang matulis na bagay?" Nagtatakang tanong ko.

Narinig kong tumawa sya.

"Ah... Dimple ang tawag dyan. Hindi lahat ng tao may ganito sa mukha. Kaya kapag may ganito ka, cute ka tignan." Wika nito.

"Anong cute?" Tanong ko ulit.

"Ay, sirena nga pala sya. Hay... Paano ko ba 'to ipapaliwanag sa kanya?" May binulong sya pero hindi ko narinig.

"A-Anong sinabi mo?"

"W-Wala! Ang ibig sabihin ng cute ay parang maganda o gwapo. Hindi panget."

"Sa Sereia kasi walang maganda, gwapo at panget. Lahat kami ay pantay-pantay ang tingin sa bawat isa."

"Hehehe, sige hanapin nalang natin si Ameshire at Waylen." Napakamot sya sa ulo nya at nauna syang maglakad.

Naglakad-lakad pa kami upang mahanap namin sina Waylen at si Ameshire.

"Anong hitsura ng Sereia? Matanong ko lang." Basag ni Monrex sa katahimikan.

SereiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon