23. Pagbabalik

1.7K 58 0
                                    

Sa kaharian ng Sereia...

Mahigit 18 taon na ang nakalilipas matapos mangyari ang masaklap na insidente sa maharlikang pamilya na namumuno noon sa Sereia.

Ang akala ng lahat ay patay na Siya. Ang akala ng lahat ay wala na siya. Ngunit nagkakamali ang lahat.

Ngayon ay nagbalik sya upang maghiganti sa mga nilalang na sumira sa kanyang pagkatao.

Nilalang na inakala nyang itinuring syang pamilya, pero hindi. Ni katiting na pagmamahal ay wala syang natanggap sa mga kinilala nyang mga magulang.

Magbabalik sya upang maghiganti. Magbabalik sya upang kunin ang nararapat para sa kanya.

Ngayon na ang katuparan ng kanyang mga pangarap. Sa ganap na kabilugan ng buwan, ay aangkinin nya ang bagay na matagal ng ipinakait sa kanya.

Pumasok sya sa loob ng silid ng mahal na hari. May namuong ngiti sa kanyang labi. Halos mukhang patay na ang hari dahil sa itsura nito.

Itim na labi, itim na balat, itim na buntot. Wala ng kakulay-kulay ang katawan nito at sobrang hina na ng kanyang pulso.

Talagang maaasahan ang itim na likido na palaging nyang pinapainom dito.

Unti-unti nitong sinisira ang buong katawan ng hari, kabilang na ang puso nito. At sa huli... Mamamatay na siya.

Matutupad na ang mga pangarap nya ngayong gabi!

Tuwang-tuwa siya! Sya na ang magiging reyna!

Masaya nyang binuksan ang huling bote na may lamang malapot at itim na likido.

Isang inom na lang dito ng hari, at iyon na ang katapusan nya. Isang lagok nalang ng hari sa likidong ito ay siguradong magtatagumpay ang lahat ng kanyang plano.

Ito ba ang kapatid kong palaging ipinagmamalaki ng aking mga hangal na magulang? Ngayon ay mahina at wala ng magagawa pa? Tignan natin ngayon kung sino ang nararapat na ipagmalaki sa aming dalawa.

Babawiin nya ang lahat, lalong-lalo na ang... Sereia.

Ameshire's POV

"Tigil!" Matigas na wika ng isang kawal na may hawak matalim na sibat.

Kinabahan kaming apat kaya naman ay napatigil kami at hinarap ang kawal.

"Saan ang tungo ninyong apat?" Tanong nito habang pinagmamasdan kami ng mabuti. Nakaturo sa direksyon namin ang hawak nyang sibat, at parang any moment ay tutusukin nya kami.

"Sa silid ng mga taga-silbi." Kaswal na tugon ni Silva. Mabuti nalang at kasama namin sya. Kundi, mukhang mabibisto kami.

"Hmm... Bakit ngayon ko lamang kayo nakita? At bakit may kasama kayong isang pugita?" Turo nito sa aming tatlo. Tila hindi ito kumbinsido kaya talagang hinarangan nya ang dadaraanan namin.

"Dahil sila ay mga bagong taga-silbi ng palasyo. Bakit ba ang dami mong tanong? Kawal ka lang naman dito, hindi ba?" Pambabara ni Silva sa kanya.

Ibinaba ng kawal ang kanyang sibat.

"Maaari na kayong dumaan." Mahinahong wika nito.

Kasabay nun ay dali-dali kaming pumasok sa isang silid na sinabi ni Silva.

May kinapa na naman syang something sa isang pader, at nagbukas na naman ito at lumikha ng isang lagusan. I can say that marami talaga syang alam sa loob ng Sereia.

Mabilis kaming lumangoy at sinundan si Silva sa kanyang paglangoy.

"Kapag nalaman natin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito, siguradong patay sya sa akin." Narinig kong wika ni Sarafin sa likuran ko.

"Huwag kang mag-aalala, kamahalan. Malalaman din natin." tugon ni Silva.

Sana nga ay malaman namin.

⭐⭐⭐

Waaaaaaah! Ang konti! Super lame! Sorry na! Hahaha, masyado na kasi akong busy eh. Tapos hindi pa ako naglo-load. Sorry na, pulubi kami. Wala kaming Wireless Fidelity (WiFi). Hahaha! Pero thank you parin sa mga sumusubaybay. Thank you talaga.

I changed my name into @TheDaringGuitarist

Thank you ulit guys!

Love you guys! Godbless everyone!

SereiaWhere stories live. Discover now