25. Pagwawakas

2.1K 72 6
                                    

Limang taon na ang nakalilipas sa Sereia...

Sarafin's POV

"Sarafin! Halika! Libutin natin buong ang kaharian." Hila sa akin ni Ameshire.

Gabi na at tulog na ang lahat. Ngunit itong sirenang ito. Ayaw pang matulog.

"Ameshire, malalagot tayo kay ama kapag tumakas nanaman tayo. Dito lang tayo sa loob ng silid. Ayokong mapagalitan ulit." Wika ko sa kanya.

"Ehhhhhhh! Sarafin! Sige na!" Pagmamakaawa nya.

Dalawangpu't-dalawang taon (22 years old) na kaming dalawa ngunit parang sya pa ang paslit kung umasta.

"Haaayssttt..." Pinaikot ko naman ang mga mata ko. Mukhang wala na akong kawala dito sa kapatid ko.

"YEHEY! HALIKA NA DALIIIII!" Hiyaw nya sabay langoy patungo sa pintuan.

Tahimik naman akong sumunod sa kanya.

"Sarafin?" Tumigil sya saglit at saka humarap sakin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Kagabi may napaginipan ako. May kausap daw akong isang mortal at pinapanood daw namin ang papalubog na araw. Masaya daw ako nung kasama ko sya. At alam mo ba?" hininaan nya ang kanyang boses. "May paa raw ako gaya ng mga mortal sa lupa,"

"Sinong mortal? Kilala mo ba?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Lalaki sya pero malabo ang itsura nya. Pero pakiramdam ko matagal ko na syang kilala." Patuloy nya.

SereiaWhere stories live. Discover now