15. Photo shoot

1.8K 66 0
                                    

Ameshire's POV

"Kambal, isuot mo na itong mermaid tail para makapag-photo shoot na tayo." At ipinakita ni Mil sa akin ang isang kulay Ariel Green na mermaid tail.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Bagay na bagay sayo ito. Tutal red naman na yang buhok mo. Kamukha mo na si The Little Mermaid nyan! Isang mermaid princess! PAK GANERN!" At tumawa sya ng malakas.

Naku Mil, kung alam mo lang.

Marami pa syang ipinakita, pero hindi ko pwedeng suotin yun. Kapag lumubog ako sa tubig, di ko alam kung ano ang mangyayari.

"Pwede bang ako nalang ang pipili ng susuotin ko? Lumabas ka muna. Saka pwede bang pakitawag si Monrex?" Wika ko.

"Ay? Daming learn. Shigi ne nge. Yang make-up ko sayo! Wag mong aalisin yan! Naku sisipain kita papuntang Mars!" Banta nito habang tumatawa.

Lumabas sya ng dressing room.

Napatingin naman ako sa malaking salamin. Halos hindi ko makilala ang itsura ko dahil sa ginawa nya. May mga seashells pa syang nilagay sa buhok ko. At mga accessories sa mga braso ko.

Mukha tuloy ako Dyesebel na pula ang buhok. Ang sagwa!

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang anyo ni Monrex.

"Oh? Bakit Ameshire— Wow, you look..."

"Stupid?" Walang emosyon kong sabi.

"No, you look wonderful." He chuckled.

"Anong gagawin ko? Lalabas na ba ako ng dressing room na naka-fake mermaid tail? O yung tunay na buntot ko talaga?" Nag-aalala kong sabi.

"I say that you have to grow your true tail." Naglabas nya ng isang bottle water at ibinuhos nya sa akin.

"Monrex!" Galit kong sabi.

Umusok ang mga binti ko at lumitaw nalang bigla ang buntot ko.

"Easy Ameshire, hindi nila aakalain na totoo yan. And besides, Mermaid Scents ang kumpanya natin. Walang maghihinala na totoo kang sirena. Trust me." He smiled.

SereiaWhere stories live. Discover now