2. Ameshire

3.6K 124 6
                                    

Ameshire's POV

May mga bagay talaga na may lihim na misteryo. May mga bagay din na minsan hindi mo aakalaing totoo pala.

Minsan naman nasa imahinasyon lang natin, minsan nasa utak o isip.

Minsan may patunay, kadalasan wala.

"Gaano nga ba KADALAS ang MINSAN?"

Iyan ang palagi mong maririnig sa mga tao ngayon.

Ang ating mundo ay punong-puno ng mga misteryo. Punong-puno ng hiwaga. Punong-puno ng himala.

Marami pa tayong hindi natutuklasan sa ating mundong kinagisnan. Marami pa tayong dapat malaman at pag-aralan.

Pero sa ating mundo, mas pilit nating binibigyang pansin ang iba't-ibang bagay.

Pera, gadgets, technology, pagkain, edukasyon, kahirapan, at higit sa lahat... Ang LOVE LIFE. Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay nakakaranas nito.

Masyado tayong abala sa mundo ng reyalidad. Na minsan NAKAKASAWA na at PAULIT-ULIT nalang.

Pero minsan ba sa isang segundo ng buhay mo, ay naiisip mo ang mga bagay na malimit makita ng ating paningin?

Naniniwala ka ba sa mga nilalang na hindi nakikita ng ating nga mata? O di kaya nilalang na may pakpak? Mga nilalang na nakukubli sa gubat? O baka naman mga nilalang na naninirahan sa ilalim ng dagat?

Mga bagay na sa pantasya mo lang makikita.

Noong bata ako, maraming ikinukwento ang lola ko tungkol sa mga mythical creatures at mga kakaibang bagay sa ating mundo. But my mom always disagrees.

Grandma is so obsessed with fantasy. She believes in angels, fairies, gods and goddesses and specially mermaids.

Si mama at si lola lang ang palagi kong kasama. Namatay raw ang papa ko bago pa ako ipanganak.

Lagi nyang sinasabi kay lola na hindi sila totoo. They are just a bunch of foolish things.

I don't know why my mom reacts like that. But she keeps telling me na wag akong makikinig sa mga stories ni lola.

My grandma died when I was ten. At kami nalang ni mama ang magkasama.

Pero syempre, no one knows your TIME. At sumunod naman si mama. She died because of leukemia.

And now, here I am. Living in hell with my miserable life. Komplikado at hindi ko alam kung nararapat ba ako sa lugar na ito.

I always dreamed a life with fantasy.

But today?

"Ameshire!" Sigaw ni Tiya Madet mula sa sala. Kasalukuyan kong pinupunasan ang marmol na sahig ng bigla nya akong gambalain— este tawagin. 😂✌

"Sandali lang po!" Sigaw ko pabalik saka karipas ng takbo pababa ng hagdan.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo, pati narin ang gamit namin. Aalis tayo." Saad nya habang nakaupo sya sa single sofa. Naka-dekwatrong pambabae ito habang nakatingin sa'kin.

Nasa kabilang sofa naman ang pinsan kong si Prisha. Mas matangkad sya sa akin at may maiksi syang buhok. Dahan dahan naman akong lumapit kay Tiya Madet.

"S-saan po tayo pupunta?" Kabado kong tanong.

"Sa beach resort namin sa Pampanga. May bussiness meeting ako doon bukas. Gusto kong may alalay kaming dalawa ng anak kong si Prisha habang nandoon tayo. Magbabakasyon na rin tayo dun ng isang buwan. Taga-picture ka lang doon, taga-bitbit ng mga gamit, taga-pahid ng sunblock at kung anu-ano pa. Is that clear Ameshire?" Mariin nya akong tinignan.

SereiaWhere stories live. Discover now