5. Misyon

2.3K 84 2
                                    

Ameshire's POV

Mag-isa akong nakaupo sa batuhan malapit sa dalampasigan. Malapit naring lumubog si Haring Araw sa malawak na kalangitan.

Si Prisha ay nagliliwaliw sa buong resort habang si Tiya Madet ay nasa business meeting parin. Nakakaburyong naman dito. Ayoko namang languyin yung dagat, dahil di ako marunong at isa pa, baka magkaroon nalang ako bigla ng kaibigang dolfin. Baka kausapin na naman nila ako.

😑😑😑

"Uy!" Kaagad akong napalingon sa kumalabit ng balikat ko.

"AY PUSA!" I shrieked. Muntik ko pang maisaboy sa mukha nya yung pinong buhangin na pinaglalaruan ko.

"Sorry! Sorry! Hindi ko sinasadya,"

"Monrex?"

"Drexel Monrex Lachords ang tunay kong pangalan. How about you?" Interesadong tanong nito.

"Ameshire Suxiea Davison." Then I smiled.

"Nice name." At nakipagkamay sya.

Tinanggap ko naman ito.

"What are you doing here? Nagbabakasyon ka rin ba?" Out of the blue na naitanong ko. Hehe, ang awkward naman kasi kung wala kaming topic diba?

"Ah oo. Kasama ko yung mommy ko," He answered.

I felt a thousand knives slashing into my heart. I missed mom.

"Oh? Bakit bigla kang tumahimik? Did I say something wrong?" Na-alarma tanong nito.

"Ah wala! Wala!" I waved my hands. "Naalala ko lang din yung nanay ko," I force to smile.

"Really? Nasaan ba yung mommy mo?"

"Ahm... Ah... Eh... S-she passed a-away."

Silence. There was only silence.

"I-I'm sorry. I didn't know." Paumanhin nya

"No, it's okay. Tanggap ko naman na. Na-missed ko lang talaga sya—"

Nagulat ako dahil bigla nya akong akong niyakap.

"Alam mo, yakap lang ang kailangan ng mga taong nalulungkot. Kaya hayaan mo akong gawin sayo ito." Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya.

"Monrex?"

"It's okay Ameshire," at hinagod nya ang buhok ko. Naamoy ko ang pabango nya. Grabe! Bakit naiilang ako?! Anak ng inahing pusit naman oh Ameshire! Tsk!

SereiaWhere stories live. Discover now