4. IKAW?!

2.4K 96 1
                                    

Sereia

Sa loob ng palasyo, sa isang malawak na silid, ay naroon ang isang sirena na may kulay kahel na buntot at may kulay kayumanggi na buhok. Isa sya sa mga kagalang-galang na sirena sa loob ng palasyo dahil parang anak na ang turing sa kanya ng hari.

"Sarafin, nakahanda na ang almusal." Tawag sa kanya ng isang taga-silbi sa palasyo. May hawak itong malaking clam shell  na nagsisilbing mangkok na may lamang mga lato o sea weeds at iba pang lamang-dagat.

"AROHA (Kumusta) DARKAAAAA!" Hiyaw ni Sarafin sabay langoy ng mabilis dahilan upang matumba si Darka at bumagsak sa mabuhangin na sahig ng palasyo.

"Mag-iingat ka Sarafin!" Saway ni Darka sa kanya saka tumayo. Si Darka na may kulay dilaw na buntot.

Paikot-ikot na lumalangoy si Sarafin habang tumatawa sa malawak na pasilyo ng palasyo.

"AROHA! AROHA! AROHA!" Sigaw nya habang kumakaway sa mga nasasalubong nyang nilalang sa loob ng palasyo.

Aroha na ang ibig sabihin ay kumusta. Isang paraan ng pagbati ng mga taga-Sereian.

Patuloy lang sya sa paglangoy nang may mabangga syang isang sireno. Malakas ang pagkakabangga nilang dalawa kaya aksidente nyang nadaganan ang mga nananahimik na korales sa sahig ng palasyo. Mukhang malalagot na naman sya nito sa mahal na hari.

"ARAY! MAAARING BANG TUMINGIN KA SA IYONG NILALANGUYAN?!" Singhal sa kanya ng sireno. Ito ay may kulay berdeng buntot at may kulay itim na buhok. Sa tingin nya ay magkasing-edad lang sila nito. "Di mo ba alam na nagmamadali ako?!"

"Bakit ba galit na galit ka? Aksidente ang nangyari. Di ko iyon sinasadya!" Protesta ni Sarafin.

"Wala akong pakialam sirena! Ang nais ko lang na malaman mo ay dapat kang maging alerto sa paligid mo! Di mo alam, may nababangga ka ng sireno!" Inis na wika nito.

"Hmp! Sinabi nang aksidente! Bakit ba napaka-kitid ng pag-uutak mo?!" Iritadong wika ng sirena. Biglang nagbago ang kulay ng kanyang mata at ito ay naging kulay pula.

SereiaWhere stories live. Discover now