SIAH 1

1.3K 32 5
                                    

Eunna's Point of View

"Gf! Gf! Oh my goooosh huhuhu," hagulgol ng Bf kong nag-eenarte. Pffft, di ko maiwasan matawa sa itsura nitong baklang 'to.

Well, as a long time bestfriend , alam ko na ang pinageenarte nito ...

"Hoy bakla!, ang chaka mo dyan teh!. Di ka nanaman pinansin ng crush mo?," nakapamewang kong tanong na nakatayo sa harapan niya.

"Gf naman eh ..." nakapout na sabi ng bakla. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang chips na nasa center table at sinimulan ang pagkain, matinding dramahan 'to mga bes, joke.

"Gusto mo?.. So balik tayo sa o.a mong topic. Yhael, alam mo lagi ka nalang ganyan, tuwing di ka kakausapin ni Troy na mukhang daga at nung ... sino ba 'yon? D-da-Darren, Oo yon!. 'Yong nasagasaan ng wheelertruck version ni Lee Min Ho?, o kaya 'yong todo-todo mong effort na love letter. Juskooo!, pati 'yong mga chocolates teh!, binigay mo nalang sana sa akin hindi pa sayang. Sayang kaya lahat no, kelan mo kasi balak maging TRUE BOY?,"
Magandang advice ng magandang si ako HIHIHI, clap-clap ang haba rin niyan.

"Eunna naman, ito na akiz. Haller? This is me sabi nga ni Demi Lovato. " Aba!, nandamay pa ng tao, loko-loko to ah. Nabigla naman ako ng bigla niya akong yakapin.

*Dug-dug-dug-dug*

Ayan na, sabi na eh. Letcheng yakap yan eh, ito nanaman ang mala-drum kong heartbeat. Ok, oo na. Aamin na ako sa inyo, gusto ko si Yhael oh wait! I love Yhael, actually noon pa eh. Ewan ko ba kung bakit. Pwede namang sa totoong boylet na lang tumibok 'tong letcheng puso ko, pero bakit sa bestfriend ko pang baklush -.- nakakaloka di ba?

This is what I called GENDERIFIC ROMANCE, bakit? Naiisip ko lang hehehe. So brilliant Eunna *Clap-clap*

Yeah, he is a gay but he is a different gay. What do I mean? Siya 'yong tipo ng bakla na ayaw na ayaw magdamit ng pangbabae (Kasi dati pinagdamit ko siya, shet nawalan ako ng supply ng load HAHA). Pag sinubukan niya, lagot siya kay father-in-law charooot!, sige na nga, lagot siya kay tito Walter.

Siya rin 'yong tipo ng baklang never ng try ng wigs (Sinubukan ko dati, pero batok lang inabot ko sakanya -.- bwisit na bakla -.-) . Siya 'yong tipo na prefer pa ang manly look, well infact when you look at him, kalaglag panty teh. 'Yong fes niya Yook Sung Jae (ng BTOB), kung kumilos supeeeer manly and also the way he dress. Plus!, he has a 6 packs yummy abs ( syempre nakita ko na yan, PROUD BESTFRIEND 'TO NO), oh san ka pa? Pero ... Sadly he's a gay.

" 'Wag kang ano dyan sa buhay mong ano dyan, everyone can change. Mapa- kriminal man yan o druggers ---"

"Anong druggers?," kunot noong tanong niya. I rolled my eyes, ito pa pinagtataka ko eh, bakit ba ako sa nainlove sa bobong to tsk tsk -.-

"Druggers, mga gumagamit ng drugs, hay nako," magandang sagot ng magandang ofcourse, ako.

*Batok!*

"Aray!" angal ko.

"Sinabi mo na lang sana na gumagamit ng drugs o drug users, rather than your 'druggers' my gosh. Saang dictionary mo yan nakuha, susunugin ko."
Mataray niyang sabi sa akin, sorry na maganda lang hindi perfect .

"Tss, oo na . Back to our topic, yon na nga mga kriminal, DRUG USERS at mga magnanakaw, pwedeng magbago, ikaw pa kaya?. Kaya there is a possibility" nakangiting sabi ko at taas-baba ang mga kilay ko.

"Gf, ugh. Whatever you say. Tsaka hindi naman ako kriminal kaya bakit ako magbabago?. And take note, it depends on the person if she/he wants to change, right?" tanong niya na may kasamang ngiting tagumpay kasi alam niyang wala na ako masabi .

"Left. At anong he or she ka dyan, wala ka nga sa choices, undefine ka. " Hooo! Burn! HIHIHI loser siya HAHAHA

"Pilosopo," pikon niyang sabi, sabay kuha ng chips sa akin. Batos to, pikon-pikon tapos kukunin yong chips.

"Hoy loser ka, bakit mo kinuha yan?," natatawang sabi ko sakanya .

"Tss, loser? Flatboobs. "

" Ok, surrender." Wala na, talo na ako boobs na pinag-usapan eh.

"Pero pano pag, 'pag' lang 'to ah, pag naging totoong lalaki ako, will you love me?," tinignan ko siya, shet he's damn serious.

*gulp*

"Oo, mamahalin kita. Ngayon pa nga lang mahal na kita eh."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At syempre di ko yan sinabi HAHAHA

" Eww, ano ba yan! Haha joker ka talaga Bf. Teka ano bang oras na, 7:00 na ng gabi. May balak ka pa bang umuwi? Hanapin ka nanaman nila tito at tita, uwi na!," 'Yan na lang ang nasabi ko para mabago ang topic, shemays feeling ko nasa hotseat ako nun.

Tinignan niya ang wrist watch niya at tinignan ang wall clock namin, balik sa wrist watch niya , tingin ulit sa wall clock namin, bumalik ulit sa wrist watch niya, at sabay tingin sa'kin.

"Oh bakit kunot noo mo?," inosenteng tanong ng bakla.

"Ikaw ba naman ang titingin sa shungang tao na pabalik-balik ang tingin sa wrist watch niya at sa wall clock namin?, Di kukunot noo mo?,"

"Balik lang, pabalik-balik iba na yon. Hep! Tama na, hatid mo na ako sa gate niyo," nakasmile niyang sabi -.- at pinigilan pa ang pagbatok ko sa kanya, lufeeet. Tumayo na nga kami sa kinauupuan namin at tumungo sa gate namin, nagpapahatid ang lola niyo eh.

At nang marating namin ang aming distinasyon, char! Yong gate pala namin ...

"Goodnight Bf, ingat sa daan ah," at inalis ang kamay niyang na sa balikat ko kanina.


"Goodnight din, sweet dreams anyway." Pagkatapos niyang sabihin yon ay nagsimula na siyang maglakad, by the way walking distance lang pala ang bahay nila sa amin. Isasara ko na sana ang gate namin ng bigla siya bumalik .

"Oh?"

"May nakalimutan ako," sabi nito na ipinagtaka ko. Ano naman 'yon?

"Huh? Ano naman 'yon? Teka balika ko sa loob ..." pabalik na sana ako sa loob ng hilahin niya ako

At ..

O_O!!

She is A He (Completed)Where stories live. Discover now