SIAH 16

250 10 6
                                    

SIAH 16: DAY 03



Yhael's Point of View



" Sa wari ko'y lumipas na ang kadiliman ng araw, dahan dahan pang gumigising at ngayo'y babawi na ...

Muntik nang nasanay ako sa'king pag-iisa. At kaya ng iwanan ang bakas ng kahapon ko

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, nagbago man hugis ng puso mo. Handa akong humunin ang aking mundo 'pagkat tuloy pa rin."

Malamig na awit ko habang tumutugtog ng gitara. Tumigil ako sa pag-awit dahil ito na naman, binabalot nanaman ako ng kalungkutan, akmang akma kasi eh.

"Kung minsan ay hinahanap pa ang alaala ng 'yong ngiti. Inaamin kong kay tagal pa bago malilimutan ito.

Kay hirap ng maulit muli ang naiwan nating pag-ibig, tanggap na at natututo pang harapin ang katotohanang ito.

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, nagbago man hugis ng puso mo. Handa akong humunin ang aking mundo 'pagkat tuloy pa rin."


Itinigil ko na ang pag-awit dahil parang hindi ko kayang ituloy pa. Nalulungkot ako ng lubusan habang inaawit eh. Parang hindi ko kayang ituloy pa rin, kasi hindi ko kayang wala siya sa akin.


Nakasalampak ako sa sahig at sobrang dumi ng kwarto ko, puro mga in can na alak ang pumapalibot sa akin. I need to erase the pain in me, gusto ko kahit ngayong araw lang mawala ang nararamdamang lintik na sakit na 'to. Ininom ko ulit ang isang beer pero wala na palang laman kaya ibinato ko na lang ulit, letche! Ngayon pa naubusan! P*ta!.



Nang makauwi ako sa bahay kagabi, eleven na ng gabi at susuray-suray akong dumating sa mansion namin. Pagkatapos kasi naming mag-inuman ni Kuya Lee ay hindi pa ako nakontento kaya pumunta akong bar at doon uminom ng uminom. Gusto ko kahit ngayon lang mawala itong sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng matapos 'to, gustong gusto ko ng bumalik kami sa dati -- 'yong Bf at Gf pa rin kami. 'Yong asaran naming dalawa, lahat ng ginagawa namin gusto ko ng balikan ulit.


"Eunna ... miss na miss na kita... Eu-Eunna... please..." nakatungong sabi ko. Hinihiling na sana marinig ni Eunna, pero imposible namang mangyari 'yon.


Tumingala ako upang pigilin ang luha gustong gusto ng kumawala sa aking mga mata. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako iiyak dahil hindi pa naman patay si Eunna, at hindi ako iiyak dahil alam kong malakas ako at magkaka-ayos pa kami ni Eunna. Natawa ako ng bahagya sa naisip ko, tinakwil na ako at lahat lahat pero ito pa rin ako, siya pa rin ang iniisip ko.


Nakakapanlambot, nakakaubos ng lakas lahat ng nangyari, gusto ko ng sumuko for pete's sake. But I have this feeling that I should become more stronger this time, I know she have her own reasons, I will understand her, gagawin ko. Kailangan ko pang magpatuloy at harapin ang pagsubok na 'to sa aming dalawa, even if I know I will be hurt in the end.



Tinatamad kong kinuha ng cellphone ko sa kama ng marinig kong magring ito.



Kuya Lee is calling...


I immediately slid the screen and place my phone in my left ear.


"Hello kuya" walang ganang pagbati ko.


[Yhael. She needs you.]


"Kuya?" umupo ako ng maayos ng marinig ang sinabi ni Kuya. Did I heard something that she needs me?


She is A He (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon