SIAH 10

365 11 2
                                    

SIAH 10 : STILL HURTING

Roever's Point of View

I'm sitting here in the couch still watching Gael who's still sleeping. Ang daming nakasalpak sa katawan niya; nasasaktan ako sa nakikita ko. Napasabunot ako sa aking buhok at ipinadyak ang aking kaliwang paa.

Bakit kailangan niyang maranasan sa murang edad ang pagsubok na kinahaharap niya?.. Nasasaktan ako dahil wala akong magawa sa kanya, hanggang tingin at dasal na lang ang magagawa ko. Nakakaasar! Wala akong kwenta!

Pagkarating namin dito sa hospital ay agad na naadmit si Gael na agad kong ipinagtaka. Ang alam ko ay mataas lang ang kanyang lagnat at nahimatay ito sa matinding pag-iyak. Kaya bakit naadmit siya agad?.

Nang lumabas na ang doctor ay agad na kinausap siya ni Tita Cathe at ni Tito Ga-el na halatang nag-aalala sa kanilang anak at kinakabahan sa maaaring sasabihin ng doctor. Bahagyang lumayo sila sa amin para siguro hindi marinig ang pag-uusapan nila.


"I'm sorry to tell Mr. and Mrs. Leighton, lumalaki na ang bukol. She needs an urgent surgery..." hindi sinasadyang marinig ko ang sinabi ng doctor. Bukol? Lumalaki? Urgent surgery? What is this fvcking ugly doctor talking all about?. Why does Gael needs urgent operation?. Fvck! A lot of question are popping on my mind. Napalingon ako kay Kuya Lee na nakaupo ngayon at nakayuko, nakalagay ang dalawang braso niya sa mga hita nito at nakadakop palad ang kanyang mga kamay na parang nagdadasal. He's worried about his little sister.


Sino namang hindi mag-aalala kung nasa loob ng emergency room ang taong mahalaga sayo. Walang kwentang tao ang hindi mag-aalala. Napalingon naman ako kila tita na kausap pa rin ang doctor.

"But Mr. Leighton, your daughter's body can't do it. Her body is too weak for her age to do the operation..." narinig ko muli ang sinabi ng Doctor at napalingon ito sa akin kaya agad kong iniwas ang aking paningin. Another question popped on my damn mind, I can't understand their topic but the only clear for me is the operation of Gael. Why the fvck she needs an operation??


Napalingon na lang muli ako kilala tita at tito na ngayon ay malayo na sa amin, tumatango si Tito habang si Tita ay umiiyak. Fvck! I need to know what is going on.

Hindi na ako mapakali at tinanong ko na agad ang pinag-usapan nila tita. Hindi naman nagdalawang isip si tita at agad itong sinabi habang umiiyak. Nahulog ang panga ko ng malaman ang pinag-usapan nila at narinig si Hyung Lee na napamura. Kailan pa siya ganoon? Kailan pa?

Hindi 'to pwede!!. Kailan pa nila tita at tito alam ang bagay na 'yon? Bakit hindi nila sinabi?. Bakit siya pa? ..... Bakit siya pa??

****

Eunna's Point of View


Sa isang madalim na lugar ay may nakita akong babae, gumuhit sa aking mga labi ang kasiyahan at napasabing 'May kasama ako!'. Nilapitan ko ito at habang lumalapit ay naririnig ko ang paglakas ng kanyang pag-iyak, bakit siya umiiyak?.


Nang makalapit ay laking gulat ko ng makita ang sarili ko. Umiiyak ako at nakalagay ang ulo sa tuhod ko na aking yakap. Napahakbang ako paatras, nasasaktan ako sa nakikita ko at hindi ko na rin namalayang umiiyak na rin ako. Bakit ko nakita ang sarili kong umiiyak?, tumakbo ako palayo sa lugar ng babaeng nakita kong umiiyak.


Takbo lang ako ng takbo ng mapansing nasa liwanag na ako. Nakakasilaw na liwanag. Agad akong napahawak sa aking bibig, 'patay na ba ako? ' natanong ko sa sarili. Napailing ako sa sariling naisip at sinabing 'purket liwanag patay agad?' at natawa ng bahagya.


She is A He (Completed)Where stories live. Discover now