SIAH 14

293 10 7
                                    

SIAH 14: Day 01

Yhael's Point of View


*Whistle*


*Whistle*

Pasipol-sipol akong naglalakad papuntang mansion nila Eunna. Nakalagay sa magkabilang bulsa ng pants ko ang mga kamay ko sige sa pagsipol hehe. Bakit ba? Feeling ko kasi ang cool nun hehe.

Susunduin ko si Eunna ngayon para sabay kaming pumuntang school kasi napapansin kong mailap na siya sa akin. Kakausapin niya lang ako ng sobrang iksi, mabibilang mo pa nga mga letters ng sasabihin niya eh.. Kaya sobra ang pagtataka ko. Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang ikinatampo niya hayy nakakagago naman 'to! Aish.

Tulad na lang kahapon...


~Flashback~

Katatapos lang ng practice namin para sa darating na graduation namin kaya ito ako papunta sa kinalulugaran ni Eunna. Remember, Valedictorian siya.

Nang makarating ako sa kanya ay nagulat siya dahil lumaki ang mga mata niya, hala? Adik 'to.

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka dyan?" tanong ko. Iniwas naman niya ang tingin niya at nagpokerface. Ang saya walanh sagot sagot ah.

"Tara na? Kain na tayo?," hinila ko na siya patayo pero nagulat ako ng bawiin niya ang kamay niya. Tinignan ko siya at wala akong makitang emosyon sa kanya, this is not her.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya, "Pwede ba! Pwede namang hindi ako hawakan di ba?. Kakain lang naman tayo eh." Sabay tayo niya at nauna ng lumakad sa akin. Napailing ako at hindi na lang inisip ang kinilos niya, sumunod na ako sa kanya hanggang makarating kami sa cafeteria.

"Gf? Anong problema?," tanong ko habang kumakain kami. Wala kasing imikan sa aming dalawa, tanging mga plato, tinidor, kutsara at ingay sa cafeteria ang maririnig sa pwesto namin. Kami nga lang ata ang tahimik eh.

Tinignan muna niya ako saglit at ibinalik ang tingin sa pagkain niya at sumagot "Wala." walang emosyong sabi niya.


Hindi na ako nagtanong pa dahil halata namang wala siyang balak makipagkwenuhan eh. Pero fvck! What's her problem? Pwede naman niyang sabihin sa akin eh. Hay nakoo..

~End of Flashback~

"Gf!!," sigaw ko sa kanya ng makita siyang nasa labas ng kanilang mansion. May hinihintay ata? Nag madali na akong pumunta sa pwesto niya.

"Aalis ka na ba? Tara na?" Masayang aya ko. Tinignan niya lang ako at hindi nag-abalang sumagot .


*Sigh*


"Oo." Maikling sagot niya. Napangiti ako dahil salamat naisip niyang sumagot din hehe.

"*Kamot batok*  eh di tara na?,"

"Nah. Kasabay ko si R-Roever." kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. Eh? Kasabay si Unggoy?. Nagulat naman ako ng makita ang isang motor bike sa harap namin.

"Let's go?" walang sagot-sagot ay sumakay na si Eunna at pinaharurot na ni Roever ang motor niya. Naiwan akong mag-isa sa harap ng mansion nila at natatungo na lang, nakakatampo na si Eunna.

Hindi na ako nagemote at nag para na agad ng taxi para makahabol kila Eunna.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"And you are late Mr. Brackson." Masungit na salubong sa akin ng teacher namin. Nagpeace sign ako at tinignan kinaroroonan ni Eunna at Gotcha! She's looking at me ... worriedly. Hihihi yes!


She is A He (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon