SIAH 25

344 13 3
                                    

SIAH 25: AMNESIA?

Hello again!
'Yan po 'yong painting na bibilhin ni Yhael.

Credits po sa totoong may-ari ng painting na yan HAHAHA. Nahanap ko lang yan sa google LELSXD.

Enjoy!

*************

Cathy-ree's Point of View

"It is Mr. Andrew Brackson Ma'am, the vocalist of Majestique, I know Ma'am you knew him already. For, he's part of the band that we asked for help Ma'am." Ani Jean.

Napatitig ako sa nilalang na nasa harapan ko. He is smiling at me? or to Jean? Or to the both of us? I don't know. But the weirdess thing here is that my heart is pounding so fast again, pag nakikita ko siya laging ganito ang tibok ng puso ko-- ang bilis, sobra.

Nakakatitig lang ako ng ilang segundo bago ko bumalik sa reyalidad na dapat kong kunin ang painting ko at hindi intindihin ang napakabilis na tibok ng puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at hinaplos ito upang huminahon ang tibok nito, inayos ko rin ang buhok ko at tumikhim. I must act professionally.

"So, it is you. Nice seeing you again Mr.Brackson." I said and offer a hand but he just look at my hand. Hmp! Huh?

Akala niya gustong gusto kong makipagkamayan sa kanya? Hindi no! Kahit napakasikat niya, HINDI PA RIN!

Tumingin ako sa secretary ko na titig na titig na kay Mr.Brackson. Tumaas tuloy ang kilay ko, "Ahm...Jean, can you leave us now."

"Y-Yes Ma'am, p-pero pwede po ba munang makipicture kay sir Andrew?" Nahuhumaling na tanong nito habang nakangiting nakatingin kay Mr.Brackson. Tumaas lalo ang kilay ko tuloy, kailan pa naging malandi ang babaeng 'to.

"No--"

"Ofcourse" Nakangiti ring sabi nito kay Jean. Huh! Ang landi rin ng isang 'to!, kung makikita niyo lang kung paano niya tignan ang secretary ko na may pakagatkagat pa siya ng labi! Tapos pag ako ang kausap niya walang kagat kagat ng labi?! ANO YAN?! Bwiset!!

At bakit ba ako nagrereact?! 'Wag kang mainis Eunna, sikat yang costumer mo kaya ganyan maraming nagpapapicture, kaya chill ka lang. PSH! kaimbyerna eh!.

"Ok na?" Sarkastikong tanong ko ng makitang tapos na silang magpicturan. Natawa naman ang Andrew na 'to, kaya tumaas ulit ang kilay ko. Anong nakakatawa?!

"Y-yes Ma'am. Thank you Sir Andrew, I will leave now. Excuse me." Yumuko muna ito bago binuksan ang pinto at lumbas. Huminga muna ako ng malalim at ibunuga ito at tsaka tinignan siya.

"Have a seat, Mr. Brackson." I offered. Umupo rin naman siya sa itinuro kong sofa, umupo rin ako sa kabilang sofa at magkaharap kami ngayon. Napapag-gitnaan lamang kami ng glass table.

"So, you want to buy my painting?"

"Yes, kaya andito ako I guess." Hambog na sagot nito sa akin. Palihim akong napangisi sa sagot niya. Ang yabang!

"Sorry to disappoint you, but the painting you want is an exception." Nakatinging sabi ko, at ganoon din siya nakatingin din sa akin. Iniwas ko ang tingin ko.

"That painting is .... V-very important to me." Habol kung salita besides hindi naman siya nagsalita dahil nakatingin pa rin siya sa akin at naaasiwa ako sa mga tingin niya.

I heard him laugh slightly. Oh sh*t! Oh sh*t! My heart!

"Paanong naging importante yan sayo?" Nakangising tanong nito. How will I answer that damn question? Hindi ko siya kilala kaya bakit ko sasabihin sa kanya ang dahilan ko.

She is A He (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant