SIAH 11

427 13 1
                                    

SIAH 11: BAKLA  VS.  SINGKIT NA UNGGOY


Eunna's Point of View

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame. Where am I?, sandali kong inilibot ang aking mga paningin; puro puti. Dumako rin ang aking paningin sa isang lalaking nakahawak sa kamay ko habang ito'y tulog. I smiled. He never fails to make me smile kahit wala siyang ginagawa basta na sa tabi ko siya masaya na ako.


Biglang bumalik sa aking mga alaala ang mga nangyari sa aking panaginip. It was just a dream, a nighmare to be exact. I thought I will never be awaken on that dream..parang lahat ng nangyari may pinahihiwatig sa akin. Do I need to prepare myself? Do I need to make my decision wiser this time?.

I realized this time that I am in a hospital, inalala ko kung bakit ako nandito.. At naalala ko nga kung bakit ako nandito sa lugar na 'to. Haaay... masakit pa rin para sa akin. Nasaktan na nga ako sa reality pati ba naman sa panaginip, hindi na ako lumigaya? Mygosh. Unti-unti kong ibinalik ang aking tingin sa kisame at nilabanan ang nakakasilaw na ilaw. Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan at nararamdaman ang sakit sa lahat ng mga nakaturok sa aking katawan. Hindi ko mapigilang mapapikit ng maramdaman ang sakit sa mga ito.

Iminulat ko na lang ulit ang aking mga mata at tumingin muli kay Yhael na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Siguradong nangangawit na siya sa posisyon niya, adik din kasi 'to mayroon namang couch hindi pa natulog don. Wala talagang laman isip nito hay naku.

Nakita ko namang unti-unti itong gumalaw at mukhang gising na ang bakla. Iminulat niya ang kanyang mata at bumilog ito nang napakalaki ng makita ako. Para siyang nakakita ng multo, ang ganda ko namang multo.

"Eunna.. *pindot sa cheecks ko*
Eunna ... *pindot uli sa cheecks ko* " Ikinunot ko ang aking kilay, ang sarap lang batukan ng baklang to. Naku.. Pasalamat siya hindi pa ako malakas ah. Lumaki naman ulit ang mga mata niya at napahawak sa bibig niya na akala mo nagulat.


"WAAAAAAH!! Gising ka na GFFFFF!," gustong gusto kong takpan ang tenga ko pero di ko magawa nang sumigaw siya. My gosh, feeling ko sirang sira ang eardrums ko sa sigaw ng baklang 'to. Nakayakap na siya ngayon at tuwang tuwang makitang nagising ako.


"Oh my goodness! waaaaaah! Buti naisipan mong magising Eunna." Sabi nito habang nakayakap. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya, ewan pero namiss ko din ang yakap niya, haha. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin at nakangiting malapad akong tinignan. Kaya napangiti na rin ako ng mahina, remember mahina pa ang aking katawan. His smiles are like a virus, nakakahawa haha.


"I can't believe this.. Bakit gising ka na?" tama bang tanong yan? Bakit ako gising na? Sira ulo ba 'to?. Ang sarap sarap niya iuntog ngayon sa bawat pader dito sa kwartong 'to.


"Salamat sa napakamagandang tanong mo," walang ganang sabi ko. Lumaki ulit ang mata niya nang magsalita ako. Bakit ba lumalaki na lang ng lumaki ang mata nito? Nakakagulat na bang magising ako at magsalita?


"Na-nagsa-salita k-ka E-Eunna...." tinampal niya ang magkabilang pisngi niya. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa nakakagago niyang kilos at inaakto. I don't get it. Ilang araw ba akong tulog? At parang laging gulat 'tong nilalang na 'to.

"M-Magsalita k-ka nga ulit.." sabi pa nito. I rolled my eyes.


"What now--" niyakap niya ulit ako kaya di ko na natapos ang sasabihin ko.

"Thank God. You really are talking right now. Hindi mo ba alam na isang linggo kang tulog? Syempre hindi mo alam yon kasi tulog ka nga. 'Wag kang mag-alala dahil na re-scheduled ang graduation natin.. Dahil sayo... Alam mo ba yon? Syempre hindi mo ulit alam yon kasi sleeping beauty ka pa rin ..." nakayakap niyang sabi sa akin. Oh my gosh, tulog ako ng isang linggo? And our graduation was canceled because of me?. Oh my good Lord, bakit ganoon ako katagal natulog?


She is A He (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon