SIAH 28

121 7 2
                                    

SIAH 28: EMILY vs EUNNA, ROEVER vs YHAEL

Cathy-ree's Point of View

"Yhael..." I said in my brain. Sa isip ko na lamang nasabi dahil baka marinig pa nila.

*Sigh*

Para kanino ba ang awit na yon? Para sa akin ba o para kay Emily?. Teka nga! Bakit ko naman sinali ang sarili ko? Wala naman na ako para sa kanya dahil isa na lamang akong isang alaala. Siguro para nga kay Emily ang kanta na 'yon. I look at Emily at nagulat ako dahil nakatingin ito sa akin ng sobrang talim, anong problema nito?

"They sang, me and my wife's favorite song. Alam talaga nila ang kiliti ko." And that answers my question. Hindi naman pala sa aming dalawa ni Emily ang kantang 'yon kundi kay Tatay Mauri.

So balik tayo kay Emily. Ano nga bang problema nito at ang talim-talim kung tumingin sa akin? Inaano ko ba siya. I arched a brow.

"Excuse me? What's with that stares?" Mataray kong tanong sa kanya.

She chuckled.

'Abaaaaaa?'

"I should be the one asking you that. What's with the stares on my BOYFRIEND?" Mataray din niyang tanong sa akin.

'Wow! Talagang proud!. Eh di ipangalandakan mo pa!. Tsk!'

"Ex.cuse. Me? Staring at your BOYFRIEND?. Ms. Hart, I am just looking at your BOYFRIEND, okay?. There is always difference between staring and looking to a person. Kailangan ko pa bang i-demo sayo?" Huh! Akala niya ah. Hindi ako papatalo sayong higante ka!

She didn't respond for a second kaya tumingin na lang muli ako sa harapan. Nakababa na pala ang Majestique sa stage at umuulan na ngayon ng palakpakan para sa napakagandang intermission nila. Bakit ngayon ko lang na appreciate ang Always be my Baby ni Mariah Carey?. Ang ganda palang kantang yon, tss.

"Looking or even staring at my boyfriend, is the same. Feel guilty right? Tama ako. Kahit bali-baliktarin mo pa, nakatingin ka pa rin kay Andrew." Narinig kong muli ang boses ni Emily. Akala ko di na siya sasagot pa, pinag-isipan pa ata niya ang sasabihin niya eh.

"It is natural for me as an audience to look at Majestique and look at them one by one for... haller they are performing on stage. And besides, Mr. Brackson is a gorgeous man at talagang makukuha niya ang atensyon ko." Pffft! I want to laugh but I am controlling it. 'Yong mukha niya parang diring diri sa narinig niya, at mukhang papatayin na talaga niya ako sa pagtingin palang niya sa akin HAHAHA. Pikon ka pala eh.

"Don't you dare get him to me! Because he is mine." Mahina niya singhal at sagot sa sinabi ko. Nakakahiya naman kung marinig nila Tatay Mauri at Roe ang pinag-uusapan namin.

Now, its my turn to chuckle.

"Paano kung sinabi ko sayong, kukunin ko ang UNANG naging akin?. May magagawa ka?" I whispered to her ears. Gulat na gulat itong napatingin sa akin, kaya napangisi ako. Gulat ka no? Akala niya tide HAHA.

Tumayo na ako at bumulong kay Roe na kailangan na naming umalis. Tumango naman ito sa akin at tumayo na rin.

"Tatay, I am sorry but we need to go. Pakisabi na lang po sa kanila." Pagpapaalam ko kay Tatay Mauri.

"Alright alright. Thanks for coming tonight and thanks for the gift. And I am glad meeting you Mr. Park, 'til next time?" Nakipagkamay ito kay Roever at ngumiti.

She is A He (Completed)Where stories live. Discover now