SIAH 35

110 6 0
                                    

SIAH 35: THE CONCERT

February 14, araw ng mga puso.

Leaving the person you love is the hardest thing to do. Leaving the person you love without saying goodbye is the dumbest thing you will do. But, that's the best solution to fix the worst problem and to fix everyone's life.

'Best solution, I can think of.' Ang nasabi ni Eunna sa kanyang sarili.

Ito ang araw na aalis na muli ng Pilipinas si Eunna, ito nanaman ang magiging solusyon niya para maiwasan si Yhael. Patuloy ang pag-impake ng gamit si Eunna habang patuloy rin ang pag-bagsak ng kanyang mga luha. Hindi madaling iwan muli ang lahat, hindi na madali.

"Are you all packed?" Nagulat naman ang dalaga sa taong pumasok sa kanyang kwarto kaya dali-dali niyang pinunasan ang kanyang luha.

"Kuya, ikaw pala." She said with a smile na kinatihan din ng huli ng isang ngiti.

"Wala ka na bang nakalimutan? Nailagay mo na ba sa bagahe mo lahat?"

"I think so, andito na siguro lahat."

"Puso mo, dadalhin mo rin o iiwan mo?" Napatigil ang dalaga sa pag lagay ng damit niya sa tanong ng kanyang kuya. Napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

"Kuya, syempre dadalhin ko. Magpapakasal na nga rin ako di ba? Ano ba naman yang tanong mo." Depensa niya.

"Ah ganun ba? Para sa akin hindi kasi eh."

"Kuya ano ba! Kung nandito ka dahil gusto mo uling gulihin ang isip ko, please umalis ka na lang. Ayoko ng ... a-ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko." Pahina ng pahina na sagot ni Eunna at pinipigilan ang sarili na muling lumuha. Nakaramdam naman siya ng mainit na yakap galing sa kanyang kuya.

"I'm sorry Lil sis, I just you to decide something that you will never regret afterwards. Gusto kong piliin mo ang magpapasaya sayo, may oras pa Eunna. I want the best for you kasi kapatid kita tandaan mo yan." Dahil sa narinig mula sa kanyang kuya ay hindi na napigilan ng kanya mga mata ang lumuha muli. Totoo nga ang sabi nila, minsan may sariling isip ang mata natin, kahit ganun pigilan pag alam niyang nasasaktan ka na kusa na lang lalabas.

"I know that, but I already made up my mind. Wala ka ng magagawa doon."

"I just want to say, may oras pa. May oras pa Eunna para mag-bago ang isip mo. Hindi sa lahat ng oras kapakanan ng ibang tao ang lagi mong iisipin, isipin mo rin ang sarili mo. Your own happiness and your own life." Huling sinabi ni Lee bago lisanin ang kwarto ng kapatid.

------------------

Yhael's Point of View

Patuloy ang pagkabug ng dibdib ko sa kaba gano'n na ang patuloy na tumatakbo sa akin isipan kung darating ba siya. Ihihanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na mangyari ngayon dahil nararamdaman kong matatalo muli ako.

'Hep! Hindi pa nagsisimula ang concert, hindi pa huli ang lahat'

Pero syempre kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ako sasabak sa stage dahil lamang sa isang tao kundi sa libo-libong tao. Ano man ang maging desisyon ni Eunna buong puso kong tatanggapi, para sa kaligayahan niya.

"Bruh! Are you okay?"

Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ko si Kuya Dane. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din ito sa akin na kunot ang uno at biglang tawa.

She is A He (Completed)Where stories live. Discover now