SIAH 26

241 10 4
                                    

SIAH 26: MEMORIES




Cathy-ree's Point of View

"Kuya?!"

Si kuya nga! Anong ginagawa naman nito dito?

"KU-YA?!!" pasogaw na pag-uulit ni Jean. Nakamulagat pa ang kanyang dalawang mata na halatang nagulat at nakaturo sa kuya ko.

"Yes. He is my brother, why?"

"WHAAAAAAAT?!" Malakas na sigaw na naman nito. May nakakagulat ba do'n?

"BUWAHAHAHAHAHA! Oh ano! Di pa maniwala eh. Gulat na gulat ka dyan no? 'Kala mo tide no? Huh, nagkakamali ka. Soooo... Dito ka pala nagtra-trabaho, alalay ka pala ng kapatid ko? HAHAHAHA" Nakakalokong sabi ni Kuya. Magkakilala silang dalawa? Talaga? Small world haha.

"Hoy! 'Wag kang tumawa ng sobra at baka lalong lumuwa yang gilagid mo! At tska FOR YOUR INFORMATION hindi ako alalay ni MA'AM CATHY-REE!. I am her certified secretary!" sigaw na sagot ni Jean.

Ah?... Anong nangyayari? Bakit sila nagsisigawan sa harapan ko?

"Alalay pa rin ang tawag don bansot! HAHAHA"

"Hindi nga ako ala--"

"STOP!"

"Ikaw kasi!" Kuya.

"Aba't! Anong ako? Baka ikaw!" Jean.

"STOOOOOOOOOOOOP!" Malakas at bonggang bonggang sigaw ko sa aso't pusa na 'to.

"Ano ba kayong dalawa! Para kayong mga aso't pusa kung mag-ayaw. Kung magsagutan kayo parang kayo lang ang tao ah! Helloooo andito pa ako, and THIS IS MY OFFICE." mahinahon kong sabi sa dalawa. Sabay naman silang yumuko at kinalikot ang mga sariling daliri na mga parang bata. Ano ba naman 'tong mga 'to?

"Sorry Ma'am Cathy-ree/Sorry Lil Sis" Sabay na paumanhin nila at nagkatinginan pa. At sabay na nagbigayan ng masasamang mga tingin -.-

"Haaaay ... It's ok. You may now leave Jean." Nag-angat muna ito ng tingin bago tumango sa akin. Nakita ko pang sinipa niya ng mahina ang paa ni Kuya bago lumabas, haaay parang mga bata.

Nang makalabas si Jean ay kay kuya na dumapo ang tingin ko na nakatingin na rin pala sa akin. Sinenyasan ko itong umupo sa upuan sa harap ng lamesa ko at umupo naman ito ganoon na rin ako.

"Is she your secretary?" tanong ni Kuya.

"Yeah. She's Jean Edesson." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah, Jean pala pangalan niya ah. Hihihihihi." Mala-kontrabidang tawa ni kuya. Anyare dito? Tinignan ko siya at kumunot ang noo ko ng makitang mukha siyang si Penny Wise.

"Oh anong ginagawa mo dito, Penny Wise?" Mapang-asar na tanong ko. Gulat naman itong tumingin sa akin kaya natawa ako.

"Anong Penny Wise? Sino 'yon? Kasing gwapo ko ba 'yon at tinatawag mo kong Penny Wise? Aba ang swerte niya ah."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA oo kamukha mo 'yon."

"'Wag mo kong pagtripan ngayon Lil sis purke kakarating mo lang dito sa Pilipinas."

"Sino ba kasing nagsabi sayong pinagtri-tripan kita? Wala naman ah." Natawa ako ng bahagya ng ambaan niya ako ng suntok. Loko-loko talaga 'to.

She is A He (Completed)Where stories live. Discover now