Chapter 4: Escape

57 3 4
                                    

Kiyera's POV

"Wahhhhh! Wag po Master, patawarin niyo po ako" sigaw ko habang hinahabol ako ni Master dito sa University.

Wahhhh gusto ko pang mabuhay.

"Wahhhh Master, gusto mo bigyan na lang kita ng onting chocolates patawarin mo lang ako!" Nakangiting saad ko dito.

"I dont like CHOCOLATES! You have to be punish!" Sigaw naman niya.

Hindi maari ito. Ayaw niya ng chocolates? Hindi ako makakapayag. Dapat lahat ng tao gusto ng chocolates. Dapat lahat ng tao tine treasure rin ang chocolates katulad ko. Hindi ito katangap tangap.

Tumigil ako sa pag takbo.

"Ayaw mo talaga ng chocolates?! Dapat gustuhin mo"

"Yes, I dont like chocolates, because I only like you"

"WHATTTTTTTTTTTTT?!" Sigaw na tanong ko naman sa kanya.
Ano bang nangyayari?

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nasa harap kami ng The Master Office.

Gawa sa chocolates.nanlaki at nag ningning ang mga mata ko.

"CHOCOLATESSSS!" Nakangiting turan ko na halos di makapaniwala sa nakikita ko.

"Ms. Kiyera, Ms. Kiyera" sino ba ang tumatawag sa akin.

"MS. KIYERAAAA!"

"Whaaaaaa CHOCOLATES" napa kusot kusot ako sa mata ko.

Panaginip lang pala. Dapat totoo na lang yon para ang saya saya ko na. Kaya ko kayang ubusin ang chocolate na kasing laki ng The Master Office?

"Nasa University ninyo na po tayo" tumingin naman ako sa labas at nakita ko nga ang gate ng University namin.

Nanlaki ang mata ko dahil nandoon na naman yung mga estudyanteng nakaitim na bumuhat sa akin papunta sa The Masters office.

"Manong paandarin ninyo ulit. Doon ninyo ko ibaba sa medyo malayo layo dito sa gate ng University" tumingin ng may pagtataka si Manong ngunit pinaandar niya pa rin ito.

Akala ko ba nakalimot na siya? Baka akala ko lang yon, mamamatay ako dahil sa maling akala ko.
Baka naman hindi ako ang hinihintay nila. Oo nga baka hindi ako, pero nag sisiguro lang ako baka mamaya ih patayin nga ako ni Master.

Master.

Tumingin ako sa paligid at medyo malayo na nga kami doon.

"Manong dito na lang po" binuksan ko na yung pinto ng van namin at ibinaba ang maleta ko.

Mabuti na lang at magaan tong maleta kung hindi mapapagod ako.

Nag simula na akong mag lakad pabalik doon sa University.

May sikreto akong daan para makapasok doon sa University.

Ako lang ang nakakaalam ng daan na yon. Nadiskubre ko siya nung minsang tumakas ako sa school noon.

Nang makarating ako sa sinasabi kong daan ay tumingin muna ako sa kaliwa't kanan at baka may maka kita sa akin.

"Clear" bulong kong sabi habang napapangiti para akong yung mga pulis na merong operation na ginagawa.

Nag simula na akong gumapang papasok habang nauuna kong itulak paloob ang maleta ko.

Ayun nasa loob na rin.

Hala bakit lumulutang ang maleta ko?

Wahhhhh may kapangyarihan na ba ako. Ano kayang gagawin ko dito sa kapangyarihan ko? Ahaaaa pwede kong paliparin sa ere si Master tapos hindi niya na kami gagambalain ng chocolates ko.

Napatingala na lang ako ng may marinig akong nag salita.

"You are really a rule breaker"  ayyyy basag trip, akala ko naman ay may kapangyarihan na ako.

"Wahhhhhh yung may ari ng Factory ng Chocolates"

Ibinaba niya ang maleta ko at saka ngumiti.

"You can't escape from the Master. Lets go to The Master's Office" umiling iling naman ako. Aba ano siya sineswerte? Pinagtataguan ko nga ang master tapos papadala ako sa kanya? Mabuti sana kung igagawa niya ako ng chocolate na kasinglaki the master office eh, pero mukhang imposible yun o baka pwede rin?

"I dont want. Please wag ngayon mamaya na lang." Sabay puppy eyes ko. Wahhhh sana tumalab.

"Hindi mo pa talaga ako kilala no?" Inis na tanong niya. Tiningnan ko siya ng anong tingin mo look.

"Hindi ka kasi nagpapakilala"

"Tss. O sige pag bibigyan kita pero kapag nagkita tayo at hindi mo pa rin ako kilala. I will bring you to the Master" nanlaki ang mata ko. Ano bang problema nito? Baka malaki nga ang problema ng isang to, pake ko ba sa pangalan niya? Aisshhh kung chocolate lang siya edi kilala ko na siya.

"O sige, but can i take a picture of you?" Nilabas ko ang cp ko at binuksan ito. Nakita ko ang 10 messages at 5 missed calls ngunit di ko muna ito pinansin.

"No!" Matigas niyang sabi.

"Ok" sabi kong ganun ngunit bago niya pa yun sabihin na kuhanan ko na siya ng picture.

Smart ata ako pati wala naman rules na nag sasabing bawal kumuha ng litrato.

Umalis na siya at iniwan ako. Itatanong ko kay Zia kung sino siya. Kilala siguro yan ni Zia, matalino yun ih pero matalino rin naman ako? Ohh totoo naman.

Kailangan kong malaman kung hindi dadalhin niya ako sa Master. Gusto ko pang mabuhay no. Gusto ko pang makakain ng madaming chocolates.

Hala nakalimutan ko pa lang itanong don kung nagawan niya ko ng chocolate na kasing laki ng The master's office.

The MASTER'S chocolate MONSTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora