Chapter 7: About The Master's Office

38 2 0
                                    

Kiyera's POV

Wahhhh gusto ko pang mabuhay! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang makakain ng maraming chocolates!

Kinuha ko sa bulsa ko ang salamin na ginagamit ko, nearsighted kasi ako.

Pagkakuha ko nito ay agad kong sinuot. Hindi niya na ako makikilala nito. Iisipin niya na maling tao ang hinigit niya hahaha kala niya ha smart kaya ako.

Bakit ako naging smart? Dahil yan sa pagkain ng chocolates!

Chocolates is heart heart and master is hate hate!

"Siya yun. Yung may litrato" napa tingin sila sa gawi ko at napa tingin sa taong nangangaladkad sa akin ngayon. Napatakip sila bigla sa bibig at parehas na tumungo kay Master. Pagkatapos ay nagsitakbuhan na sila.

Ohh diba takot sila kay Master.

Napatigil naman si Master sa paghigit sa akin ngunit mga ilang sandali lang ay naglakad na rin.

Sino kayang pinag-uusapan nila? Bakit nila ako tinuturo? Mga chismosa't chismoso.

Papunta na siguro kami sa The master office.

The Master Office isa sa pinakatatakutang lugar dito sa school namin.

Paano ko nasabing pinakatatakutan? Sabi ni Zia ih.

Flashback
Nandito ako ngayon sa kwarto at nanonood ng Korean movie.

Wahhhh ang ganda nito. Sabay kuha ko ng chocolate at kain nito. Napa tingin naman ako kay Zia na kanina pa paikot ikot sa room namin.

"Bakit di ka mapakali dyan?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng nakasalubong ang dalawang kilay niya. Ano na naman bang problema niya sa akin?

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Are you not afraid, Kiyera?" Tanong niya sa akin. Saan naman kaya ako matatakot?

"Ha saan?" Tanong ko na may halong pag tataka. Siguro kung mawawala na ang mga chocolates sa buong mundo baka doon ako matakot baka nga mamatay ako ih.

"Kay Master. Diba nga nadala ka na sa The Master Office kanina baka maulit ulit yon" sabi niya sa akin. Isinarado ko naman ang laptop ko.

"Ano bang meron sa The Master Office? Bakit sinasabi nilang isa Yun sa nakakatakot na lugar dito?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit sila natatakot dito? Kapag naman napapadaan ako doon ay tahimik at parang napaka aliwalas.

"Usap usapan dito sa campus ay wala na raw nakakalabas ng buhay doon, kung makalabas ka man ay may mabigat kang parusa na ipinataw. Maaring ang ipataw sayo ay dalawang taon ka di papansinin o kakausapin o pwede ding maging janitor o kung ano mang maisip mo na napakahirap na parusa. Sabi pa rin daw bago ka palabasin doon ay may gagawin sayo ang Master." Nakakatakot naman pala doon ih. Ngayon naiinitindihan ko na kung bakit sila takot pumunta o mapapunta sa The Master's Office. Kung natuloy kaya ang pag pasok ko doon ano kayang magiging parusa ko? Kung nakapasok kaya ako doon makalalabas pa ako? Ano nga kayang ginagawa ni Master.

"Master is so scary. Gwapo siya ngunit nakakatakot. Wala pa kahit isang nakakapanakit sa kanya maliban sa kalapit ko ngayon" nakakatakot talaga si Master kasi sabi nila ultimo na late lang sa klase o may bagsak kang subject ay mapapatawag ka sa office ngunit hindi sa office niya, sa office ng principal pang-apat na kinatatakutan.

Wala pang nakakasakit kay Master maliban sa akin. Sorry naman hindi ko kasi akalain na siya yun ih. Nawala rin kasi sa isip ko na siya lang ang kaisa isang estudyante na nag hohood dito at NEARSIGHTED po ako.

Nakita ko naman na malaki na agwat sa akin ni Zia.

"Dapat lumayo na ako sayo, Kiyera" ganyan ba talaga ang bff? Lalayuan ka. Sabagay baka nga naman madamay pa siya sa akin.

Eh kasi naman para sa chocolates yun kaya ko nagawa yon.

"Ako na lang lalayo sa iyo" sabi ko sa mababang tono.

Maya maya ay lumapit sa akin si Zia at hinimas himas ang ulo ko.

"Tss. Sa tingin mo gagawin ko sayo yun? You're my only bff at kahit na anong mangyari di kita iiwan" napa tingin ako sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang muka.

"Kailangan mong maging handa" kailangan talaga kasi kahit anong oras pwede kumatok si Master sa pintuan,  o kaya tambangan ako sa labas o paabangan ako sa classroom.

"Zia, uuwi muna ako sa bahay. Papalamig ako. May nagbanta rin kasi sa akin. Sabi niya the Master can kill me" nanlaki naman ang mata niya at halata ang takot.

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko ihh. Paano ka rin ba nakatakas doon. Diba ang kwento mo sa akin ay dinala ka sa The master office" tumango tango naman ako.

"Nalaglag ko kasi yung chocolates ko kaya binalikan ko, saktong walamg nagbabantay sa akin kaya ganon. At nakita ako nung nagbanta sa akin, at alam mo ba may ari pala yun ng factory ng ch--- pinigilan ako sa pag sasalita ni Zia.

"Heppp heppp heppp. Kung uuwi ka mag ready ka na.

End of flashback

Kaya alam ko na ang about sa The Master Office. Nakakakilabot at ngayon papunta ako doon. Sa pinakakinatatakutan mapuntahan ng mga estudyante.

Gusto ko pang mabuhay ih.

Si Master din ang kumakaladkad sa akin. Ang taong pinakatatakutan sa school.

Nakakatakot na tingin. Makita pa lang siya ng mga estudyante ay lumalayo na sa kanya.

Ayos lang yan, Kiyera naka disguise ka. Hindi na nga niya ako makikilala nito bwahahahaha. Pero ang sakit na ng ginagawa niyang pagkaladkad sa akin ahhh.

Akala niya ba tatakasan ko siya? Tss. Ako tatakasan ko siya? Wala pa akong natatakasan no.

"Master, pudpud na po ako ohh" tumigil naman siya at binitiwan ako dahilan para mapahiga ako sa lupa.

Tumayo ako at pinagpag ang sarili. Mga ilang minuto ay may isinuot siya sa akin na posas.

Ano ako kriminal at may posas?

Teka si Zeryx ba yun? Oo siya nga yun.

"ZERYX!" Sigaw ko. Napatingin ako kay Master na ngayon ay nanlilisik ang mata.

"Rule # 3 Dont call the SSG officers with their names.
Rule # 4 Dont take a picture of the SSG officers. Punishment to recieve: The Master will be the one who decide about it." Turan niya. Ano bang pinagsasabi niyang rule? SSG officer? Sino bang SSG officer ang tinawag ko sa pangalan?

Si Zeryx ba? Yang may ari ng Factory ng chocolates?

Sino ba talaga yang Zeryx na yan? Wahhhh kailangan ko munang intindihin kung anong mangyayari sa akin.

The master will kill me now.

(A/N: hmmmmm? Sino nga ba talaga si Zeryx. Ano nga kayang punishment ni Kiyera?)

Thank you for reading this story ^___^

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now