Chapter 10: SSG President

54 2 1
                                    

Kiyera's POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung tungkol saan ba talaga yung sulat na nakita ko sa higaan. Si Zia naman nag text na uuwi muna daw siya. Nakakapagtaka rin yung babaeng yun bakit di niya agad sinabi sa akin na uuwi pala siya. Baka nagkaroon ng emergency. 

Nandito ako sa ground ng University habang hawak hawak ang walis tingting at dustpan. iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng university ground.
"I am going to die right now." turan ko sa sarili ko. Napakalawak ng University ground namin at sobrang dumi nito.

Bakit ngayon pa sobrang dumi nito? Oo, kasi may janitor  noon dito para sa ground pero ngayon wala dahil ako muna ang maglilinis nito ng isang buwan. Dumukot ako sa bulsa ko ng chocolate at kinain ito para naman magkaroon ako ng energy, pagkatapos kumuha ng kapiraso ay isinuksok ko na ulit ito. Kinuha ko naman ngayong ang cellphone ko na may nakasaksak na headset. Inilagay ko sa magkabilang tenga ko ang headset.

NP: Through the Fire

Hinawakan ko ng mabuti ang hawak kong walis at itinapat ito sa bibig ko, hindi ko po ito kakainin no. Nilunok ko na rin ang laman ng bunganga ko. 

"ehem ehem. Mike test, mike test. Hmm pwede na"

"through the firerrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr

to the limit, to the wall, for a chance to be with you; I'd gladly risk it allllll." kailangan damahin ang kanta kaya naman nakapikit ako ngayon. Para lang magkaroon siya ng chance na makasama? Hindi kaya masunog siya noon.

"through the fire through whatever come what mayyy, for a chance at lovin' you I'd take it all the away, right down to theeee wireeee.. even through the fireeeeeee." nag mulat na ako ng mata. 

"m-master" hala anong ginagawa niya dito? nakita niya kaya akong kumakanta? patay na naman ako nito ihh. Tinanggal ko ang headset na nakalagay sa tenga ko.

"What do you think you're doing?" tanong niya sa akin. Bakit parang lumamig ang paligid? Dahil ito sa prisensya niya ih.

"ah. eh. Nag lilinis ako Master" nakita kong tumalikod siya at nagsimula na ulit mag lakad. Ano ka ba Kiyera. Buti na lang at naniwala siya. 

Isinaksak ko na ulit ang headset ko. Nagsimula na akong magwalis para naman matapos na ito.

Mga 2 hours ata ay tapos na ako. Napa upo ako sa damuhan at nagbuntong hininga. Tumingin ulit ako sa paligid.

"Malinis na rin sa wakas." Pagod na pagod na ako at uhaw na uhaw.

"You're tired. Here" napatingin ako sa taong nag salita. Kinuha ko sa kanya ang isang bote ng tubig, siguro kung chuckie to mapapatawad ko pa siya tss.

"thank you" pagpapasalamat ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. Ano bang gusto nito.

Binuksan ko ang tubig na binigay niya at ininom ito. Dito pa siya tatambay.

Kinuha ko na lang sa tabihan ko ang Book ng rules at binuklat ito. Nakita kong may mga pictures dito ng SSG officers. Bakit si Master wala? ahh baka camera shy.

Parang nakita ko na itong SSG President na ito? Hindi ko lang tanda kung saan. Pamilyar talaga mukha niya ih. Napalingon ako sa katabi ko na nakatingin sa malayo.

Tumingin ulit ako sa book ng rules at kay Zeryx at sa larawan ulit.

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko. Napalingon naman agad sa akin Zeryx na may pagtataka sa mukha.

"i-ikaw ang President ng SSG" nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Tumango tango naman siya bilang sagot. Tumayo ako at kumaripas ng takbo paalis doon. 

Bakit ba lahat ng nakakabangga ko ngayon ay makapangyarihan sa University na ito. 

Ngayon ay alam ko na kung bakit sinabi sa akin ni master ang rules about sa SSG officers. Hindi naman kasi nagpapakilala yung Zeryx na yun ih, kung alam ko lang na siya pala ang presidente ng SSG ay hindi ko siya matatawag sa pangalan niya, kaya rin siguro nung pinakita ko sa kapwa estudyate ko ang larawan niya ganoon sila ka oa mag react.

Napa sapo ako sa ulo ko.  Wahhhhhh nakakapagod na araw to. Kailangan ko pa rin mag report kay master. Ano namang irereport ko sa kanya?

Nagsimula na akong maglakad papunta sa The Masters office, bakit parang ang layo layo ngayon ng office ni master.

Wahhh gusto ko ng chocolate. Parang nagalaw ang paligid ko.

Ang daming chocolates sa paligid ko.

Bakit parang dumidilim?

ahhhhhhhhh.

*yawn yawn* napatingin ako sa paligid ko. Paano ako nakapunta dito? Ang alam ko ay naglalakad ako papunta sa master ni office. nandito na kasi ako sa kwarto ko. Nananaginip lang ba ako na papunta ako sa office ni Master?

Bumangon agad ako. Patay di na ako nakapagreport kay Master. Napatingin ako sa orasan,

"bakit 8:00 pa lang ng gabi?" akala ko ay umaga na? Ahh oo nga pala pupuntahan ko si Master sa office niya. 

Nag jacket ako at nag jogging pants. 

Baka kasi kapag di ako pumunta at makapag report sa kanya ay panibagong punisment na naman ih.

Natatanaw ko na ang office niya kaya naman tinakbo ko na ito.

"What are you doing here?" napalingon ako sa likuran ko at naaninag ko ang mukha ni Zeryx.

"magrereport lang ako" sagot ko. Kakatok na sana ako ng pinigilan niya ako.

"alam mo bang delikadong lumalabas ng gabi sa kwarto." ha delikado? keylan pa naging delikado? hala baka si Master ang sinasabihan niya na delikado. Master is a dangerous person ganon ba? 

"Ihahatid na kita. Ipagpabukas mo na lang ang pagrereport mo" tumango tango naman ako. Ano nga pa lang pakeelam ng lalaking to sa akin? ayyy oo nga pala siya ang SSG President kaya dapat ay sumunod ako sa kanya.

Nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng kwarto ko.

"Be aware of your surrounding. Sa tingin ko naman ay ayos ka lang" ha? Ano bang sinasabi niya? di ko siya maintindihan. Parang konektado rin sa sulat? Ano bang nangyayari?

Maghanda ka. Bakit ako maghahanda? para saan?

Magsisimula na. Ano bang magsisimula na?

Delikado. anong delikado?

Maging aware ako sa paligid ko. Bakit kailangan?

Ang daming nabubuong katanungan sa isipan ko ngayon.

May mangyayari bang masama? o may nangyayari ng masama? 

(A/N: Pasensya na at ngayon lang nakapag update. Enjoy This chapter :) Comment po kayo kung anong reaction ninyo sa chapter na ito. salamat) 

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now