Chapter 9: Letter

51 4 0
                                    

Kiyera's POV

Tumingin siya sa akin.
"Why are you wearing a thick eye glasses?" Kunot noong tanong niya.

"Do i have to answer your question?" Tanong ko.

"No" dugtong ko sa tanong ko. Tss. Siya ang may kasalanan, siguro sinuplong niya ako kay Master at siya SSG officer? Lokohin niya na iba wag lang ako.

Nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Nakakaasar talaga pagmumukha niya ih.

Nilagpasan ko na siya.

Dahil nga puno ng chocolates ang dalawa kong kamay plus mo pa yung book ng rules ng university na kasing kapal ng Encyclopedia pero chos lang sa kasing kapal ng encyclopedia.

Magdidiretso na lang muna ako sa room namin ni Zia tapos pupunta na lang ako sa classroom namin.

Napaka tahimik ng University. Kapag may klase talaga ang mga estudyante tahimik ngunit kapag wala, edi tahimik pa rin siguro meron onting ingay ngunit hindi kagaya ng ibang University.

Bakit nga ba ganito sa University namin? Edi dahil kay Master. Natatakot ang mga estudyante na maparusahan niya. Tss. Ako hindi ako natatakot sa Master na yan pero slight lang pala.

Mga ilang sandali lang ay nakarating na ako sa room. Inilapag ko muna ang mga hawak ko at hinawakan ang seradura at iniikot ito buti na lang at hindi ito naka lock. Siguro ay naiwan ko sa bahay ang susi ko, sa lahat pa ng malilimutan ko bakit ang susi ko pa.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay pinulot ko ulit ang mga chocolates at yung rules sa lapag.

Pumasok na ako dito, katulad ng inaasahan wala si Zia. May klase siya ih at ako maya maya pa.

Pumunta ako sa higaan ko at umupo inilagay ko rin sa tabihan ko ang mga hiningi kong chocolate mula kay Master at ang kanyang RULES!

Si Master ay isang kaaway.
His an enemy. Enemy of my precious chocolate. Itatapon ba naman niya itong mga chocolate na ito sabay tingin ko sa mga chocolates.

Hmmm magpapakasaya na naman ako kasama ang mga precious chocolate ko.

Naalala ko na may salamin pa nga pala akong suot kaya naman tinanggal ko na muna ito at inilagay sa case nito.

Tss. Buong akala ko hindi na ako makikilala ni Master sa pagsusuot ko ng salamin ko ngunit nagkamali ako.

Tumayo na ako sa pagkakaupo. Ilalagay ko ang mga chocolates na ito sa mini ref. Ko. Oo, mini refrigerator ibinili ako ni mama para doon ko daw ilalagay ang mga chocolates ko.

Naglagay naman ako ng ilang piraso sa bulsa ko.

Pumunta ako sa higaan ko at humiga. Nakatingin ako sa kisame ng room namin.

Bakit kaya may kisame? Sino kayang nakaimbento nito? Para saan nga ba ginagamit ang kisame?

"Aishhh. Ano naman bang pumapasok sa isip ko?" Wahhh. Kailangan ko pang sauluhin yung rules.

Kinuha ko sa tabihan ko ang book nung rules at tinitigan ito.

"Kailangan ba kitang sauluhin?" Oo, kailangan kitang sauluhin dahil ikaw ang unang punishment sa akin pero nagtataka talaga ako.

Bakit ang dami kong punishment? Ang alam ko kasi talaga isa lang nilabag kong rules. Nananadya lang siguro talaga si Master kasi masyado ko siyang pinahirapan, kung pinainan niya lang siguro ako ng chocolates baka ako pa ang naghanap sa kanya.

Tumagilid ako ng paakakahiga at nasulyapan ang wall clock sa loob ng room namin.

"Wahhhhhh malelate na ako sa sunod kong subject!"

Tumayo ako agad at lumabas ng room namin.

Bakit ang bilis naman. Matagal na ba akong nandito sa room.

Patakbo akong pumunta sa room.

Nakahinga ako ng maluwag ng nakitang wala pang teacher sa room namin. Hinugot ko sa bulsa ko ang cp ko at tiningnan kung anong oras na uii may 3 minutes pa. Naglakad na ako papasok sa room namin.

Mga ilang minuto nga lang ay dumating na ang guro namin sa Filipino.

*yawnnn* natapos na rin ang klase namin. Nakakaantok talaga kapag Filipino time na.

Tumayo na ako at lumakad palabas ng room. Siguro ay nandoon na sa room namin si Zia.

Tahimik pa rin ang University ahh. Sabagay baka sa room na lang nila nag sasaya.

Palinga linga ako dahil parang may nasunod sa akin ngunit wala naman. Siguro ay guni guni ko lang iyon. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa tapat ng room namin ni Zia.

Hinawakan ko na ang seradura at pinaikot ito. Bakit parang kinakabahan ako? Feeling ko may masamang mangyayari?

Sinilip ko muna ang loob ng room namin ni Zia.

Walang Zia? Asaan na kaya yon?

Pumasok na ako sa loob at may nakita akong isang nakatuping papel sa higaan ko.

"Ano kaya yun?" Tanong ko sa sarili ko. Si Zia kaya? Pero imposible kasi pwede naman niya akong itext.

Lumapit ako sa higaan ko at tinitigan ang nakatuping papel umupo ako sa tabi nito at pinagmasdan.

Kinuha ko ang nakatuping sulat at binuklat ito.

"Maghanda ka. Mag-uumpisa na." Basa ko sa sulat. Maghanda ako? Bakit? Ahhh baka sa fieldtrip? Eh Anong mag-uumpisa na? Ang weird nitong sulat na to ha.

Kinuyamos ko ang papel at saka tumayo para itapon sa trashcan.

Bumalik ako sa pagkaka-upo ko at inisip ang sulat. Sino nga kayang naglagay noon sa room? Baka si Zia meron din? Pumunta ako sa higaan ni Zia at tiningnan kung may sulat rin siyang natanggap.

Wala? Ahh baka nakuha na ni Zia. Itatanong ko na lang sa kanya.

Bumalik ako sa higaan ko at umupo.

"Maghanda ka. Mag-uumpisa na."

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now