Chapter 15: Who is she?

9 0 0
                                    

Kiyera POV

Nakaupo ako sa damuhan dito sa ground,  alam ninyo na nagpapahinga dahil kapagod kayang maglinis no. Napatingin ako sa chukie sa tabihan ko. Kinuha ko ito at tinignan ng mabuti.

"hala sino kayang nagbigay nito?" bulong na saad ko habang patuloy na nakatingin dito. Pwede ko kayang inumin to?  Hala e pano kung may lason pala ito edi tigok ako.

Tumayo ako at itinaas ko ang kamay ko at akmang ibabato to ng may humawak sa kamay ko.

"Don't you dare throw that, chocolate monster, " napatingala naman agad ako at nakita ko ang isang lalaking naka hood. Hala ba-bakit kaya siya nandito.

"Drink that" turan niya, pagkatapos ay binitiwan niya ang pagkakahawak sa akin. Napatingin ako sa kanya at napakamot sa ulo ko, hala di ko nga alam kung kanino nanggaling to tapos iinumin ko.

"pero Master di ko po alam kung kanino nanggaling to" turan ko.

Nakita ko naman siyang tumingin sa akin. Hala baka nagalit siya sa akin,  wahhhhh.

"the other day" napakununot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya at saka sa kinikilos niya, yung paa niya kasi isinisipa sipa niya ng mahina at lumingon pati siya sa ibang direksyon. Nanlaki naman ang mata ko't nanginit muli ang mukha ng maalala ang nangyari umiling iling ako upang mawala ang panginginit ng mukha ko, bat ko ba kasi dapat maalala yun.

"Thank you" turan niya, hala nag thank you sa akin ang Master ng University na ito?  Hala may mangyayari kayang masama?  Or may nakain kaya siyang kakaiba, pinigilan ko ang kamay ko dahil may balak na naman itong gawin ang ginawa nitong pagdampi ng palad sa noo niya noon at ayoko ng ulitin pa ito dahil baka mamatay na talaga ako sa mga tingin niya.

Flashback

Naglalakad ako dito sa hallway ng makita ko si Master na naglalakad sa may ground ng school. Nakita ko siyang may dala dalang mga papel, dumiretso na ako sa paglalakad pero may nasulyapan akong lalaking matalim na nakatingin sa kanya kaya naman agad akong tumakbo upang pumunta sa pwesto ni Master, at ng makalapit ako ay tinawag ko siya,  mabuti na lang at lumingon siya.

"ahhhhhhh" napasigaw ako dahil nadulas ang sapatos ko kakatakbo,  napatulala ako't namula ang aking mukha ng makita ko ang mukha ng taong ito na malapit na sa mukha ko, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, manipis na labi at makinis na mukha.

"sa-salamat" turan ko at saka umayos ng tayo, yung puso ko, yung puso ko ang lakas ng tibok nito? Pag sa chocolate na bagong labas lang to natibok ahhhhh. Hinawakan ko ito at saka tumingin kay Master ayyy letse.

Tumingin ako sa tinitingnan ni Master at nakita ko ang isang kutsilyo na nakatusok sa lupa, naalala ko naman yung lalaking ang sama makatingin kay Master.

"M-master, delikado buhay mo," turan ko habang nakatingin sa likod ni Master, lumingon siya sa akin at ngumiti. Nakukuha niya pang ngumiti gayong may panganib na sa buhay niya.

"I know" nakangiti niyang saad, pagkatapos ay yumuko siya at kinuha ang mga nagkalat na papel na ako rin ang may gawa,  tinulungan ko siya sa pagpulot at ng makatapos na kami ay ibinigay ko yun sa kanya.

"Chocolate Monster, you shouldn't run in the ground" haaaa bawal din ba yon? Eh kasi naman ih.

"eh kasi naman Master napatakbo lang naman ako kasi nag-aalala ako sa iyo baka kung anong mangyari," nakanguso kong saad. Nakita ko naman na tumungo siya tapos ay tumunghay ulit.

"I can protect myself so you don't have to worry about me... I'll protect you too" saad niya. Kaya niya naman palang protektahan sarili niya ih edi wala lang rin pala yung mala racer kong pag takbo kanina, nanlaki naman ang mata ko ng nag sink in sa isip ko ang sinabi niyang huli. I'll protect you too. 

The MASTER'S chocolate MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon