Chapter 5: His Name

60 2 4
                                    

Chapter 5: His Name

Kiyera's POV

Lalalalalala naglalakad na ako papuntang room namin.

Pupunta muna ako ng room para maiayos ko na ulit itong mga damit ko sa maleta. Hmmm masyado talaga akong naiintriga doon sa lalaking yun.

Bakit kaya gusto niya kilala ko siya? Sikat ba siya dito sa University?

Buti pa ang Chocolates hindi ako pinapahirapan, si Master at yung Mysterious guy na yun ang sakit sa ulo.

Nandito na ako sa harap ng pintuan ng room namin ni Zia. Paniguradong wala si Zia dito dahil may klase siya.

Hinawakan ko na ang seradura at pinihit ito pero nagulat ako dahil naka lock ito. Bakit naka lock? Yung susi? Kinapa kapa ko sa bulsa ko ang susi ngunit wala. Binuksan ko ang maleta ko at kinalkal ito ngunit wala talaga.

Paano na ito? Sinarado ko ang maleta ko at iniwan muna ito sa harapan ng pinto.

"Wala naman gagalaw sayo ih" ayy teka lang pala. Binuksan ko ulit ang maleta ko at kinuha ang pinaka importante dito.

CHOCOLATES

Binuksan ko ito at kumuha ng isang pirasong chocolate at kinain ito habang nag lalakad ako.

Ipag tatanong ko na rin pala kung sino yung Mysterious guy na yun.

Kailangan kapag nagpakita ulit siya sa akin ay kilala ko na kung sino siya dahil pag hindi ko pa siya kilala

Hello heaven, babye chocolates 😭. Hindi rin nagtagal ay nakakita ako ng babaeng naglalakad, lumapit ako dito upang makapag tanong na sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Ms. Pwede mag tanong?" Ngumiti naman siya habang natango tango. Ang bait naman niya, sana ay matulungan niya ako.

"Kilala mo ba ito?" Sabay pakita ko ng picture sa cellphone ko.

Nakita ko kung paano nag laho ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng panlalaki ng mata.

Tumakbo siya bigla na parang nakakita ng multo.

Anong problema non? Nag tatanong lang ako ih.

Natakot ba siya dito sa litrato?

Gwapo naman yun si Mysterious guy ahh? Tinitigan ko ng mabuti ang larawan ni Mysterious guy, magagandang mga mata, matangos na ilong, makinis na mukha, kaya nakakapagtaka talaga kung natakot siya sa itsura nito.

Nag lakad ulit ako at this time naka kita naman ako ng lalaki at babae.

Siguro mga kakatapos lang sa klase nitong mga ito kaya pwede na silang mag saya.

Lumapit ako dito at nag tanong ulit ako kung pwedeng mag tanong umoo naman sila.

"Who's this guy?" Takang tanong ko habang pinapakita ko ang litrato ni mysterious guy.

"S-si ---" tinakpan naman ng lalaki ang bibig ng babae kaya hindi na naituloy ang sasabihin niya.

Nahimatay bigla yung babae kaya binuhat naman ito ng lalaki.

Ang weird nila ha? Ano bang problema? Una tinakbuhan ako nung babae, pangalawa nautal yung babae habang nag sasalita with matching himatay pa ha.

Yung totoo? Sino ba talaga siya?

"Ziaaaa!" Tawag ko sa pangalan ng bestfriend ko. Humarap siya at inilagay ang daliri niya sa labi niya dahilan upang mapa takip ako sa bibig ko.

Patakbo akong pumunta sa kinaroroonan niya.

"Zia, may tanong ako sayo." Tumingin naman siya ng naka kunot ang noo.

"Ano yun?" Itinaas ko yung cp ko na ka level lang ng mga mata niya.

Tiningnan naman niya yung larawan at lumaki rin ang mata niya.

"Uiiii Zia, wag mo naman akong kaladkarin" kinakaladkad kasi ako ni Zia ih. Bakit kaya? Nakita niya lang yung larawan na yun naging ganto na siya.

Nakarating kami sa harap ng pintuan ng kwarto namin.

Hapong hapo kaming dalawa pero madaling kinuha ni Zia yung susi niya sa bulsa at madaling binuksan ang pintuan.

Hinila ko naman ang maleta ko papasok sa loob.

Ng makarating kami sa loob ng room namin, pumunta muli si Zia sa may pintuan at sumilip doon at nag lakad ulit palapit sa akin.

"Zia, ayos ka lang ba?" Tumingin siya sa akin ng nanlilisik ang mata.

Ano bang problema niya? Nakakatakot siya.

Kinuha niya ang cp niya sa bulsa niya at nag patugtog siya. Bakit kaya siya nagpatugtog?

"Kiyera, saan mo nakuha ang litrato na Yan ha?" Ayy oo nga pala di ko pa pala naitatanong sa kanya kung sino ito.

Kumuha ulit ako ng chocolate sa box at kinain ito. Siryoso pa ring naka tingin sa akin si Zia.

"Zia, kilala mo ba kung sino yun? Yung nasa litrato." Hinawakan naman niya ang magkabilang braso ko.

"Kiyera, are you serious with your question?! Who is that guy?!" Inis niyang tanong sakin. Tumango tango naman ako.

"Kiyera, mamamatay ka na, hindi mo pa alam!" Inis niya ulit na sambit. Bakit ba siya naiinis?

"E sino ba yan?" Nakangusong tanong ko sa kanya.

"Sino? Siya lang naman si Zeryx A. Cambelle"

Napa ngiti naman ako.

"Yess alam ko na rin!" Napa sapo naman sa ulo si Zia.

"Hindi mo nga talaga siya kilala" napahilamos si Zia sa mukha niya at napatingin sa akin na para bang hindi niya alam amg gagawin sa akin.

Tumingin naman ulit ako kay Zia at saka pailing iling na ngumiti.

"Oo, pero ngayon kilaka ko na siya. Siya si---"

"Hmmmmm hmmm" bat baga tinatakpan ninZia ang bunganga ko, sasabihin ko lang naman pangalan ni Mysterious guy ih.

"Wag kang maingay" tumango tango naman ako. Ano bang problema niya? Kanina pa siya unang una

Para siyang uod na di mapakali ng makita niya ang litrato

Pangalawa

Kung makapag react siya oa

Pangatlo

Mamamatay daw ako ng di ko alam.

Oh diba masyado siyang paranoid. Mukha naman simpleng tao lang yung Zeryx A. Cambelle na yun.

(A/N: hmmm sa tingin nyo bakit ang ooa ng napag tatanungan niya? Lalo na si Zia? Sino nga ba si Zeryx? Reaction about  this Chapter ^____^ thank you)

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now