Chapter 8: The Master Punishment

47 4 1
                                    

Kiyera's POV

Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng The Master's Office.

Napakalawak nito at napakaganda ng loob may nakita akong dalawang kutsilyo na naka display.

Kutsilyo? Ibig sabihin ba nito ay killer talaga si Master at maaari niya rin akong patayin kung gugustuhin niya.

Wahhhhh ayoko pang mamatay pero maganda rin ang pagkakadesenyo ng loob nito kahit na yung kutsilyo ang nakakapag pa creepy dito.

Si Zeryx naman ayun pagkatapos ko siyang tawagin inisnob ako.

Tss. Kung hindi lang siya may ari ng factory ng chocolate ay naibalibag ko na siya. Hindi ko rin maintindihan to si Master ih bakit niya sinabi yung rule rule na yun about sa SSG? Eh wala nga akong kilala na SSG. Nakakapagtaka naman.

Hindi kaya nababaliw na to si Master? Nako delikado ata ako baka kung anong gawin niya sa precious chocolate ko.

Napadako ang tingin ko sa lamesa niya.

Nanlaki at bumula ang bibig ko dahil sa nakita ko.

Ang daming chocolate sa table niya.

Nagbebenta na ba siya ngayon ng chocolate? O baka bigay sa kanya ng mga tagahanga niya?

Napatingin ako kay master na kasalukuyang nakatayo sa may table niya.

Nakita ko kung paano niya isa isang itinatapon ang mga chocolates sa table niya.

"Waggggggggg!" Sigaw ko at dali daling tinakbo ang chocolate na itatapon na sana niya. Hinablot ko ito at saka itinaas.

Maya maya pa ay nawala ito sa aking kamay at nakita ko itong naka dikit na sa dingding.

Paano siya dumikit? May lumipad kasing kutsilyo at tinuhog ito.

Tumingin ako sa taong nagpalipad ng kutsilyo,  tiningnan  ko siya na may panlilisik ang mata.

Anong karapatan niya? Anong karapatan niya para gawin ito sa inosenteng chocolate? Ang chocolate na pinakamamahal ko.

Nakita ko ang pagyuko ng taong nagpalipad ng kutsilyo.

Napatingin ako kay master na kasalukuyang nanlilisik din ang mata na nakatingin sa akin.

Nakakatakot ang mga mata niya pero kasi nakakainis siya. Siya ang nag utos na gawin yon.

"Ms. Chocolate Monster, how dare you to do that!" Sabay hampas niya ng dalawang kamay niya sa table.

Nakakarindi parang nabasag ata ang eardrums ko dahil sa lakas ng pagkakahampas niya. How dare me to do that? How dare him to throw those precious chocolates into the trashcan.

"Do you want to die?" Hindi ito tanong kung hindi pagbabanta na dapat ay hindi na ako umulit.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya at nagcross arm saka nag pout.

"Sorry po, Master." Naka simangot kong paghingi ng tawad.

"The punishments that you will receive are"

"Punishments? Are? Madami ibig sabihin" bakit ang dami ng Punishments na igagawad niya sa akin? Napaka lupit mo Master.

"Yes, why? Because you" sabay turo niya sa akin. Ano ako? Kagatin ko yang hintuturo niya ih.

"Are a rule breaker. Madami kang nilabag na mga rules at hindi ko mapapalagpas iyon" madami? Teka teka ang rule lang na nalabag ko ay ang masampal ko siya at masipa ahh. Ano pa kayang mga rules ang sinasabi niya na nilabag ko?

"Ha isa pa lang ang nilabag ko ahh" pagrereklamo ko. Napatingin ako sa kamay niya na nagpapaikot ng kutsilyo. Saan nanggaling yung kutsilyo na yun? Kanina naman wala siyang hawak ahhh.

Wahhhh nakakatakot. Ayoko na po.

"So you didn't know the rules that you broke" tumango tango ako. Nakita kong tumigil sa pag ikot ang kutsilyo na hawak niya.

Nako po baka patayin niya na ako.

"Aray!"  Sigaw ko. Ang sakit ha, binato niya lang naman ako ng libro.

"Read that" cold niyang sabi. Tiningnan ko ang libro at nakita kong ito ay Rules ng University namin.

"Memorize the rules, that is your first punishmet. Second clean the ground of the University for 1 month. Third you have to be the highest in your classroom" halos malaglag ang panga ko dahil sa mga punishments na ginawad niya sa akin.

Gusto niya na ba akong patayin? Sasauluhin ko ang lahat ng rules? Ang kapal kapal nito. Mag lilinis din ako ng ground ng University. Hello napakalaki ng ground ng University na ito no at 1 month pa. Hindi na naman ako mahihirapan sa pangatlo dahil medyo kaya ko pa naman yun dahil top 3 na ako pero dahil sa mga pinapagawa niya sa akin sa tingin niya ba makaka focus pa ako sa pag -aaral ko.

"And lastly you have to report to me everyday." Putakteng yan. Oo alam kong siya ang Master ng University na ito, pero pwede ba kahit isa sampalin ko ulit siya.

Tumango tango na lang ako. May magagawa pa ba ako? Wala dahil siya ang master sa school na ito. Siya ang nasusunod dito at isa pa I WANT TO LIVE!

"Now get out of my office" cold niyang sabi. Napatingin ako sa chocolate na nakatuhog sa dingding at sa natitirang chocolate sa table niya.

"Ahhmm Master, pwede bang akin na lang yang mga chocolates kung di mo kakainin" tumingin naman siya sa akin at halos lahat ng balahibo ko sa buong katawan ay nagsitaasan.

"You're really a Chocolate Monster" mukhang pumayag na siya kaya naman patakbo akong pumunta sa dingding at kinuha ang chocolate pati yung nasa table niya ay kinuha ko.

Nakuha ko na ang lahat ng chocolate kaya naman tumingin ako sa kanya ng diretso at saka ngumiti.

"Thank you, Master" sabay tumalikod na ako at tumakbo palabas. Napakunot ako ng noo, mali lang ba ako ng nakita o nakita ko siyang ngumiti? Lumigon ulit ako pero sarado na ang pinto ng office niya. Ayyy oo nga pala mali lang talaga siguro ako ng tingin dahil he's a cold person as in.

"Zeryx" nakita ko siyang naka sandal sa dingding.

"Hindi mo siguro gugustuhin na marinig ka ulit ni Master na tinatawag lang sa pangalan ang isang SSG officer" turan niya habang nakatingin sa malayo.

Siya ba ang tinutukoy niyang SSG officer. Kung SSG officer nga siya anong katungkulan niya? At totoo nga kayang pumapatay si Master ng mga nalabag sa rules ng University? Hindi naman siguro diba?

"Psst" sitsit ko sa kanya, kaya naman napatingin siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"Nakita mo na bang ngumiti ang Master?" Tanong ko naman sa kanya baka kasi malay ninyo hindi lang ako namalikmata kanina.

"No" matigas at mabilis niyang sagot sa akin.

"And if his going to smile I think may masama siyang balak" sabay ngiti niya. Nanindig lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi niya. Wahhhhhhhhhh!

" ha ha ha sabi na at mali nga ako." Wahhhh mali ako di nga siya ngumiti!

Maloloka na ako dahil sa University na ito pero buti na lang may chocolates na ako yiehhhh. My precious chocolate.

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now