Chapter 11: White cat/Secret Building

50 1 0
                                    

Kiyera's POV

"Whooooo" sigaw ko habang naunat. Natapos din ang paglilinis ko. Pangalawang araw ko pa lang nag lilinis sa lintik na ground ng University na ito pero feeling ko 4 na araw na.

Gusto ko tuloy uminom ng chuckie.

"CHUCKIE!" Sigaw ko. Malay ninyo may mabuting loob na magbigay sa akin ng chuckie.

Ngayon na rin ako mag rereport kay Master. Hindi nga kasi ako nakapag report kahapon at sabi ni Zeryx delikado daw. Delikado nasa University kami ih.

Kinuha ko na lang ang rule book sa tabihan ko.

Wahhhhh iiyak na talaga ako. Napaka kapal ng libro na ito.

Kainis naman ih sasauluhin pa talaga to lahat.

Bago ko buklatin ang kasing kapal ng encyclopedia ay kumuha muna ako ng isang piraso na chocolate sa bulsa ko.

Nagana raw kasi ng mabuti ang utak kapag sinasabayan ng pagkain ng chocolate.

Binuklat ko na ang libro na naglalaman ng mga rules ng University na ito.

Rule #1
RESPECT the MASTER. Dont you dare hurt him.

Hala kailangan pa bang naka capslock yung Respect. Ginagalang ko kaya ang Master ang kaso nga lang kasi nakalimutan ko noong iniwagaywag na ni Zia ang isang kahon na chocolates at ayun nga dahil siya ang unang dumaan sa hallway ay sinampal ko siya ng lagitek, sa tingin ko nga ay bumakat pa ang kamay ko sa pisnge niya ih, at isa pa nasipa ko siya. Ikaw kaya no nasaktan mo ang Master ng University ay hindi ka matatakot? Aba hindi naman ako matapang no para harapin siya at siya rin ang may kasalanan ih kung meron lang nakalagay sa hood niya na I AM THE MASTER ay hindi ko magagawa yun sa kanya, hindi ko kasi agad siya nakilala ih. Kaya siguro pinapahirapan niya ako ng ganito ih. Siguro siya nag gawa ng rule na yun tss. Wahhhhhhhhhhhhhh! Kaloka.

Rule # 2

Babasahin ko pa lang sana ang rule #2 na naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

Sinong mag tetext sa akin?

Isinarado ko at pinatong muna ulit sa tabihan ko ang libro at kinuha ko ang cp ko.

To: Zia
Babalik na ulit ako diyan :).

Wahhhh babalik na ulit sa University ang bestfriend ko.

Napatayo ko at nag tatalon.

"Yeheyyyy may makakasama na ulit ako sa kwarto" nag iikot pa ako at nagpakendeng kendeng.

Wala na naman tao dahil kanina pa nag awasan ang mga estudayante.

"Meowwww meoww" napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko tunog na yun.

Ringtone ba yun. Maya maya ay may kumukuskos na sa binti ko.
Napatingin ako sa baba.

"Luhhhh may pusa pala dito sa University" nginitian ko ito at umupo ulit sa damo.

Hinimas himas ko siya.

"Chocolate? Gusto mo?" Walang natanggi sa chocolate no. Maya maya ay lumakad ito. Nakatingin lang ako sa kanya. Nakita ko siyang natingin sa akin.

"Gusto mo bang sundan kita?" Tanong ko dito. Naiintindihan niya kaya ako.

Naglakad ulit ito at tumingin ulit. Umupo ito, siguro ay hinihintay na tumayo ako at sundan siya.

Tumayo na ako. Susundan ko siya. Wala naman sigurong masama diba?

Sinusundan ko lang siya. Saan na ba kami papunta? Dumukot ulit ako sa bulsa ko.

Hmm. Chocolate.

Saan na ba kami papunta? Inikot ko ang paningin ko sa dinadaanan namin.

Hindi na familiar tong lugar na to ah.

Bahagi pa rin naman to ng University namin.

Nasaan na kaya kami ng pusang puti na ito?

Saan niya kaya ako dadalhin?
Ahhh baka tambayan. Whoooo yiehhhh may bago na ulit kaming tatambayan ni Zia.

Napatigil na lang ako ng tumigil ang puting pusa, umupo siya habang nakatunghay sa harapan niya.

Tiningnan ko kung anong tinitingnan niya.

Napatitig ako dito.

Anong lugar ito? Para saan ang gusaling ito?

Malaki siya pero mas malaki pa rin ang office ni Master.

Saan kaya ginagamit ang gusali na ito.

Gusto kong pumasok sa loob. Gusto kong malaman kung anong meron sa loob.

Meron rin kasing usap usapan na may nakatago raw dito sa loob ng University.

Napatingin ako sa puting pusa.

Bakit mo ako dinala rito? May nais ka bang ipaalam sa akin.

Humakbang ako papunta doon sa gusali.

Pahakbang na sana ako papasok sa loob ng gusali ng may maramdaman akong humila sa braso ko at kinaladkad ako.

Sino ba tong hudas barabas na kumakaladkad sa akin. Wahhhhh nasasaktan na ako ha. Pag ako nakawala dito ay kokonyatan ko tong taon to.

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko at pumipiglas piglas.

"Quiet or else I will " hindi niya na itinuloy ng taong humihila sa akin ang sinasabi niya. Nanindig lahat ng balahibo ko sa boses pa lang niya.

Anong ginagawa niya dito? Teka alaga niya kaya yung pusang puti at inutusan niya yung puting pusa na papuntahin ako dito para mapatay ako.

"Wahhhhh please! Ayoko pa pong mamatay Master" hiyaw ko. Hindi ko pa nga nauubos ang mga chocolate ko sa mini ref. Ko tapos papatayin ako agad.

May nagawa na naman ba akong kasalanan?

"If you want to live, then please be quiet" turan niya pa. Gusto ko pa ngang mabuhay pero sa ginagawa niyang pagkaladkad sa akin ay malamang sa alamang mapupudpod naman ako.

Bakit ba kasi di niya na lang ako hayaan mag lakad ih.

Alam ko naman na tumakas ako dati pero past is past na yun. Aba move on naman Master.

Maya maya ay tumigil na siya at humarap sa akin.

"Do you want to be dead huh? Just tell me and I will kill you immediately" turan niya habang nakatingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil parang iba yung mata na nakikita ko sa kanya.

Iba ang sinasabi ng mata niya? Nakita kong ibinaba niya ang hood niya hangang sa matakpan ang mata niya. Ayaw niya bang makita ko ito. Iba ang sinasabi ng mata niya, sa sinasabi ng kanyang bibig.

"That place is dangerous. Dont go to that place again" pagkatapos niyang sabihin yon ay iniwan niya akong mag-isa dito.

A dangerous place? So what is he doing there? What kind of place is that?

Teka lang nag aalala ba ang Master sa isang katulad ko? Lahhh huy malabo yun.

Puso stop your budi budi budap dup. Ok.

Ano bang klaseng tao si Master? Sino nga ba talaga siya? Walang nakakakilala kung sino ang totoong Master, pati ang ngalan niya ay unknown.
My curiosity will kill me. I want to know him more and I want to find out what is the purpose of that buiding.

Napatingin naman ako sa paligid. Teka saan bang lugar ako kinaladkad ni Master.

A:N: sorry sa sobrang tagal ng update. Hope you like this Chapter.

Comment and vote. Thank you for reading this story.


The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now