Chapter 14: Dream

7 1 0
                                    


Kiyera's POV

Napabalikwas ako ng may sumampal sampal sa pisngi ko.

"Z-zia"

"ok ka na ba? "napa kusot ako sa mata ko kasi baka nililinlang lang ako nito,  pero hindi,  nakatingin siya sa akin habang ang mukha niya'y hindi maipinta. Pero paanong ok lang siya?

"Zia! " napasigaw ako't agad na lumapit sa kanya saka ako yumapos sa kanya, naramdaman ko naman na may mainit na likido na lumalandas sa pisngi ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat at hinarap sa kanya.

"ano bang nangyayari sa iyo,  Kiyera? " tanong sa akin ni Zia, ramdam ko ang pag aalala niya. Pinaupo niya muna ako at tumabi rin siya sa akin,  ramdam ko na nakatingin siya sa akin kaya naman tumingin rin ako sa kanya.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha at kahit anong bakas ng pasa ay wala kang makikita rito,  iniikot ko ang mata ko sa kabuuan ng kwarto namin at hindi rin ito magulo tulad ng naaalala ko.

"Kiyera? Ano bang nangyayari? " ulit niya sa tanong niya. Nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala, siguro ay dahil nga rin sa inasal ko ngayon.

"nakita rin kita kagabi na nakabulagta sa labas" napakunot ang noo ko ng maalala ko kagabi na may naamoy akong mabango na amoy tapos ayun wala na akong maalala. Agad naman akong napahawak sa ulo ko

"ouch" sigaw ko. Ang sakit ng parte na yon ng ulo ko. Ayon siguro yung tumama sa sahig ng natumba ako,  buti na lang di ako namatay. Napatingin ako kay Zia ng tumawa siya habang nakatingin sa akin. Niyakap ko ulit siya.

"Masyado ngang naalog ang utak mo," saad niya habang ramdam ko ang pag iling iling niya, bumitiw na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

 Ano ang ibig sabihin ng panaginip na yon? Bakit nagkaroon ako ng ganong klaseng panaginip,  makakatotohanang panaginip, arghhhhh nasakit lalo ang isip ko pero salamat din at hindi nangyari ang lahat ng iyon. Napalingon kami ni Zia ng meroong kumatok sa pintuan. Sino naman kakatok ngayon.

"Zia?! "nanlalaki ang mata ko habang tinawag ko ang pangalan niya, napakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin,  siguro'y naguguluhan siya kung bakit ko tinawag ang kanyang pangalan ng ganun kalakas.

"M-may pasok tayo diba? " humarap naman siya sa akin at tumango tango. Napatingin ako sa orasan at napasampal sa noo ko, hala anong oras na late na late na ako. Napatingin na naman kami sa pintuan ng may kumatok na naman. Lumapit na si Zia at dahan dahang binuksan ang pinto. Wahhhhhhhhhhh you're a dead meat Kiyera. Bakit kasi hindi ako ginising ni Zia. Nanlaki nag mata ko habang nakatingin sa taong nakatayo sa may pintuan.

"M-master," utal kong turan habang nakatitig sa kanya. Ang kanyang mga mata'y katulad na ng dati, ang mga labi niyang nakatikom ay nagbibigay sa akin ng kaba na di ko mawari,  ang tibok ng puso ko'y pabilis ng pabilis. Marahan akong umiling iling dahil sa aking nararamdaman. Nagiging makata ata ako ng dahil kay Master.

"If you are done, go to my office," sambit niya saka umalis na. Holly maggot, sabi na nga ba at dead meat ka Kiyera ih. Nagmadali kong kinuha ang gagamitin ko't pumasok na sa loob ng banyo.

"Ahhhhhhhhhhh" inis na sigaw ko. Kung bakit ba naman kasi ako nagkaka ganito ihhhhh. Mas ok siguro  si Master kung lagi niyang ipapakita sa akin yung ngiti niya kasi napaka winner non. Arrrrghhhhhhh bakit ko na naman ba naiisip yung ngiti ni Master?  Ehhh kasi naman sobrang gandang view non ih.

Nang makatapos akong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko. Lumabas ako sa banyo at naabutan ko si Zia na nakaupo habang may tinitipa tipa sa kanyang cellphone,  siguro ay naglalaro na naman.

"Zia, aalis na ako ha, " pagpapaalam ko sa kanya pero bumalik ulit ako't niyakap siya ng mahigpit. Sana wag na akong managinip ng ganoong kasama. Inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya at saka lumabas ng pinto.

"Isarado mong maigi ang pinto ha," turan ko saka tuluyan ng umalis. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon pero si Master ata ay hindi maganda ang gising. Napasapo na lang ako sa ulo ko,  kung bakit ba naman kasi ako lumabas kagabi,  kung hindi sana ako lumabas edi sana di ako male late, pero kung hindi ako lumabas ay hindi ko makikita ang kagandahan ng Paradise Garden at saka yung maaliwalas na muka at napakagandang ngiti ni Master. Hayyyyy si Master na naman nasa isip ko. Natatanaw ko na ang office ni Master at habang palapit ako ng palapit dito ay palakas ng palakas din ang tibok ng puso ko.

Nang nasa harap na ako ng office ni Master ay kumatok muna ako sa pinto nito bago pumasok. Nakita ko siyang nakaupo habang may binabasa.

"Are you alright? " out of the blue na tanong sa akin ni Master.  Ako ba tinatanong ni Master, tumingin ako sa kaliwa't kanan pati sa likod ko pero ako lang ang tao, ibig sabihin ay ako nga ang kanyang tinatanong. Bakit naman niya ako tatanungin non?  Napakamot muna ako sa ulo ko bago sumagot.

"Yes,  Master, " naka kunot noong sagot ko sa kanya. Tumahimik na naman sa loob ng office ni Master. Ano pa bang gagawin ko dito?  Busyng busy pa rin sa pagbabasa si Master ni tapunan ako ng tingin ay di niya magawa.

"You may go out, " saad niya. Haaaaaaaa?  Yun na yon?  Pwede na akong umalis?  Akala ko ay mapapagalitan niya ako dahil sa late na akong papasok pero hindi. Ang buong akala ko pa nga'y eto na ang katapusan ko pero mali ako. Napatakip na lang ako sa bunganga ko. Hala baka may sakit si Master?  Mabilis akong pumunta sa may table niya at mabilis kong idinampi ang palad ko sa noo niya. Napahinga naman ako ng maluwag ng wala manlang kainit init dito,  tinanggal ko na ang pagkakadampi ng palad ko at nagtama ang tingin namin ni Master. Halaaaaaaa halaaaaa eto na nga ata ang magiging katapusan ko, yung tingin niyang mangangain ng tao. Napaatras ako't napa peace sign,  saka patakbong lumabas ng office ni Master baka kasi mag paikot na naman siya ng kutsilyo sa kanay niya ehh baka sa ulo ko na tumama yon dahil sa ginawa ko. Tahimik na akong naglalakad sa hallway ng University namin papunta sa room ko ngayon. Napangiti ako ng napadako ang mga mata ko sa kanang bahagi ko, nakita ko ang Paradise Garden, napakaganda ng mga bulaklak dito, kung dati ay hindi ko ito naa appreciate ngayon ay iba na ng dahil sa kanya, ipinakita niya sa akin ang ganda nito.  Nagpatuloy na ulit akong maglakad at ng natanaw ko na ang aking silid aralan ay patakbo akong pumunta doon,  nakita ko na ang gurong nagsisimula ng mag turo kaya naman bumati ako at umupo na sa bakanteng upuan. Nakita ko ang mga kaklase kong nag tinginan sa akin siguro'y nagtataka kung bakit ngayon lang ako.

"Ms. Elizalde," tawag sa akin ng aming maestra kaya naman agad akong tumayo. Mataray siyang nakatingin sa akin habang nakahawak sa kanyang salamin. Nakita niya siguro akong nakatingin lang sa labas at hindi siya pinagtutuunan ng pansin kaya ako ang binigyan niya ngayon ng pansin, sa totoo lang kahit naman nakatingin ako sa labas ay nakikinig pa rin naman ako, pero bago pa man makapagtanong si Ma'am may kumatok sa pintuan namin kaya naman napatingin kaming lahat don. Bakit kaya nandito siya?  Siya pa talaga ang pumunta dito, bakit hindi  na lang niya ini utos?

Third Person POV

Isang lalaki ang nakangiting nagmamasid sa babaeng nasa loob ngayon ng silid aralan.

"kung bakit ba naman kasi dumating pa si Master, " inis na turan nito habang inis na napasabunot sa kanyang buhok. Napakuyom din ang kanyang kamay, dahil sana ay hawak niya na ang babae pero dahil kay Master ay hindi niya naituloy ang balak niya, pero agad din ulit na napangiti ito ng maisip na marami pa namang pagkakataon,  pagkakataon na makuha ang babaeng walang kaalam alam na nasa loob ngayon ng silid aralan niya.

'may oras ka rin sa akin Kiyera Salvador Elizalde'  nakangiting turan nito at lumakad na papaalis.

(A/N: salamat sa pagbabasa hahhaaha. Sana mabasa ko rin yung mga reaction ninyo about sa chapter na ito. Alam kong sabaw yung update ko pero pwede ninyo naman higupin yan hahahaha. Yun lang,  babushhhhh)

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now