Chapter 13: The Masters'name

13 1 0
                                    

Kiyera's POV

"para talagang may nasunod sa akin, Zia" turan kong saad habang palinga linga, tinawanan lang ako ni Zia habang tinatap niya ang balikat ko. Nagpapatawa ba ako't tumatawa siya? Nandito kami ngayon sa loob ng dorm at kinekwento ko nga kay Zia yung nararamdaman ko pero eto't tinawanan niya nga lang ako.

"it's just your imagination," turan sa akin ni Zia. Kumunot naman ang noo ko,  imagination ko nga lang ba yun?  Pero halos limang araw ko ng nararamdaman ito, nag simula to nung huli naming pag-uusap ni Zeryx.

"Sana nga, " turan ko na lang.

"Kiyera saan ka pupunta?"

Tumayo ako't iniwan ko siya sa loob ng dorm namin, paglabas ko pa lang ay humampas sa buong katawan ko ang lamig ng hangin,  gabing gabi na rin kasi kaya ganto kalamig, naglalakad ako ng maramdaman ko na naman yung pakiramdam na may sumusunod,  ngayon ko lang naisip na napaka tungaw ko dahil naglakad pa rin ako ngayong gabi kahit na alam kong may nasunod sa akin, lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakitang tao don. Napa paranoid  na ata ako ahhhh.

"Ahhhhhh" sigaw ko habang may nakahawak sa braso ko.

"You don't need to yell you,  chocolate monster" napakunot naman ang noo ko dahil sa boses na yun. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang lalaking naka hood.

"M-master" nginig kong turan habang nakatingin sa kanya. Binitiwan niya ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Why are you here?" turan niyang tanong.

"You students are not allowed to go out when it's 12 midnight,"dugtong niya pa ulit habang nakatitig siya sa akin.  Luhhhhhh katakot ang eyes ha.

"nagpapahangin lang po ako, Master" turan kong saad habang nakatingin lang sa kanya. Nakaka curious talaga yung pag hohood niya. Bakit ba lagi siyang naka hood? Ahhh siguro para di siya mahamugan?  Luhhhh ano bata lang?

"follow me" napakunot naman ang noo ko ng marinig ko yung sinabi niya. Dyusme mamamatay na ba ako.

"ahhhh ok na pala ako, master,  balik na ulit ako sa kwarto ko" nakangiting turan ko habang hindi pinapakita ang pangangatal ng kamay ko.

"You heard me right?"

"y-yes" wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang sa kanya. Saan ba kami pupunta?  Baka may execution room dito sa loob ng school.  Wahhhh ayaw ko pa pong mamatay,  ayaw ko pa pong iwan ang mga precious chocolate ko,  mama, papa, sorry po kung mawawalan po kayo ng anak na mabait este makulit pala.

"we're here" turan niya habang nakatingin sa akin. Nakita ko siyang umupo sa ilalim ng isang puno habang nakatingin sa malayo.

Paradise garden? Bakit kami nandito? Bakit niya ako dinala dito? Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng Paradise Garden at nanlaki ang mata ko dahil sa mangha.

"Wow, " turan ko sa mababang boses, ang kaninang nakasimangot na mukha ko'y napalitan ng ngiti na abot na ata hanggang tenga.

Napakaganda ng paradise garden dahil sa mga bulaklak na parang nagkikintaban dahil sa mga alitaptap na nakapalibot dito. Kaya pala tinawag tong Paradise Garden,  hindi lang siya sa umaga maganda mgunit sa gabi rin.  Ang sarap tingnan,  inikot ikot ko pa ang paningin ko habang tuwang tuwa, napahinto ang aking mga mata sa taong nagdala sa akin dito, nanlaki ang mata ko't lalo akong nahiwagaan sa taong to.

Isang magandang ngiti at maaliwalas na mukha ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabihan niya. Ang sarap niyang pagmasdan lalo na at ang laki ng ngiti sa kanyang mga labi, napasulyap siya sa akin at napakunot ang noo.

The MASTER'S chocolate MONSTERWhere stories live. Discover now