Chapter 1: I don't give a damn

75.3K 1.5K 360
                                    

Chapter 1

Biglang nawala ang pagod ko galing sa trabaho ng salubungin ako ng mahigpit na yakap ng anak ko na nasa 3 taong gulang na. Mahirap ang buhay pero kakayanin ko para sa anak ko dahil siya ang anghel ng buhay ko at lahat gagawin ko para sa kanya.

"I missed you Mommy" nakangiti niyang wika at napangiti nalang ako ng pinugpog niya ako ng halik sa mukha.

"I missed you too baby" sabi ko at hinalikan ko rin siya sa pisngi at matapos nun niyakap ko siya.

Matapos nun nagluto na ako ng kakainin namin at kumain na kaming dalawa dahil pareho na kaming nakakaramdam ng gutom.

Dati naman hindi ako marunong magluto pero ngayon marunong na ako dahil nagtatrabaho ako sa isang restaurant bilang waitress at minsan ako ang nagluluto.

"Babe"

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya at naramdaman ko nalang na niyakap niya ako sa likod habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin.

"Yes?" tanong ko habang inaanlawan ko na 'yung mga plato na ginamit namin.

"I love you" bulong niya at bigla nalang niya akong hinalikan sa pisngi.

Humarap ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tumingkayad ako para halikan siya sa magkabilang pisngi pagkatapos nun ginulo ko naman ang buhok niya.

"I love you too Alizear" nakangiti kong wika at niyakap ko siya habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Masaya ako dahil may tao pang tumanggap sa akin sa kabila ng pagiging isa akong batang ina. Maraming tutol dahil nga may anak na daw ako pero pinagpatuloy parin namin ang relasyon namin kahit na ayaw sa akin ng pamilya niya.

Minahal ko siya ng sobra dahil tinurin na niyang tunay na anak ang anak ko na si Louisse Fate.

Siya ang kasama ko sa hospital noong araw na sinilang ko ang anghel ko. Sa ngayon sa condo muna niya kami nanatili dahil wala pa akong sapat na ipon para magpagawa ng sariling bahay at ayaw ko naman umupa dahil magagastusan lang ako ng malaki.

Hindi na ako 'yung dating Madison na ubod ng maldita dahil nagbago na ako. Nagbago na ako simula ng dumating ang isang anghel sa buhay ko.

Thank you Luke dahil ibinigay mo ang isang anghel na tulad niya sa buhay ko..

"Hey" sabi niya kaya nabalik ako sa realidad ng bigla siyang natawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"How's your work?" tanong niya at umupo siya sa sofa habang ako naman ay umupo sa harapan niyang sofa at sinandal ko ang likod ko sa likod ng sofa dahil sa pagod.

"Masaya pero nakakagod." sabi ko at iminulat ko ang mata ko at tumitig sa kisame.

"Bibigyan kita ng pera para huwag kana lang magtrabaho." seryoso niyang sabi pero umiling lang ako.

Hindi ko siya ginagamit para lang makaahon kami sa hirap. Maging ang perang gusto niyang ibigay sa akin hindi ko tinatanggap dahil sapat ng tulong ang pagtira namin ng anak ko dito sa condo niya.

"Hindi ba't napag-usapan na natin ang bagay na 'yan?! I don't need your money dahil kaya kong kumita ng pera sa sarili ko kahit na magkanda kuba na ako sa pagta-trabaho hindi ko tatanggapin ang pera mo. Hindi ako nakipag-relasyon sa'yo para lang perahan kita. Sapat na sa akin ang pagpapatira mo sa amin dito sa condo kasama ng anak ko." wika ko at tumayo na ako galing sa pagkakaupo ng at nagsimula ng maglakad ng maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"I'm sorry." bulong niya.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at hinarap ko siya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung gaano ko kamahal ang lalakeng nasa harap ko ngayon.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon