Chapter 6: Hospital

28.7K 872 198
                                    

Chapter 6

"Daddy totoo po bang lahat ng babae sa buong mundo may makikilalang Prince Charming?" rinig kong tanong ng isang batang babae habang ako ay nanatili paring nakapikit ang aking mga mata.

"Yes baby, someday you will be able to meet your Prince Charming. But promise me that no one can change me in your life. Right baby? Promise me!" rinig kong boses ng isang lalake at halata sa boses niya ang pag-aalala na baka palitan siya ng ganun ganun nalang.

I wanted to smile like an idiot. Kahit sobrang nasaktan na ako sa kanya ng sobra alam ko sa loob ko na humahanga parin ako sa kanya. Don't get me wrong guys, hindi kona siya mahal dahil ang mahal ko lang ay si Alizear.. ang boyfriend ko.

"Syempre naman po Daddy, ikaw at ikaw lang ang lalaking mamahalin ko." rinig kong boses ng isang batang babae.

"Xander" rinig kong boses ni Avery. Kahit sa boses niya talagang maiinlove ka kasi sobrang lambing.

Nanatili parin akong nakapikit habang pinapakinggan sila. I wanted to cry kasi gusto kong maranasan ang buong pamilya. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng taong kumupkop noon sa akin. I love them so much! Siguro masaya sila dahil nawala na ang basura sa pamamahay nila.

Ayaw kong maranasan ng anak ko ang nangyari sa akin noon. Iniisip ko palang na iiwanan ko siya parang malalagutan na ako ng hininga. Kahit na isang pagkakamali ang nangyari sa amin noon ni Luke mahal na mahal ko ang anak ko. She's my angel, my strength and my everything.

"You're awake" rinig kong sabi ni Avery kaya dahan dahan kong isinandal ang likod ko sa headboard ng kami.

"Nasaan ako?" tanong ko habang nililibot ang mata ko. Wala akong nakitang kahit ano bukod sa sofa at table na nasa gilid ng kama kung saan ako nakahiga ngayon.

"Marian's Hospital" sagot ni Xander habang karga na ngayon ang anak niya dahil mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.

"Okay kana ba? Masama paba ang pakiramdam mo? Naliliyo kapa?" pag-aalalang tanong sa akin ni Avery at inabutan niya ako ng isang basong tubig.

"Okay lang ako, naliyo lang ng konti kaya hindi nakayanan ng katawan ko. Wala naman akong sakit." nakangiting kong wika para naman mawala ang pag-aalala sa mukha ni Avery.

"Don't stress yourself to much!" rinig kong wika ni Xander habang hinahaplos ang buhok ng anak niya. 

"Tama siya Madison, huwag kang magpaka stress ng sobra. Akala namin kanina buntis ka pero sabi naman ng doctor dahil lang sa pagod kaya ka nahimatay kanina." sabi ni Avery kaya nakaramdam ako ng dismaya kasi akala ko buntis ako.

Ngayon ko lang napansin na may nakatusok sa kamay ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kanina. Basta ang alam ko nawalan ako ng malay ng nakita ko si Luke.

Biglang nanlaki ang mata ko at tsaka ko napansin na wala ang anak ko.

"N-nasan ang anak ko?" nanlalaki ang mata kong tanong sa kanila at akmang aalisin kona ang nakatusok sa aking ng bigla akong pigilan ni Avery.

"She's with Luke" walang emosyong sabi ni Xander na para bang wala siyang pakealam.

"W-why? Avery! Alam mo naman ang sitwasyon ko diba? Bakit mo hinayaang sumama ang anak ko sa lalaking 'yon." wika ko habang nangingilid na ang luha ko sa nalaman ko.

"I-im sorry" sabi ni Avery ng mapansin kong nangingilid ang luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko na kaagad ko namang nilayo.

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko pinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang magkasama ang anak ko at si Luke. Selfish ba? Oo! Alam kong selfish ako dahil tinatago ko ang katotohan. Natatakot ako na baka kunin niya sa akin ang anak ko.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon