Epilogue

44.7K 1.3K 448
                                    

Epilogue

Pagkababa ko palang ng sasakyan marami na ang nag-aabang sa akin habang nakikita sa kanila ang mga ngiti. Mabilis naman na lumapit sa akin ang secretary ko upang ibigay sa akin ang gunting.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras na gupitin ang ribbon na nasa harapan ko habang masaya silang nagpapalakpakan.

"Congrats sa bago mong business." nakangiting wika ni Avery kaya naman niyakap ko siya.

"Salamat." tugon ko.

Pimagmasdan ko ang Restaurant na nasa harapan ko. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ko ang pangalang nasa itaas.

Louisse Fate's Restaurant

Ipinangalan ko sa anak ko ang bagong tayo kong Restaurant. Sobrang saya sana kung nandito siya mismo upang harapan na masilayan ang pinaghirapan kong ipatayo.

Lahat ng pumunta sa bagong bukas kong restaurant ay libre sa pagkain. Halos hindi na maubos ang mga taong pumupunta dito sa Restaurant. Nakakaramdam na din ako ng pagod dahil sinasalubong ko silang lahat.

Naisipan ko muna na pumunta sa loob ng office ko para magpahinga. Uminom ako ng tubig habang pinagmamasdan ko ang litrato ng anak ko.

"I missed you so much!" bulong ko habang hinahaplos ang litrato ng anak ko kasabay ng paghalik ko.

Hinaplos ko ang tiyan ko na doble ang laki kasi hindi lang kambal ang dinadala ko ngayon. Triplets na sobrang kinagulat naming lahat. Maging sina Kaye ay hindi makapaniwala kasi wala naman history ng triplets ang anak sa pamilya ni Luke ganundin sa amin.

Anumang oras pwede na akong manganak pero mas pinili ko pa din na pumunta dito kasi espesyal na araw 'to. Ngayong araw din ang birthday ng anak ko. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na namin siya makakasama sa araw ng kanyang kaarawan.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napangiti ako ng makilala ko kung sino ang pumasok. Walang iba kundi si Alizear na may dalang bulaklak.

"Para sa akin ba 'yan?" nakangisi kong tanong sa kanya ng mabilis naman siyang umiling.

"Secret." aniya.

"Ganyan kana pala! May tinatago na kaya nagtatampo na ako sayo." nakanguso kong sabi kaya nilapadan niya lang ako ng ngiti.

"Vivian." nakangisi niyang sabi kaya namilog ang mata ko.

Bumalik sa akin ang ala-ala noong nakaraan. Pagkatapos ng kasal namin ni Luke ay hindi ko alam na may flight na pala agad kaming papuntang France. Talagang pinagplanuhan pala nilang dalawa ang bagay na 'yon.

Inamin sa akin ni Alizear na siya mismo ang humingi ng pabor kay Luke para gawin ang bagay na 'yon. Sobrang naguguluhan ako kasi alam kong mahal niya ako pero bakit nagawa niya akong iparaya sa iba.

Gusto niya daw ako maging masaya kahit hindi na sa piling niya. Sobrang hirap daw na desisyon ang ginawa niya kaya ang nagawa niyang paraan ay ang magkunwari na busy siya sa trabaho.

Gusto niya na muling masanay na wala ako sa tabi niya. Hindi niya na daw alam kung paano pa siya mabubuhay kung wala ako sa tabi niya.

"Kelan pa?" tanong ko sa kanya habang namimilog pa din ang aking mata.

"Isang buwan na." aniya.

"Kamusta na ang kalagay niya?"

"Ayos naman siya. Itinigil niya muna ang pagiging artista kasi mas gusto nalang daw niya ang mag design ng mga gown."  tugon nito habang nababakas sa mukha niya ang saya.

Masaya ako para sa kanya kasi hindi naman pwedeng magmukmok nalang siya ng dahil sa akin. Alam kong sobrang nahirapan siya ng mawala ako sa piling niya. Maging ako nahirapan din kasi nasanay ako na kami ang nagdadamayan sa hirap at ginhawa.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon