Chapter 20: Birthday Party

21.3K 672 59
                                    

Chapter 20

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko ang ang anak ko na ngayon ay paikot-ikot sa harapan ko habang pinapakita sa akin ang kanyang kasuotan.

Nakalugay ang kanyang buhok habang may crown na nakalagay sa kanyang mahabang buhok. Natural din na kulot ang laylayan ng kanyang buhok. Nilagyan ko din siya ng kaunting lipstick at blush on kay litaw na litaw ang kagandahan ng anak ko.

"Kamukha kona po ba si Princess Belle?" tanong sa akin ng anak ko habang pinagmamasdan ang sarili niya sa malaking salamin sa harapan niya.

"Oo naman baby, mas maganda kapa sa kanya." nakangiti kong wika ng mamilog ang mata niya habang nakatingin na sa akin.

"Pero super ganda niya po kaysa sa akin." wika niya habang nanatili siyang nakatingin sa akim kaya lumuhod ako para hawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Mas maganda ka, baby." sabi ko sa kanya ng sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Happy Birthday to my sweetest daughter. I love you, baby." sabi ko sa kanya kasabay ng paghalik ko sa magkabila niyang pisngi.

"Thank you po, I love you too Mommy. Sobrang blessings ko po sa inyo ni Daddy Alizear." wika niya habang hinahalikan ang magkabila kong pisngi.

"Mas swerte ako sayo dahil meron akong anghel sa buhay ko." nakangiti kong sabi habang hinahaplos ko ang kanyang mukha.

"Mommy before I blow the candle later." sabi niya habang ang lapad ng ngiti niya.

"..sasabihin ko na po ang wish ko sayo, Mommy. Kasi diba po ako lang ang makakaalam nun kaya po sasabihin kona po sa inyo." malapad na ngiti niyang sabi at lumapit pa siya sa akin at nilapit ang bibig niya sa tenga ko.

"Ano ang wish ng baby ko?" tanong ko sa kanya ng marinig ko na humagikhik siya kaya kinagat ko ang ibabang labi ko dahil nakikiliti ako.

"Ang wish ko po na sana makita ko ang totoo kong Daddy sa birthday ko." bulong niya at pagkatapos niyakap niya ako habang kumurot naman ang dibdib ko dahil ramdam ko ang lungkot sa boses ng anak ko.

Napaka-selfish ko! Sobrang napaka-selfish ko!

"Hindi ko po kelangan ng mga toy kasi po makita ko lang po si Daddy ko masaya na ako." bulong niya samantalang hinahaplos ko ang likod niya.

"Nothing's impossible, baby." sabi ko nalang habang hinahplos ko ang buhok ng anak ko.

"Sana nga po, Mommy kasi po nag pray na po ako kay Papa Jesus na sana makilala kona po si Daddy at naniniwala po ako na tutupadin po ni Papa Jesus ang kahilingan ko." sabi niya habang hinahawakan na ang kamay ko at nababakasa sa mukha niya ang lungkot at nasasaktan ako para sa kanya.

"Oo naman baby, si Papa Jesus ay kailanman ay hindi tayo binigo." nakangiti kong wika ng mamilog ang kanyang mata habang nakikita ko na ang pag-asa sa kanyang mukha.

"Thank you po, Papa Jesus!" nakapikit na sabi ng anak ko habang may ngiti sa labi niya.

Matapos nun ay pinasama ko muna ang anak ko kay Alizear na ngayon ay nasa salas. Samantalang magbibihis pa lamang ako at aayusin ko pa ang sarili ko.

Hindi ko manlang namalayan na sobrang bilis ng araw kasi ngayon na ang birthday ng anak ko. Ang araw na 'to ang pinaka special sa akin dahil ngayong araw ko mismo pinanganak ang anak ko.

Tungkol naman sa huling pag-uusap namin ni Luke hindi pa din mawala ang kaba sa dibdib ko lalo na nung sinabi niya na kukuhanin niya ang anak ko.

Hindi ako papayag na makuha niya ang anak ko at kung kinakailangan na lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko huwag niya lang gawin ng binabalak niya.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon