Chapter 24: Kikiam

20.8K 637 64
                                    

Chapter 24

Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang puting kisame.  Ramdam ko din ang lamig na galing sa aircon kaya tinaas ko ang kumot ko para matakpan ang katawan ko hanggang dibdib.

"I said stop drinking alcohol. It's not good to my child." rinig kong boses ng isang lalaki at ng lingunin ko ay nakilala ko na si Luke habang nakatalikod sa pwesto ko at nakahawak sa bewang niya at may katawagan.

"Please baby, stop drinking." mahinahon ng sabi ni Luke habang nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Yes-- okay- Take care." rinig kong sabi ni Luke habang ako naman ay hinahaplos ko ang tiyan ko dahil nagugutom na ako.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako napapansin na gising na ako. Napakagat ako sa ibaba kong labi ng maalala ko na hinalikan ko siya kanina.

Hindi ko nakontrol ang sarili ko dahil sa kagustuhan ko talaga na halikan siya.

Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo Madison?

"I love you too." muling sabi ni Luke kaya natigilan ako sa narinig ko.

Iniwas ko ang tingin ko at tinalikudan ko siya sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman. Tama ng ako! Alam ko na pinagti-tripan lamang ako ni Luke kasi may anak kami at si Vivian talaga ang mahal niya.

"Alam ko na gising kana." rinig kong sabi ni Luke kaya pinilit ko ang sarili ko na umupo habang hindi sumusulyap sa kanya kanina.

Naiinis ako kasi nasasaktan ako.

"Bakit ako nandito?" nagtataka kong tanong sa kanya habang nililibot kopa din ang tingin ko.

"Hindi mo natatandaan? Nawalan ka ng malay kanina." aniya kaya napatango nalang ako.

"Ano ang gusto mo?" tanong nito habang nakaupo na siya sa upuan sa gilid ng kama na kinahihigaan ko kanina.

"Tubig." simpleng sagot ko sa tanong niya

"Tubig lang? Hindi ka nagugutom?" tanong nito kaya umiling ako kahit na ang totoo ay nagugutom na ako pero hindi ako hihingi ng tulong sa kanya kahit kailan.

Binigyan niya ang ako ng tubig sa isang baso na mabilis ko naman na ininom habang hindi tumitingin sa kanya. Naiinis kasi talaga ako sa sarili ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya kaya tumango ako habang pasimple kong hinahaplos ang tiyan ko dahil sa gutom.

Dumako ang tingin ko sa orasan at nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang anak ko. Delikado na ngayon ang anak ko dahil kay Vivian kasi baka ano ang magawa niya sa anak ko. Galit na galit pa naman sa amin ang babaeng 'yon dahil inaagaw daw namin sa kanya si Luke.

"Saan ka pupunta?" gulat na tanong sa akin ni Luke ng mapansin na tatayo ako kaya pinigilan niya ako.

"Susunduin ko ang anak ko." matigas kong sabi at akmang tatayo na naman ng pigilan niya ulit ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinundo siya ni Mommy kaya siguradong ipapasyal na naman niya ang anak natin." sabi nito kaya kumalma na ako dahil alam ko naman na hindi pababayaan ni Tita ang anak ko.

Narinig namin na may kumatok at bumukas ang pintuan habang may pumasok na isang lalaki na may dalang Jollibee. Naramdaman kong kumalam ang tiyan ko ng maamoy ko ang bango ng chicken.

Lumapit ang lalaki kay Luke at tinanggap ang dala nung lalaki at may binayadan. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil malayo ako sa lugar nila. Mabilis na lumabas ang lalaki ng makabayad si Luke.

"Gusto mo?" mapang-asar na tanong sa akin ni Luke habang pinapakita sa akin ang bukas na pinaglalagyan ng chicken na may kanin kaya pakiramdam ko ay tutulo ang laway ko dahil sa amoy.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon