Chapter 16: Marry you

23.2K 622 190
                                    

Chapter 16

Iminulat ko ang mata ko ng marinig ko na may tumutunong na telepono. Sinandal ko ang likod ko sa unahan ng kama habang kinukusot ko ang mata ko.

Hindi na ako nagulat ng makita ko ang sarili ko na natatakpan lamang ng kumot ang hubad kong katawan.

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil naisip ko ang nangyari kagabi sa amin ni Luke. Hindi ako tumutol sapagkat nagpaubaya ako na angkinin niya ako.

Sobrang nadadala na din ako kagabi kaya hinayaan ko siya dala na din sa pag-inom ko ng beer.

Gusto kong mapairap ng makita ko ang isang box niya ng condom na ang flavor ay strawberry na nakapatong sa side table niya.

Hindi ko akalain na sa dami ng condom niya nabuntis niya pa ang babaeng 'yon.

Naalala ko bigla na hindi siya gumamit ng condom kagabi at ang mas malala ay sa loob niya pinutok. Kakatapos ko  lang magkaregla noong isang linggo.

"P-posible ako na mabuntis?" bulong ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko ang buhok ko dahil posible talaga na mabuntis ako.

Noong may nangyari sa amin ni Luke doon sa condo niya habang lasing kami kakapatos ko lang magkaroon ng regla kaya nabuntis ako.

Sinadya niya ba na huwag gumamit ng condom? Para saan? Para makabuntis na naman siya? Damn!

Hindi ko alam ang sasabihin kay Alizear kapag nalaman niya na hindi siya ang ama ng magiging anak ko pero sana hindi ako ulit mabuntis ni Luke lalo na't magkaka-anak na siya.

"I love you." kinagat ko ang labi ko ng maalala ko ang sinabi niya bago siya matulog.

Hindi ako umaasa na ako 'yon atsaka bakit ako aasa kung wala naman akong gusto sa kanya.

Narinig ko naman na nagring ang isang phone. Pagkatingin ko sa baba ng kama nakita ko ang phone ni Luke na may tumatawag. Mabilis ko 'yon kinuha at tiningnan kung sino ang natawag. Walang iba kundi ang manager niya.

Hinintay ko muna na tumigil sa pagtawag ang manager niya bago ko buksan ang phone niya na walang password.

Naisipan kong buksan ang fb account ko at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot ng makita ko ang mga post sa fb.

Si Luke habang nakaluhod sa harapan ni Vivian habang may hawak na singsing. Ang suot niya ay ang suot niya kagabi at alam kong habang mahimbing akong natutulog ay umalis siya para puntahan si Vivian.

So ano ako dito? Sx buddy? Gano'n ba? Ako naman 'tong nagpauto sa kanya lalo na't pumayag ako kahit na may boyfriend ako.

Gusto kong iumpog ang ulo ko dahil may boyfriend ako na nag-iintay sa akin tapos nandito ako ngayon sa condo ni Luke na walang saplot.

Habang malalim ako nag-iisip ay minabuti ko munang magsuot ng dress na ginamit ko kagabi.

Mabuti nalang hindi masyadong nagusot at namula ang mukha ko dahil madali ko naman nakita ang undies ko na nasa ibaba ng kama.

Habang nasa elevator ako ay hindi ko mapigilan na mapaiyak kasi sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Nagpapagamit ako sa iba samantalang may boyfriend ko.

Ano pa matatawag sa akin kung nabuntis pa ako ni Luke? Bigla kong binatukan ang sarili ko dahil sa naiisip ko.

"Stop it, Madison. Hindi ka mabubuntis." bulong ko sa sarili ko habang sakto naman na bumukas ang elevator.

Mabilis akong naglakad palabas habang hindi pinapansin ang nanlalaking mata ng mga guard. Sila pa din ang nagbabantay na gulat na nakatingin sa amin kagabi. Hindi na ako magtataka kung bukas o ngayon ay kalat na sa social media na dinala ako ni Luke sa condo niya.

The Bridge of Us (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon